8

85 4 1
                                    

AUTHOR'S NOTE: ang chapter na ito ay dedicated sa isang character sa story na ito. Si Jane Allyson Ferrer ay may counter part sa totoong buhay. Ang pangalan niya ay Allyson Jane Cruz (Allyjane024). Birthday niya kasi sa March 8. Kaya ginawa kong ganito ang chapter na ito. Pero of course...maiiba yung date. Saka take note July 6 ang first day of school.

Happy birthday Allyson!

------------------------------

July 8. Birthday ko. Pumasok ako ng parang regular na araw lang. Akala ko hindi nila alam na birthday ko.

Pero nung papalapit na ako sa room napansin ko may pinagkakaguluhan sila. At lahat sila nasa loob. Nung mga nakaraan kasi laging may pangilan-ngilan na nasa labas (particular na si Nash and company). Pero wala. Lahat sila busy sa loob. Nung malapit na talaga ako sa room, lahat sila humarap sa akin. At nung pumasok ako...

"HAPPY BIRTHDAY ALLYSON!!!"

Nagulat ako. Nasa harap ng crowd sina Allen, si Regie, si Lyndon, si Aubrey, at si Crizza. Siguro sila may pakana. Hayst. Complete pa sila with banners and confetti. At may cake pa.

Pero mas nagulat ako sa may dala ng cake...

Si NASH...

Nagsalita siya:

"Hi, Allyson. Happy birthday! Um..."

"Teka sandali," putol ko. "Paano niyo nalaman na birthday ko ngayon?"

"Hello? Nasa birthday corner lahat ng dates ng birthday natin," sabi ni Crizza.

Oo nga pala. May birthday corner nga pala kami. Ambilis naman yatang matapos ng birthday corner namin.

"Saka madalas naming ginagawa to. Naisipan namin na gawin sayo kasi transferee ka at para mapalapit kami sayo. Teka muna. Wag ka munang sumabat. May sasabihin sayo si Nash." Sabi ni Crizza.

Tumingin ako kay Nash.

"Um.. Magsosorry sana ako sa iyo. Sa asal ko nung mga nakaraan. E kasi nadala lang ako ng emotions ko nung araw na yun. Kaya napaginitan kita. Di ko ugali yung ganun. Kaya sorry na. Could we be friends?" Sabi ni Nash.

"Ano ka ba? OK lang yun. Saka di naman ako yung tipo ng tao na sa ganun lang magtatampo na. And, tungkol sa friends stuff, syempre naman. We could be friends." Sabi ko.

"Ayieeeee!!!" Hirit ng buong klase. Tinignan ko sila ng masama...

"O, sige. Make a wish." Sabi ni Sir Dan (nandun pala siya kanina pa).

Nag-isip ako. Then finally nakaisip ako ng magandang wish.

"Um. Una sa lahat, thanks sa effort niyo para mapaghandaan to. Di ko talaga expected na may maghahanda para sa birthday ko. Kaya thanks. Wish ko, na sana mapalapit pa tayo sa isa't-isa at magkasundo tayong lahat," saka ko hinipan yung candles.

Nagpalakpakan ang lahat. Pinaghati-hatian namin yung cake. We wasted away the time. Hanggang sa nagbell at kailangan na naming pumunta sa susunod naming subject.

"Sige, girls. Kami na (boys) ang maglilinis. Pumunta na kayo sa Entrep. Ipaalam niyo nalang kami." Sabi ni Nash.

Umalis na kami sa room.

Nash's POV:

(Sa POV na ito si Nash ang first person.)

"Ayos ba yung ginawa ko?" Sabi ko kay Regie.

"Oo naman. Wala akong maisip na dahilan kung bakit di niya tatanggapin yung sorry mo," sabi ni Regie.

"Pano mo naisip yun?" Sabi ni Allen.

"Oo nga. Bakit mo naisip na itaon sa birthday niya?" Sabi ni Lyndon.

"Wala lang. Naisip ko lang na good mood sya kapag birthday nya kaya tinaon ko. And, it kinda worked out." Sabi ko.

"Mabuti naman, Mr. Villaroman na naisip mo na makipagbati na nga sa kanya," sabi ni Sir Dan.

Ngumiti nalang ako. Buti naman at maraming sumuporta sa idea ko.

Friendly Love (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon