KABANATA 7

9 0 0
                                    


MAHINANG ungol ang kumawala sa labi ni Tala nang sinubukan niyang igalaw ang kanyang leeg. Masakit. Pati katawan niya ay nanghihina at tila paralisado.

"Oh, she's awake,"

Gumalaw ang kanyang mata, hinanap ang nagsalita. Hindi na siya nagulat nang makita ang babae. The only girl of Goldberg siblings. Again, she tried to move her body but the lady stop her.

"Don't move yet," Naupo ito sa kama, tiningnan ang kanyang leeg.

Humugot siya ng malalim na hininga kapagkuwan ay napangiwe. Kahit ang paghinga ay pahirapan.

"Hindi naman marami ang dugong nawala sa 'yo, just enough rest and you'll be okay."

"Is this your first time to be bitten?"

Muling lumikot ang mga mata ni Tala. Hinanap ang bagong tinig na nagsalita. Reikko Fawn Goldberg.

Nakasandal ito sa kongkretong pader na may kulay asul na pintura. Sa tabi nito ay ang nakabukas na sliding window kaya malayang pumapasok ang preskong hangin. Kitang-kita ang langit na unti-unting kinakain ng kadiliman.

"No need to ask that, dum-dum." The lady named Aeikko said, leered at her brother. "What she's experiencing right now is the proof that it was her first time."

Ang sama ng tingin ng lalaki sa kapatid na tila baliwala lang sa dalaga.

"May masabi lang e," Natatawang saad ni Aeikko. Nag-iba ito ng pwesto. Ang likod ay isinandal sa headboard habang nakakrus ang dalawang braso sa harap ng dibdib.

Ilang beses na nilunok ni Tala ang sariling laway dahil sa panunuyo ng lalamunan. Parang wala kasing balak ang dalawa na bigyan siya ng tubig. Nakakairita na ang walang kwentang bangayan ng mga ito.

Pinaraanan ng kanyang dila ang nanunuyong mga labi. "How long I've been sleep?" Ang boses niya ay namamalat.

"More or less eight hours I guess." Kibit balikat na sagot ni Aeikko, muling hinarap at nakipag-debate sa kapatid.

Alas 9 ng umaga nang ipasundo siya kanina ng Supremo. She was unconscious that long? Kaya pala nag-aalburoto na ang mga alaga niya sa tiyan.

Natigil sa pagtatalo ang magkapatid, parehong tumingin sa kanya.

Aeikko frowned and look at her brother, "Wait, speaking of time, what's taking him so long? May araw pa ng utosan ko siya kanina, hanggang ngayon wala pa rin. Saan ba siya bumili ng pagkain, sa California?"

Nagkibit-balikat lang si Reikko, muling tumingin sa kanya, sa tiyan niya na nakakunot ang noo. "Your rumbling stomach is quite disturbing."

Napasinghal siya. Anong magagawa niya nagugutom siya!

Ilang minuto pa ang lumipas, nang hindi na makatiis si Reikko ay pumalatak ito.

"Noisy, tssk." Anito na masama ang tingin sa tiyan ni Tala. "What's wrong with your tummy? It is rumbling nonstop."

Nagugutom na ako. Gusto niyang isagot 'yon sa dalawa ngunit naunahan na siya ni Lady Aeikko.

"Idiot," Aeikko drawled, "she's hungry."

Reikko hissed, showing his sharp pointed fangs. "How would I know? She's the first human I've ever meet in my whole damn vampire life."

"Excuse me," Tala tried to get their attention and she uttered a silent thanks when they both look at her. "Pwede bang makahingi ng tubig? I'm thirsty."

Walang kumilos sa dalawa upang kunin ang hinihingi niya.

Hanggang sa naramdaman niya ang presensyang nagiging pamilyar na sa kanya.

Mystic Island: The HumanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon