Chapter Three

81 3 2
                                    

"Are you serious?"

Tumango lang ako. I am with Alex Ferrer, isa sa mga kakilala kong paparazzi. I hired him to follow Allyssa at kunan lahat ng posibleng kahina-hinala nyang ginagawa.

"I thought you guys are friends?"

"Not anymore" malamya kong pahayag.

"Why? What happened?"

"Ano ba talagang trabaho mo? Ang makipagdaldalan sa akin o kumuha ng litrato?"

Hindi naman siya nagsalita.

"Alex, I'm not going to pay you kapag na-apurnada na naman ito"

"Got it! Sabi ko nga una na ako eh" and with that he left my condo.

Kaibigan ko si Alex simula highschool. Schoolmate ko sya at naging ka-close sa photography club dahil lagi nila akong kinukuhang model or subject. He doesn't look much pero anak yun ng isang businessman. Past time nya ang pagiging isang paparazzi dahil nag-eenjoy daw sya sa palihim na pagkuha ng pictures ng mga sikat na tao. Buti pa sya. Walang ibang problema at nagpapakasaya lang.

I decided to start my plan kahapon makalipas ang isang linggo matapos ang proposal ni Tristan. Pinag-isipan kong mabuti lahat ng gagawin ko dahil wala na akong maaasahang iba.

Are you going to the party tonight?

Nakita ko ang pangalan ni Allyssa sa screen. Nakipag-bati na rin pala ako sa kanya dahil hindi pwedeng maghinala sya sa akin.

Yeah. I'm getting ready actually.

Reply ko naman. Nagtungo na ako sa cabinet para mamili ng susuotin.

Great! Dress super pretty ha! Ipapasundo kita kay Luke! :)))

Napairap naman ako sa text nya. Like I care about Luke. These past few days ay napapansin kong lagi nya kaming pinagsasama ni Luke. She's acting even more stupid than she already is. Playing cupid pa sa amin. Bakit kaya napaka-clueless ng babaeng yun sa mga nasa paligid nya?

Don't bother. Magtataxi na lang ako.

Reply ko pa rin kahit alam kong ipipilit nya at Luke is already on his way here. She has her ways to people kasi mahirap syang tanggihan. That's why I hate her even more because of that.

Papunta na sya dyan eh. Sabay ka na din sa kanya kesa bumalik pa sya.

See? She's too predictable. Hindi na ako sumagot at nagbihis na. I chose to wear a black dress na may white lining over the tube top. Mga three inches above the knee sya so exposed ang mahaba kong legs. I stand 5'8" kaya mahaba talaga ang mga binti ko. My height and ang features kong matangos na ilong at kulay abong mga mata ang tanging ipinagpapasalamat ko sa tatay kong Briton. Nakatulong ang pagiging aking tisay para makapag-tapos ako ng pag-aaral at maka-angat sa buhay.

Kakatapos ko lang maglagay ng pulang lipstick sa labi ko nang tumunog ang doorbell. Agad naman akong tumungo sa may pinto at sumilip sa peephole. I saw Luke standing outside kaya pinagbuksan ko na.

"I already told her na ayaw kong magpasundo sa'yo" iniwan ko syang nakatulala at nag-tungo na ako sa cabinet ng mga sapatos ko. I decided to wear my white pumps.

"Upo ka muna. Kukunin ko lang yung purse ko" sabi ko dahil nakatayo pa rin sya. Sumunod naman sya sa sinabi ko. This isn't the first time na nakapunta sya dito since I already invited him over before nang malaman kong he confessed to Allyssa. Akala ko talaga pwede ko syang maging kakampi pero he was too weak and a quitter. I don't need those kind of people.

"Anong ginagawa mo dyan?" tanong ko dahil nakita ko syang hawak ang cellphone nya at mukhang kinukuhanan yung picture ko na naka-display.

"Wala lang. Tinitingnan ko lang" umirap naman ako.

Confessions of a KontrabidaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon