Ailah's POV
Kumain kami ni Ate Eve sa diner sa kanto. Well, hindi siya simpleng diner dahil kagaya ng village namin ay pang mayaman din. With chandeliers, and silk table cloths and chinawares.
"Good Morning Maam." Bati ng receptionist samin. Mabuti pa yung receptionist parang walang problema. Hindi katulad ko.
"Table for two please." At iguinide kami ni Miss Receptionist papunta sa isang table sa pinakalikod na banda.
Tinanong kami ng waiter kung ano ang order namin, pero si Ate Eve lang ang sumagot.Pagkaalis ng receptionist ay bumaling siya sa akin.
"Ailah, tell me the truth."
And with that, I burst into tears.
"Ate *hik* kasi sila M-*hik* Mom. Ipapadala na nila ako sa U.S next week. Ayoko ate.*hik* ayoko."
Flashback
Pumasok ako sa office ni Dad bitbit ang isang bowl ng Ben& Jerry's na matagal ko nang kinecrave. Pagpasok ko ay prenteng nakaupo si Dad sa chair niya at si Mom naman sa sofa.
"Dad?Mom?"
"Come in honey." Si mom ang sumagot. Habang si Dad ay busy sa pagbabasa ng newspaper niya. As Always.
Umupo ako sa opposite chair ng upuan ni Dad.
"Bakit niyo po ba ako pinatawag mom?" Sana hindi tungkol sa punishment ko. Sana hindi nila malaman yun. Sana hin-
"We know what you did Ailah." Kalmado ngunit seryosong sabi ni Dad.
"Dad? Sorry po dad.Hindi ko po sinasadyang magkaroon ng punishment. Isa po yung aksidente. Hindi po sinasadya ni Jam na buksan yung pin-" i was cut off by Dad.
"Punishment? Sinong Jam? Anong aksidente? Ailah Mycca Elliah, spill the beans." May usok na lumalabas sa ilong at tainga ni Dad.
"Dad..." Gusto kong magpaliwanag pero walang lumalabas sa bibig ko kahit isang salita.
"Yung ginawa mo para sa kapatid mo Ailah. I always thought that you were smart enough. And with that punishment..."
"Teka Dad, alam niyo kung anong ginawa ko?" I was apalled.
"Yes. Naghire ako ng spies para sundan kayo ng kapatid mo. At yung dinner date with friends? Nakita kayo ni Tanya."
"......" I was left speechless.
"Next week, you'll fly to New York. Doon ka na mag aaral. I already prepared everything. Kung ayaw mong itakwil ko ang kapatid mo."
Itatakwil si kuya? I wont let that happen. Mahal ko ata yung loko lokong kapatid ko.
"Yes dad."
"Go to your room, and dont call your brother."
Lumabas ako ng office at halos takbuhin ko na ang staircase. Nagkulong ako sa kwarto ko at umiyak lang buong magdamag.
END OF FLASHBACK
"I'm sorry Ailah. I never thought this would happen." Maiyak iyak na si Ate Eve.
Pinunasan ko ang luha ko at sakto naman ang pagdating ng order namin.
"Wag mo nang isipin yon ate. Mahal ko kayo eh.Haha. Tara na ate at kainin na natin itong inor-"
Nahagilap ng mata ko ang isang pamilyar na mukha na nasa harapan ko. No, not him. Not again.
"O Ailah? Sinong tinitingnan mo diyan?" Naweirduhan siguro si Ate Eve saakin.
"Ah, hinahanap ko kasi yung C.R. ate. Teka ayun pala. Punta muna ako ate."
"Okay,take your time."
And with that, hinay-hinay akong lumakad paunta sa C.R. Pagkapasok ko ng C.R. ay agad kong inilock ang pinto.
Tumingin ako sa sarili ko sa salamin at napanga nga. Pulang pula ang mata, Walang suklay ang buhok at higit sa lahat, may muta pa sa mata.
Naghilamos ako at napag isip na bakit ko nga ba siya iniiwasan? Well, hindi ko din alam. Basta ang alam ko lang, I feel pissed pag nakikita ko o nakakausap ko siya. Napagtanto ko na lumabas na at baka hinahanap na ako ni Ate Eve.
Laking gulat ko na pagbukas ko ng pinto ay nakasandal pala siya sa pader.
"Are you stalking me?" Tanong ko.
"No. Akala mo ganun ka kaganda para istalk ng gwapong katulad ko?"
Napaubo ako bigla. Is he joking or what?
"Nagbibiro ka ba?"
"Hindi, seryoso ako." At nakikita ko na he's trying to surpress a smile.
Tinalikdan ko siya at nagtangkang umalis, pero pinigilan niya ako at isinandal sa pader.
"Sinsadya mo talaga akong kalimutan Ayah? Dahil ba'to dati?" Dinikit niya ang noo niya sa noo ko at inang inches lang ang lips niya sa lips ko. Ibig sabihin, isang maling galawa ko lang ay magkikiss na kaming dalawa.
"Ano ba! Im not Ay....yah." unti unti kong nararamdaman ang sakit ng ulo katulad nung nangyari last time pero this time, mas worse.
Eve's POV
20 minutes na, pero wala pa din si Ailah. Hindi naman siguro ganon katagal sa C.R. ang isang tao diba?
Habang naglalakad ako papuntang C.R. ay may naririnig akong nag uusap.
"Sinsadya mo talaga akong kalimutan Ayah? Dahil ba'to dati?" Boses ng isang lalaki
"Ano ba! Im not Ay....yah." boses ng isang babae. Teka kaboses to ni Ailah ah?
Pagtingin ko ay nakita ko si Jam na buhat si Ailah na tila nahilo yata.
"Oh My God!" Hindi ko napigilang mapasigaw at lumapit sa kanila. Oh no, this is going to be another problem.
___________________________________________________
Author's note : Sorry sa medyo matagal na update but I'm back :)
BINABASA MO ANG
My Forgotten Man
Teen FictionMeet Ailah Mycca Elliah, an almost perfect girl. Mayaman, maganda, talented at matalino. What if her almost perfect life will be ruined of a person from the past? Read and You Will See.