Chapter 2

566K 15.1K 4.6K
                                    

Chapter 2

What a Pain

I finally got the break that I needed. Sinking down on the couch, I sighed and hugged the bowl of popcorn on my chest. Nasa bahay ako ngayon at mag-isa habang nanonood ng paborito kong movie. Dahil ako lang naman talagang mag-isa ang nakatira rito, nagagawa ko ang kahit anong gusto ko. Wala na akong mga magulang at wala rin akong kilalang kamag-anak sa lugar na 'to.

Namatay ang mga magulang ko sa hindi malamang dahilan at simula nang mawala sila, may isang taong nag-alaga sa 'kin ngunit ngayon ay hindi ko na siya kasama. Hindi ko na kailangan pang magtrabaho para sa tuition ko at pang-araw-araw na pangangailangan dahil buwan-buwan ay may dumadating na pera na hindi ko alam kung kanino nanggagaling.

Kung sinoman siya ay tahimik na lang akong magpapasalamat sa kaniya.

Habang nakatingin sa screen ng telebisyon ay lumabas si Edward Cullen ng pelikulang Twilight: Breaking Dawn. Bigla ko tuloy naalala si Van. Hindi ko alam kung bakit bigla na naman akong kinilabutan. Ang weird talaga ng lalakeng 'yun.

Patuloy sa pag-play ang scene mula sa TV. Nagtungo ako sa kusina para kumuha ng slice ng cake sa refrigerator at isang baso ng juice. Hindi na ako nag-abala pang i-pause ito dahil alam na alam ko na naman ang nangyayari.

Ang guwapo talaga ni Edward! Pati na rin ni Jacob. Ang swerte talaga ni Bella.

"This is so cool."

"Oh? Talaga?"

"Oo! Grabe! Ang galing ni Alice!" sabi ko habang ngumunguya ng cake sabay inom ng juice habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa screen. Manghang-mangha pa rin ako sa mga nangyayari kahit saulong-saulo ko na ang bawat scene.

"Ano bang ginawa niya?"

"Pinakita niya kasi roon sa mga kalaban nilang bampira ang mangyayari kapag tinuloy nila 'yung laban,eh."

"Talaga?"

"Oo, hindi ka ba naniniwala sakin–"

Lumingon ako sa kausap ko para pagalitan siya. Ang hirap nito ka-bonding–

Muntik na akong mapasigaw nang makita si Van. Kung hindi niya tinakpan ang bibig ko'y baka nabulabog ko na ang aking mga kapitbahay. Ano'ng ginagawa niya rito?

"Ang ingay, Kisha," sabi niya. Kinuha pa niya ang cake ko at inubos ng isang subuan lang.

"Tresspaser ka na nga, magnanakaw ka pa ng cake!" Pinigilan kong hablutin ang buhok niya at sabunutan siya. Pero kaunti na lang, mauubos na talaga ang pasensya ko sa lalakeng 'to.

"Ang damot mo naman," nakangusong sabi niya. May amos pa sa bibig niya pero dinilaan niya ito habang hindi inaalis ang tingin sa 'kin. Teka, biglang uminit.

Hindi ko magawang alisin ang tingin ko sa kaniya. Nginisian naman niya ako habang lumalapit sa 'kin. Ako naman ay paatras nang paatras sa couch na inuupuan namin.

"Ang sarap ng cake, 'no?" tanong niya habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa 'kin at ngisi sa labi niya.

Hindi ko siya sinagot. Iniwas ko lang ang tingin ko sa kaniya. Hindi ko magawang tumitig nang matagal sa mga mata niya. Parang kapag ginawa ko 'yon ay mapapasailalim ako sa spell niya.

Hiwakan niya ang aking baba at iniharap ang mukha ko sa kaniya. Lumipat ang tingin niya sa labi ko. Dahan-dahan siyang lumapit. Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang lumakas ang tibok ng puso ko. Parang saglit na tumigil sa pag-function ang utak ko. Hindi ko maintindihan ang nangyayari sa 'kin.

Habang papalapit siya ay may nakikita akong ibang imahe–imahe ng mga taong may mapupulang mga mata at madugong mga kamay. May mga bangkay na nakaratay sa sahig at naliligo sa sarili nilang dugo. May mga taong kinakagat sa leeg gamit ang matatalim nilang pangil.

The Perverted VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon