"I'll be here by the ocean
Just waiting for proof that there's sunsets and silhouette dreams
All my sand castles fall like the ashes of cigarettes..."---
Sunday
September 22, 2015Dear Elianna,
It's my birthday today.
Can you record a video greeting me for a happy birthday? I want to see your face, and hear your voice. I want to see your smiles.
Pretty please, my spring sunshine Eli?
Kung pwede nga lang...
Nalungkot naman ako. Kung sana ay nakikita kita ngayong araw ay okay na ako. Kung sana malapit ka lang sa akin.
Narinig kong may kumatok sa pintuan. Hindi na ako nag-abalang buksan kong sino iyon dahil kusa ng bumukas ang pinto, sumilip ang taong naroon.
Ngumiti si Su sa akin ng makita ako. May dala-dala siyang isang maliit na balloon na kulay blue, may birthday hat siya sa ulo at may hawak na cake, nakasabit rin sa mga kamay niya ang maliit na regalo.
Kumanta siya ng birthday song. Napapailing ako na napapangiti sa ginagawa niya. Ilang taon na niya itong ginagawa kada birthday ko pero natutuwa pa rin ako.
"Happy birthday." bati niya sa akin.
Hindi ko mapigilan ang pagngisi.
"Thank you." nanghihinang sabi ko.
"Make a wish and blow the candle of your cake." dagdag pa niya.
Kahit wala na akong lakas ay sinunod ko pa rin siya para matapos na. I make a wish and afterwards I blow the cake.
And if my wishes came true, Eli. It would've been you...
"Oh!"
May inabot siyang maliit na regalo sa akin. Nangunot ang noo ko. Hindi ko alam kung ano ang laman nito kaya naman nung kinuha ko agaran ko itong binuksan.
It was like an invitation card...
"Magpapakasal ka na ba?"
Nanghihina man, hindi ko na napigilang itanong. Umirap siya sa akin. "Buksan mo kasi!"
Binuksan ko nga. Inilabas ko ang pa-square na papel at halos mabaliw ako nang makita kung anong nakalagay doon.
It was your handwriting, Eli. And you greet me with a cursive writing saying
"Happy birthday!""Pasalamat ka, napilit ko pa siyang gawin niya iyan!" pagmamayabang ni Su.
Mukha ngang pinilit mo siya. Pero hindi mo siya kailangan pilitin dahil kahit anong sabihin mo 'ron, gagawin niya. Basta ikaw.
Gusto ko pang sabihin iyon sa kanya pero itinikom ko na lang ang bibig ko at hindi na nagsalita.
It was the best birthday gift! Thank you, Eli. :)
Yours truly,
Marcus
BINABASA MO ANG
All Over Me
Teen Fiction"If I could have anyone in the world, it would still be you." ---- Sa isang pedestrian lane, na kung saan marami kang makakasalubong na mga taong dumaraan. Hindi mo inaasahang makakapulot ka nang kulay asul na...notebook. Akala mo, puro lectures ang...