4

102 5 0
                                    

Flag ceremony. Nakita kong nagmamadali na ang ibang estudyante kaya't nagmadali na rin ako.

Hindi kalakihan ang school ko. Nahahati kasi ito sa dalawang campus. Sa campus na ito nag-aaral ang grade 9 at 4th year at sa ibang campus ang grade 7 at 8.

Nagmamadali akong pumasok sa campus. Segregation of students palang pagdating ko. Sa pagmamadali ko ay may nabamgga akong estudyanteng lalaki.

"Ano ba?" Sabi nya. "Tumingin ka nga sa dinadaanan mo."

"Sorry po," ang marahang sagot ko.

"Sayang pogi pa naman," bulong ko sa sarili ko.

May katangkaran ang lalaking iyon. May itsura rin. Sa palagay ko ay dati na syang estudyante dito. Nasuportahan ang iniisip ko nang marinig kong tinawag sya ng isang teacher. Ang pangalan nya ay Nash.

Biglang lumapit ang isang babae sa akin.

"Hello. Transferee ka dito?"

"Oo. Paano mo nalaman?" Sagot ko.

"Nakita kong napaginitan ka ni Nash..." Sa mga sinabi nya nalaman kong dati na rin syang estudyante dito. "...ako nga pala si Crizza. Crizza Courtney Lazaga, napansin kong di ka nanlaban kay Nash kaya nalaman kong transferee ka. Wag mo masyadong papansinin si Nash. Mabait yun pero mainit lang ang ulo ngayong araw na to. Actually kasama sya sa top."

"Talaga? Parang kilalang kilala mo sya ah," pagtataka ko.

"Oo. Magkaklase kami since 1st year. Kaya marami akong alam sa kanya," sabi nya.

"Ah. Sige. Nice to meet you Crizza," bati ko.

"Nice to meet you too, um...ano nga yung pangalan mo?" Tanong nya.

"Allyson. Jane Allyson Ferrer," sagot ko.

"Ok. Nice to meet you Allyson," bati nya.

Nginitian ko sya.

Friendly Love (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon