1

123 5 0
                                    

Sa kalawakang ating ginagalawan, walang anuman ang permanente. Lahat nawawala, namamatay, umaalis, o nang-iiwan. Lahat ng bagay ay may katapusan. Ang buhay ng tao at ng mga nabubuhay sa paligid nito ay marupok at nagwawakas, at, maniwala man kayo sa akin o hindi, ang kamatayan mismo ay magwawakas din.

Sumikat ulit ang araw. Kaya lang, hindi sa kinagisnan kong araw. Hindi sa kinagisnan kong lugar.

Nakatingin ako sa kisame ng kwarto ko, hindi rin ang kinagisnan kong kisame sa kinalakihan kong kwarto. Isang bagong kapaligiran ang muli kong pakikisamahan at kailangan kong masanay na mabuhay dito.

Naaalala ko pa...

"Bella, aalis na kami ha. May pagkain sa mesa, kumain ka kung nagugutom ka."

Ganyan talaga ang daddy ko. Mapag-aruga. Lagi niya akong inaalala kahit nasa malayong lugar siya, wala sa tabi ko, dahil sa trabaho niya. Mag-isa lang niya akong tinataguyod, ako na nag-iisa niyang anak.

Paano nga ba namang mag-isa lang siyang nagtataguyod sa akin, at paano nga bang nag-iisa lang ako?

"Daddy! I want to play outside." Ako

First day ng 4th year high school. Nagtransfer ako sa isang sikat na high school sa Bulacan.

Ibang iba ang klase ng paligid. Hindi katulad sa Manila na magulo at maingay. Mas tahimik at malinis. Tsaka mas ok na ako dito. Pwede akong magsimula ulit ng panibagong buhay.

"Wag kang paloloko sa mga lalaki dito. Mag-iingat ka parin. Alam ko na nagkasyota ka na pero..."

"Tita..." Putol ko. "Hindi pa po ako nagkakaboyfriend. Hindi ko pa po nahahanap yung lalaking para sa akin," sabi ko.

Totoo naman. Maraming nagtangka sa akin pero hindi sila pumasa sa akin. May mga nagiging crush din ako pero hindi ko naman sineseryoso.

Pinangako ko rin sa sarili ko noon na hindi muna ako makikipagrelasyon. Study first.

Pero kung anuman ang ibato sa akin ng tadhana, ay pipilitin kong tanggapin.

"Bahala ka kung yan ang sasabihin mo. Basta binalaan kita," babala niya.

"Opo," ang tugon ko.

"O, sige pumasok ka na at baka mahuli ka pa. Malayo pa ang eskwelahan mo," sabi ng tita ko.

"Sige po. Bye tita," sabay alis ko.

Iniisip ko ang magiging lagay ko dito sa lugar na to. Marami kaya akong magiging kaibigan? Kaaway? May mga makikilala kaya akong bagong relatives?

At...

Dito ko kaya makikita ang forever ko? Mabait kaya siya?

Totoo ngang malayo pa ang eskwelahan ko. Noon palang nagte-take ako ng summer class (may kulang kasi akong subjects. Oo, TRADE SCHOOL ang papasukan ko) ay nalaman ko nang malayo sa Talacsan (barangay kung nasaan ang bahay ko) ang Caingin (barangay ng school ko).

Kaya nagmadali na ako. Flag ceremony pa naman tuwing Monday...

Friendly Love (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon