Kung may isang bagay man akong natutunan sa dati kong trabaho, ito ay ang matutunan ang ipagtanggol ang sarili. I was born a fighter, not a damsel in distress na kailangan lagi ng prince charming or knight in shining armor. I don't need those because what I need is a partner. Kakampi sa bawat tagpo at laban ko sa buhay. Kaya nga ganito na lang ako kadesperada kay Tristan. He once became my companion, kakampi't kasangga. Masisisi nyo ba ako kung bakit ayokong pakawalan ang isang tulad nya? He is perfect. How can you just let go someone so perfect for you? Kung sa paborito mo ngang damit nahihirapan kang ibigay o ipagamit sa iba, sa taong mahal mo pa kaya? I know hindi ko sya pagmamay-ari pero kailangan ko siya. I need him more than anyone does. People will never understand what I mean kaya hindi na ako nag-aabala pang ipaliwanag ang sarili ko.
"Hey Tristan!" tawag ko when I saw him entered the restaurant. He smiled at me at naglakad na patungo sa kinaroroonan ko.
"I'm sorry for being late. Alam mo naman ang traffic sa edsa" nginitian at tinanguan ko naman siya.
"Ayos lang no! Importante nakapunta ka. Thanks for coming tonight" I motioned my hand para maupo na kami.
"Ikaw pa. How's your day? Nakabisita ka na ba sa mommy mo?" kumusta nya.
"Naman! I went to her first thing in the morning. Mahirap na at baka magtampo si mama. Maisipan pang i-surprise visit ako" natawa naman siya. I can't help but fall in love to those eyes, the way he smiles and laughs.
"I'll pay her a visit one of these days" pahayag nya. Agad namang nagdiwang ang buong kaluluwa ko at hindi ko na napigilang mapangiti ng malaki.
"Talaga?! Sige, samahan kita para masaya!" he just answered me with a smile.
We ate while reminiscing our days back in the university. Tawa lang kami ng tawa habang nagku-kwentuhan.
"Natatandaan mo pa si Ej?" tanong nya matapos isubo ang last spoonful of pasta.
"Ej?" tanong ko. Tatlo kasi ang kakilala kong Ej.
"Elijah Pascual?" pagbuo nya sa pangalan dahil nahalata nya sigurong hindi ako sure kung sinong Ej ang tinutukoy nya.
"Oh yeah. Bakit? Anong meron sa kanya?" usisa ko.
"I run into him last week sa Megamall and he asked about you" napataas naman ang isa kong kilay.
"And... What did you tell him?"
"He asked how are you and kung single ka pa daw ba so I answered him yes. Mukhang hindi pa nakaka-move on sa iyo yun" tawa nya while I just shrugged.
"Ganun talaga kapag maganda mahirap kalimutan" biro ko.
"Ang yabang! Nakakaawa nga yung tao kasi hindi naman naging kayo. Tara na nga at lumalabas ang kayabangan mo. Nakakahiya sa ibang kumakain" at tumayo na sya. Sumunod naman ako sa kanya at ikinawit ang braso ko. Naramdaman kong nanibago sya sa ikinilos ko. I just smiled at him nang makita ang mga mata nyang nagtatanong siguro kung bakit ang clingy ko ngayon.
"Tristan, can I make a wish? Kasi di ba birthday naman ng mama ko" sabi ko habang naglalakad na sa lobby ng building.
"Wish? Mmm... Sige, ano ba yun?" napangiti naman ako sa kabaitan nya. I bit my lip at nagkunwaring naiiyak.
"Can we drink tonight? I... I just want to forget everything kahit ngayong gabi lang. Sobra ko kasing namimiss si mama and I feel extremely alone sa apartment ko" I saw him hesitate so pinilit ko talagang pumatak ang luha ko.
"Hay... Sige na nga. I'll just call Yssa and Luke para may kasama tayo" tipid na ngumiti ako sa kanya.
Bingo! I knew he wouldn't turn down my request.

BINABASA MO ANG
Confessions of a Kontrabida
RomanceYou know my name but you don't know my story. Handa ka na bang malaman ang totoong istorya ng isang Shaira Pantaleon? Kinaiinisan at madalas tawagin ng kung ano-ano. Handa ka na bang malaman ang totoo sa likod ng mga nakakainis nyang pag-hadlang sa...