KABANATA 5

17 2 0
                                    


HINDI na nakatulog si Tala hanggang sumikat na ang araw. Ang kinalabasan ay aburido siya kinabukasan.

Maging ang magka-kaibigan ay pansin ang masamang timpla ng mood ni Tala.

"Do we have a class today?" Tala asked with furrowed brows when she saw Jimiro 'Jim' Atkinson holding his precious notebook. Ang notebook na napapansin ni Tala na dala-dala ng lalaki saan man ito magpunta.

"No," Si Leo ang sumagot sa tanong ni Tala.  "But we need to be present in the Mystic Hall today. The counselors had an announcement to make."

"Announcement?"

Nagkibit-balikat lang si Leo. Binuksan ang may kalakihang tumbler saka uminum.

A metallic scent filled her nostrils. Gusto niyang masuka nang maamoy ang malansang dugo na iniinum ng lalaki. Itinakip ni Tala ang kanang palad sa bibig, "pwede bang mamaya mo na inumin 'yan?" Hindi na niya napigilan, bigla siyang naduwal, "Fuck! That was fucking gross!" Tumakbo si Tala palabas ng dorm saka doon inilabas ang sama ng loob.

Naramdaman niyang sumunod ang lima sa kanya.

"Eww, that was gross, Tala." Nakangiwing wika ni Zenny. Pinagdiinin ang huling salitang tinuran ni Tala.

Nang bumuti ang lagay ni Tala ay nilingon niya ang lima saka binigyan ng masamang tingin. "I just want to remind you that I'm a fucking human! Hindi ako sanay ng makakita ng nilalang na umiinum ng dugo ng tao, ng kalahi ko." Tala hissed at them.

Pare-parehong natahimik ang lima.

Biglang tumikhim si Leo, saka itinago sa likod ang hawak  na tumbler.  "Sorry about that. Next time, I won't drink when you're around. "

"That's good." Sang-ayon ni Tala saka inagaw ang hawak na tumbler ni Jimiro.

"Hey, don't drink that! May nakahalong al-," Hindi na natapos ni Jim ang pangungusap nang bigla nalang ininum ni Tala ang laman ng tumbler.

Nasaid ang laman ng tumbler ni Jim.

Jim, together with his friends waited for Tala's reaction after she drunk a tumbler of potion mix with alcohol.

Nabahala si Leo nang ipinikit ni Tala ang mga mata. "Jim, perpekto na ba ang pagkakagawa mo ng  potion?" Tanong ni Leo sa kaibigan.

Nababahalang napalunok si Jim. "Hindi ko alam. Hindi ko pa naman nasubukang inumin ang potion na iyan."

"Then bakit dala-dala mo 'yan?"

"Para sana ipakita sa inyo," Sagot ni Jim sa kay Leo. "Then," Sinulyapan si Tala, napakamot ng noo si Jim.

Napahilamos ng mukha si Leo, ang iba naman ay sabay-sabay na nagpakawala ng marahas na hangin sa bibig.

Ang potion na ginawa ni Jimiro ay para sana sa kanilang proteksyon. The Elites loves playing pranks on them. They always spills poison on their food. Luckily, they know beforehand if they do something crazy. All thanks to Leo and Rhea  ability.  They're abilities were a big help to them.

"What will happened to her?" Itinuro ni Rhea si Tala na parang bangag na nakatingala at nakapikit.

"That..."  Jim pause for a moment, heaved a deep sigh. Even him, the one who made that potion didn't knew the effect of it to someone.

"Hindi mo alam!" Singhal ni Lindsay.

"Shit!"

Limang pares ng mata ang tumotok kay Tala. Lahat ay nababahala sa magiging epekto ng potion sa dalaga.

"Why is that drink tastes different?" Puna ni Tala. Humakbang palapit sa grupo ngunit biglang gumiwang ang kanyang tayo. "Opps," plakda ang pwet niya sa mabatong lupa.

Mystic Island: The HumanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon