Chapter 1
Mysterious
Modules, assignments, quizzes, and upcoming preliminary exams in the next few days. Hindi ko na alam kung ano'ng uunahin ko. Kulang na lang dalhin ko na ang sarili ko sa hospital para makatakas sa lahat ng gagawin ko sa school. At dahil malas ako ngayon, inabot na ako ng dilim sa kadahilanang may kailangan akong tapusing requirement sa isa naming subject. Kung hindi ko 'yon naipasa ngayon, siguradong mababang marka ang makukuha ko.
Nakakapagod. Minsan gusto ko na lang maging jumbo hotdog para kaya ko 'to.
Ipinilig ko ang aking ulo para alisin ang kung ano-anong kalokohan ang tumatakbo sa 'king isipan. Masyado nang sabaw ang utak ko, kung ano-ano tuloy ang naiisip ko. Mas minabuti ko na lang na maglakad pauwi dahil malapit lang naman ang university sa bahay ko.
Ang ayoko lang sa parteng 'to ay magkakalayo ang poste ng ilaw. May parte na sobrang dilim kaya nakakatakot talagang maglakad dito 'pag gabi. Wala naman akong masakyang tricycle dahil karamihan ay pumarada na.
Nakaramdam ako ng kilabot sa aking batok na bumaba hanggang sa aking mga braso. Hindi ko pinansin ang kung anomang naramdaman ko sa aking likod; binilisan ko pa ang paglalakad. Wala pang ilang hakbang ay nakaramdam na naman ako ng presensya hindi kalayuan sa akin. Naglakas-loob na akong lumingon ngunit wala naman akong nakita kahit anino man lang.
Hindi ko na kinaya ang takot. Tumakbo na ako palayo. Nang pakiramdam ko'y wala nang sumusunod sa 'kin, lumingon ako sa likod ngunit naramdaman ko na lang ang sarili kong bumunggo sa kung sino.
"Sorry po, hindi ko sinasadya–"
Nang tumingin ako sa mukha ng nakabungguan ko ay para akong binuhusan ng malamig na yelo. Binalot ng matinding takot ang puso ko.
Nananaginip lang ba ako?
Humalakhak ang lalake. "Hindi ka nananaginip, magandang binibini. Ito na ang huli mong gabi dahil gagawin na kitang hapunan." Mistulang nabasa niya ang aking naiisip. Ang mahahaba niyang pangil ay nakalabas na sa kaniyang bibig at ang kaniyang mapupulang mga mata ay nagliliwanag sa dilim.
Walang ibang tumatakbo sa akin isipan kundi ang takot. Gustuhin ko mang magpumiglas ngunit ang higpit ng hawak niya sa akin. Ang mapupula niyang mga mata ay nakatitig sa akin na parang tumatagos ito hanggang sa aking kaluluwa. Para akong unti-unting nauubusan ng lakas.
Lumapit siya sa akin at ibina ang mukha niya papunta sa aking leeg. Napapikit ako nang mariin, kasabay ng pagpatak ng luha mula sa 'king mga mata. Hinintay ko na ang aking katapusan ngunit walang nangyari. Naramdaman ko na lang ang pagbitaw ng halimaw sa aking mga braso.
Nang imulat ko ang aking mga mata ay 'agad na nanlaki ito nang Makita ko ang isang nilalang na puno ng dugo ang kamay. Binutas niya ang dibdib ng bampira at kitang-kita ko kung paano niya hinugot ang puso nito palabras. Itinapon niya ito sa lupa at dinilaan niya ang kamay niyang nabahiran ng dugo. Dahil sa kaniyang ginawa, lumabas ang kaniyang pangil.
Lumapit siya sa 'kin. "Don't worry, I won't bite you."
Kumurap-kurap ako at sinusubukang iproseso ang kaniyang sinabi. "A-ah! Gano'n ba? Salamat sa pagligtas sa 'kin." Iniiwas ako ang aking tingin. Hindi pa rin ako makagalaw sa 'king kinatatayuan. Pakiramdam ko'y kapag tumakbo ako, magagaya ako sa nangyari sa lalakeng nagtangkang kagatin ako kanina.
Ngumisi siya sa 'kin. " 'Wag kang magpasalamat, may bayad 'yon."
Parang may kung anong bumara sa 'king lalamunan. "Ano naman ang ibabayad ko sa 'yo? Wala akong pera."
Kinuyom ko ang aking kamao. Hirap ako sa pangpinansyal. Ang tanging dahilan kung bakit ako nakakapag-aral ay may misteryosong tao na nagpapadala sa 'kin ng pera buwan-buwan. Simula nang mawalan ako ng magulang, ako na ang nag-alaga sa 'king sarili hanggang sa umabot ako sa edad na bente uno.
BINABASA MO ANG
The Perverted Vampire
Vampire[The Walkers Trilogy #1] Simple at tahimik ang pamumuhay ni Kisha Louise Madrigal hanggang sa makilala niya ang ubod ng manyak na bampira na nangngangalang Van Rei Isaac Fenier Walker. Kung dati pinapangarap niyang sana totoo na lamang si Edward Cul...