KABANATA 6

10 0 0
                                    


NAKAKA-BINGING katahimikan. Iyon ang nangyare sa magkakaibigan, mula kanina sa Mystic Hall hanggang matapos ang Combat Class ay walang namutawing kalukuhan sa kanila. Everyone is in daze.

Nang makauwi sa dorm ay kaagad na umakyat ng silid si Zenny. Ni hindi ito nagpaalam sa kanila.

Lindsay breath loudly before she look at Tala. "Please understand Zenny's behavior, Tala. She's been in love with her master for years. Hindi madali sa kanya ang tanggapin na pinalitan na siya nito."

She just answer Lindsay a simple nod. Hindi matahimik ang kalooban ni Tala, kinakabahan siya at na-iexcite!

Gosh! At bakit ako ma-iexcite? Anong nakaka-excite sa pagiging slave?!

"Tala,"

"Hmm?" Hindi tumitinging sagot niya kay Jimiro Atkinson.

"Goodluck."

Maging ang iba ay ganun ang sinabi kay Tala. Tangina, "Parang nalalapit na ang katapusan ko, ah."

Tumayo na ang mga ito.

Tinapik ni Rhea ang balikat niya. "Your misery starts the moment he chose you to be his familiar. Kaya goodluck. Sana makatagal ka sa kanya."

"At..." Lindsay paused then look at her, she's worried. "h'wag kang tumulad kay Zenny. Sa tagal niyang naging familiar ni Supremo, hindi lang dugo ang ibinigay niya pati puso."

"Kaya kalmahin mo lang ang puso mo, okay?" This time si Jimiro ulit ang nagsalita. "Balutin mo 'yan ng patong-patong na bakal. Baka malingat kalang nang ilang segundo naibigay mo na rin iyang puso mo sa kanya."

Patay!

"Pwede bang hindi ko tanggapin ang pagiging familiar niya?"

"You don't have a choice, Tala." The silent Leo spoke at last.

She palmed her problematic face. "Ano ba ang trabaho ng familiar bukod sa pagbibigay ng dugo?"

"You will do everything he command. No questions ask."

Talagang patay siya nito.

Kasing bagal ng prusisyon ang usad nang bawat hakbang ni Tala palabas ng kanyang silid. Parang may tig-sampong kilo ang bigat ng kanyang mga binti. She couldn't sleep all night. Those warnings bugged her all night.

At, ngayon nga ay magsisimula na ang kalbaryo niya.

Someone barged in their dorm early in the morning telling her, she was needed by her master. Her master! Ni sa panaginip ay hindi niya pinangarap na maging alipin at magkaroon ng bampirang amo.

"Saan mo ba ako dadalhin?" Tanong niya sa studyanteng sumundo sa kanya.

Now, she's riding a horse assigned to her and the vampire was the one holding the rope. Alalay lang ang lakad nito upang hindi siya malaglag.

"Shut up," What a grumpy vampire. "Bakit ba ako pa ang sumundo sa 'yo? Alam naman niyang natatakam ako sa dugo mo. Paano kung hindi ko mapigilan ang sarili ko? Maaga akong mawawala sa mundo!" He grumbled under his breath.

Bakit ba panay ang reklamo nito? Nakakairita.

"Bakit ka naman mamamatay? At, sana hindi ka nalang sumunod kung panay naman reklamo mo."

Ang talim ng tingin nito kay Tala. "He don't share what's his."

"I own myself!"

"The moment he declared his claim on you, you don't own yourself anymore, human."

Tala release a harsh breath to calm herself. Baka magdilim ang paningin niya at mapatay niya ito.

"Wala na bang ibibilis 'to?"

Mystic Island: The HumanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon