9

69 3 0
                                    

Hey guys! Sorry kung matagal ako kung mag-update. Medyo busy ako these days. So itong update na to ay dedicated sa kaklase ko na kinukulit akong isama ko raw sya. itsmemissS! Ito na yung request mo.

Saka nga pala... Pinopromote ko po na basahin nyo rin yung story/ies na ginagawa ni Allyjane24.

_______________________
Nash's POV

Recess. July 8. Birthday parin ni Allyson. Hindi ako convinced na ok na kami ni Allyson. So, may plano ulit ako. Hey wait! Ayun sya sa canteen! Gotta go! Bye!

Allyson's POV:

"Ayos ba yung ginawa namin?" Tanong ni Crizza.

"Oo naman. Thanks nga pala talaga sa effort nyo. Di ko expected yung ginawa nyo na yun," sabi ko. (Binara ako ng isip ko: malamang! Surprise yun e!)

"Syempre hindi mo expected yun. Surprise e."

She just read my mind.

"Ano sa inyo girls?" Sabi ng canteen attendant.

"Ate, bigyan mo nalang sila ng tig-isang Spanish bread at tropicana. Sagot ko na po."

Tumingin ako sa likod ko.

Si Nash!

Inabot na sa amin ng tindera yung Spanish bread at tropicana namin. Inabot naman ni Nash yung bayad.

"Bye." Bulong sa akin ni Crizza sabay alis.

"Wow! Ambait mo yata ngayon ah," sabi ko kay Nash.

"E kasi di pa ako sure kung talagang friends na tayo e," sabi nya.

Nasamid ako sa sinabi nya.

"Ano ka ba? Oo nga friends na tayo. Hindi naman ako yung uri ng tao na matinding magalit," sabi ko.

"Buti naman. At least napagaan natin yung loob ng isa't isa," sabi nya.

...

"Well?" Sabi nya,

"Ah. Oo. Oo. Umm. Friends," sabi ko.

"Shake hands?" Sabi nya.

Nagshake hands kami.

"Um. Sige. Baka hinihintay na ako ni Crizza," sabi ko.

"Sige," sabi ni Nash.

Nash's POV:

Well you did it again, Nash.

"Hi Nash!"

Nako eto na naman sya.

Si Aubrey.

"Nash, libre mo ko," sabay kapit sa akin.

"E wala na akong pera," sabi ko.

"Huu. Lagi naman e," sabi ni Aubrey.

Ewan ko ba pero patay na patay sa akin ang babaeng to. Umalis na ako.

Aubrey's POV:

"Ano ba yan? Malapit na tayong grumaduate hindi parin nya ako nagugustuhan," sabi ko.

"Ikaw na kasi ang manligaw," sabi ni Shaina...

Author:
Oops! Hindi nyo pa nga pala sya kilala. Sya si Shaina Cyril Ventura. Best friend sya ni Aubrey. Girl friend sya ni Allen.

"Eh? Ang panget naman ng ganun. Babae ako tapos ako manliligaw," sabi ko.

"Hmm... Oo nga. Gawin mo nalang, ipakita mong karapat-dapat ka sa pagmamahal nya. O diba lalim?" Sabi ni Shaina.

"Haha. Sira ka talaga."

Friendly Love (on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon