Heartthrob's Tomboy

48 5 0
                                    

Prologue:



Galit na napaungol si Gabrielle o mas kilala bilang Gab nang marinig nito ang nakaririnding tunog ng kaniyang cellphone. She had a bad night, plus, inaatake siya ngayon ng matinding migraine dahil sa hangover.

"Tang na juice naman, o!" Inis na sabi niya bago bumalikwas nang bangon.

Marahas niyang dinampot ang phone sa itaas ng bed side table. Sinagot niya ang tawag nang hindi tinitignan ang pangalan ng caller sa screen.

"Bakit ba?!" Singhal nito sa kausap.

"O, chill lang coz. Umagang-umaga diyan, highblood agad?" Natatawang turan ng boses sa kabilang linya.

"Candice?" Kunoot noong tanong ni Gab sa boses sa kabilang linya bago tinignan ang caller sa screen. She was correct. It was Candice, her cousin.

"The one and only." Hindi niya man nakikita, alam niyang nakangisi ang kaniyang pinsan ngayon.

"Ano na naman ba ang kailangan mo at binulabog mo ako ng kay aga?" Inis na tanong niya sa pinsan. Kilala niya ito, hindi ito tatawag sakaniya ng walang pakay o masamang balita.

Her cousin is a mischievous one. She's full of scheme. And most of the time, she's the target of her pranks.

"Come on coz, why so on guard? I just miss you, you know?" Natatawang ani pa nito sakaniya. And tulad kanina, alam niyang nakangisi ulit ito.

But Gab didn't buy it. "Don't try to fool me, Candice Shayne. I know you well. So stop your idle talk and go straight to the point already." Seryosong utos niya rito na siyang tinawanan lang nito.

"You're becoming sharp, coz." Papuri nito sakaniya. "Anyway, gusto ko lang naman sabihin sayo na nakarating na kay tito Edmond ang balitang meron kang girlfriend. He said he's coming back to the Philippines to talk to you personally. So yeah, goodluck, coz."

Bigla naman siyang napaupo ng tuwid sa narinig. But before she could say a single word, the call had ended.

"Fuuuuuuck!"

* * * * *

"What's the meaning of this, Gabrielle Monique? Who are these women and what's your relationship with them?" Seryosong tanong ni Edmond Mañego sa kaniyang nag iisang anak na babae na si Gabrielle o Gab.

Pinakita niya sa anak ang mga litrato nito na may kahalikan na iba't ibang babae sa loob ng kotse at school.

"Pictures, I guess?" Pabirong sagot ni Gab sa kaniyang ama. Pero nag dikit lang lalo ang mga kilay nito dahil sa sinagot ng kaniyang anak. Obviously, hindi nito nagustuhan ang joke.

"I'm not joking, Gabrielle Monique. So you better answer me now before you lose all of your credit cards and cars." Nagbabanta ang tinig na wika nito.

Napanguso naman si Gab nang muli nitong banggitin ng buo ang kaniyang pangalan. Damn! She hate her name. Lalo na yung Monique. It's so girly.

"They're my girlfriends, dad." Honest na sagot niya. No choice na siya e.

Napahawak bigla sa kaniyang sentido si Edmond. Hindi siya makapaniwala na ang kaniyang unica hija ay merong girlfriend. At hindi lang isa, marami!

"All of these women??" Paninigurado pa niya. Pero mas nadismaya lamang siya nang tumango ito ng parang proud pa na marami siyang pinagsasabay.

Diyos ko, ito na ba ang karma ko sa pagiging babaero ko noon? Turan ni Edmond sa kaniyang isipan. Hindi, hindi. Hindi ko hahayaan ito!

"Breakup with them." Maawtoridad na utos ni Edmond sa anak.

"No way! I love all of them!" Mataas ang tinig na pagtutol naman nito.

"Did you just raised your voice to me Gabrielle Monique?!" Pagtataas din ni Edmond ng boses sa kaniyang anak.

"It's because you're saying nonsense!"

"Nonsense? You're saying my words are nonsense? Ha! Do you know what is nonsense, Gabrielle Monique? Yun ang pag gi-girlfriend mo! Kababae mo na tao pero nag syo-syota ka ng kapwa mo babae. Babae ka tandaan mo. Ang babae ay para lang sa lalake. At kailan man, hinding hindi ko matatanggap na meron kang kasintahang tulad mo na babae rin. So you better breakup with your girlfriends like a good girl before I do something you won't like." Matigas at may pagbabanta ang tono na wika niya sa kaniyang anak bago nagpatiunang umalis at dumiretso sa kaniyang office sa loob ng kanilang mansyon.

Wala namang nagawa si Gab kung di ang magpapadyak sa sobrnang inis sa kaniyang ama. Hell no! Breakup with her girlfriends, he say? Ha! As if she'll do that. Puputi muna ang uwak bago mangyare ang iniuutos sakaniya.


__________________________

A/N: That's it for the prologue! I know hindi ito magiging kasing kaganda ng mga story na nabasa mo na, since I'm kind of new sa pagsusulat, But I hope bigyan mo parin ng chance ang story.

Ps. Follow, Vote and Comment ^^

 Follow, Vote and Comment ^^

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Heartthrob's TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon