Chapter 01: The Tomboy's Fiance

41 3 0
                                    

Chapter 01: The Tomboy's Fiance



-GAB's POV-

"OMG! OMG! Nakita mo ba yun, girl?! Kinindatan niya ako! Kinindatan ako ni JR! Kyahhhhhhh! Shet! Napansin na rin ako at last ng ultimate crush ko!"

Tang na juice lang. Pwedeng masuka? Bakit ba lahat nalang ng babae rito sa eskwelahan namin ay walang ibang bukambibig maliban sa JR na yun?

Lahat nalang sila ay baliw na baliw sa lalakeng yun. Kulang na nga lang ata ay ipagtayo siya ng mga fangirls nito ng sariling rebulto e. Kung sambahin naman kasi nila kala mo isang diyos.

Seriously? Hindi ba talaga nila makita ang tunay na kulay nito? Ako lang ba ang may matinong pagiisip dito? At di hamak naman na mas gwapo ako kesa sa mayabang na lalakeng yun no.

"Wahhhhh! Nakakainggit ka girl! Sana pansinin niya rin ako. I swear, I could die in peace pag nangyare yun." Rinig kong sabi pa nung isang kasama nung babae kanina. Grabe, ang OA nila a.

Pagkatapos ko makuha lahat ng mga gamit ko sa locker, umalis kaagad ako doon. Di ko na kayang makasama pa ang mga fangirls ng JR na yun.

Kaya naman naglakad na ako papunta sa room ng first class ko. And habang naglalakad, nag co-contemplate ako sa kung paano kumilos ang mga tao dito sa Villarama University. Lalo na yung mga kababaihan. And boy, they're all annoying as hell! Sayang, mga chix pa naman sana. Kaso mga may saltik e.

Well, that's fine. Di ko naman need ng chix ngayon e. Masaya na ako sa mga girlfriends kong mahal na mahal ako.

Papasok na sana ako ng classroom ng bigla akong may makabanggaan.

"Hala! Sorry, di ko nakita." Hingi ko ng tawad sa nakabanggaan ko tsaka mabilis na yumukod para damputin ang mga gamit kong nahulog.

Medyo napangiti ako nang yumukod din ang nakabanggaan ko(lalake siya base sa kamay niya) at tumulong din sa pagdampot ng mga gamit ko.

"Salamat pr---" hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko sana nang makilala ko ang lalakeng nakabanggaan ko.

Dumilim bigla ang mukha ko.

"You're always welcome, babe." Wika ni JR na may nakalolokong ngisi.

Yes, the one I bumped with was none other than Joaquin Russel Villarama, a.k.a. JR the heartthrob. And I have a feeling na sinadya niya ang nangyare saaming dalawa. It's JR, after all. He loves to make fun of little ol' me.

"Umagang-umaga, JR. Tantanan mo ako." Inis kong turan bago naglakad papasok ng classroom.

Papaupo na sana ako sa upuan ko nang may umakbay saakin. And of course, it's JR. Siya lang naman ang may lakas ng loob na asarin ang isang Gab Mañego e.

"Why so grumpy, babe?" Bulong niya sa bandang tainga ko habang siya'y nakaakbay. At sa hindi ko malamang dahilan, nagsisitayuan ang balahibo ko sa batok everytime na tatama ang hininga niya sa tainga at leeg ko.

Damn! Why does his voice sound so fucking sexy?! Is he seducing me?!

Agad namang nanlaki ang mga mata ko nang marealize ang naisip.

"B-bitawan mo nga ako, JR!" Nauutal ko na wika at marahas siyang tinulak palayo. Kadiri! Bakit ako nauutal?

"Hooh~ You just stuttered didn't you, babe?" Mas lumawak ang ngisi niya.

"N-no, I didn't." Depensa ko.

Parang gusto ko namang magpalamon nalang sa sahig nang mautal muli ako. Tang na juice naman o! Lalake ka Gab, lalake! Wag kang umastang bading!

He chuckled. "You just stuttered again, babe. I didn't know I have an effect on you as well. Do you perhaps like me now? Nagbalik loob ka na ba, hmm?"

"Fuck you!" Sabi ko nalang at naupo na. Pero kainis lang talaga. Katabi ko nga pala ang bwisit na lalakeng to.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 14, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Heartthrob's TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon