#AOM00

33 1 0
                                    

Oras. Isang konsepto na binigyang kahulugan sa pamamagitan ng segundo, minuto, oras, araw, linggo, buwan, at taon. Simula nang ginawa ang mundo, meron ng oras. Tinignan ko ang relo ko, mag-alas singko na nang hapon. Paniguradong hinihintay na ako nila Mama. 

Sa isang pedestrian stoplight na biglang nag-red, tumigil ako. Hinihintay matapos ang mga sasakyang dumaraan.

Tinignan ko ang sign kung kailan mag-go at hindi at nakita kong 20 seconds pa bago ito matapos na ngayon ay 15 seconds na lang.

Nang nag-green na, naglakad na ako kasamang dumaan yung mga taong nasa likod ko, at may pupunta rin naman sa way ko. Dahil nga rush hour ngayon, marami akong taong kasabayang maglakad.

Nagulat na lang ako nang may biglang bumangga sa likod ko. Tinignan ko kung sino iyon pero hindi ko nakilala ang kanyang mukha, bagkus nakita ko ang isang lalaking naka-gray hoodie at mistulang nagmamadali.

Napaka-init pero naka-jacket.

Sa gitna ng pedestrian lane para bang tumigil ang oras at siya lang ang tanging nakikita ko. Napansin ko ang kulay asul na notebook. Bago pa iyon maapakan ng ibang tao mabilisan ko itong kinuha.

Pero dahil nasa pedestrian lane ako at maraming tao hindi ko na malalaman kung kanino iyon. Pinunasan ko ito bago pinasok sa bag ko, saka ako naglakad na nang tuluyan.

Umuuwi ako ng Taguig kapag weekend. Pero may inuupahan akong apartment sa Pasay, kasama ang matalik kong kaibigang si Aya.

Pagkatapos maligo, nahagip ng mata ko ang asul na notebook. Nakapatong sa ibabaw ng mesa.

Napangiti ako't dinampot. Baka hinahanap na nang may-ari.

Ano bang laman nito?

Lectures sa school?

Mga listahan ng pautang?

Listahan ng mga taong mamamatay?

Binuksan ko ito at tumambad sa akin ang itim na tinta nang ballpen. Isang simpleng salita lang ang nakasulat roon. Pero namangha ako sa ganda ng kanyang pagkakasulat. Binasa ko ang laman...

The Stars Make Your Sadness Away

Narealize ko kung ano ito...it was a written diary.

All Over MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon