Ailah's POV
Nagpaalam si Ate Eve na may pupuntahan pa siya at bayad na ang hospital bills ko, kaya naisipan kong magpasundo sa kay Manong Bert, yung driver namin. Wala pang 20 minutes ay dumating na siya, pero laking gulat ko dahil hindi lang pala si Mang Bert ang sumundo sa akin, kasama niya si Kuya Maico.
"Pano ka napunta sa hospital Little sis?Eh pag nanahigh blood ka nga sakin di ka naoospital eh." Pabiro ni kuya Maico.
"Alam mo kuya, why dont you just shut up? Gusto mo ba akong maospital ulit?"
"No, little sis. Of course I care for you. Tsaka baka sisihin mo pa ako na hindi mo makikita yung crush mo sa school pag na ospital ka."
"Kuya talaga." Nagbiruan lang kami ni Kuya hanggang makarating kami sa bahay. Umakyat na ako sa kwarto ko at nagpahinga.
Nagising ako ng kumatok si Kuya sa pinto.
"Ai, manuod kaya tayo ng tournament? Game ka?"
Wala naman akong gagawin dito sa bahay kaya pumayag na din ako. Nagsuot ako ng grey sleeveless shirt na may print na 'im a player' then white na shorts, converse at sunnies.
Pagkarating namin sa JA ay nakita kong naglalaro ang Falcons ang official basketball team ng Jockey's and what looks like.. barkada ata nila Kuya Maico. Yeah. Nandoon si Raven, Prince,Rain, Klyde and Xed. But nasaan si Ian?
Umupo muna kami ni Kuya sa pinakamataas na bench.
Speaking of the devil,kakapasok niya pa lang kasama si Shale. Teka, si Shale? Ibig sabihin...
"Hey Guys, sorry I'm late." Nakangiting sabi ni Jam.
"Hey,bro. Magbihis ka na, the game is about to start." Sigaw ni Rain.
"Okay..okay." bago pumasok sa locker room ay nakita kong napasulyap siya sa direksyon ko.
Nagsimula na ang game at cool na cool lang naman kami ni Kuya na nanunuod. Lamang ang Falcons ng 3 points pero nabawi naman ito ng 3 point shoot ni Ian. Hindi ko napigilang mapasigaw ng mashoot niya ang bola, dahilan para pagtinginan kami ng mga tao. Nakita ko naman ang pag igting ng bagang ni Jam ngunit ngumiti lang ito.
Bago magstart at 2nd half ay inutusan ako ni Kuya na bumili ng makakain sa cafeteria ng JA. Habang naglalakad sa pathway ay madami akong naiisip na possible outcome ng grades ko, lalo na at palagi na ata akong lumiliban sa klase. Siguro-
"Ouch!" Naputol ang pagiisip ko ng mabangga ko ang isang babae.
"Uhm, sorry miss. I didn't mean to-"
"No, it's okay. Half of it was my fault too. I'm Audrey. Alam mo ba kung saan dito ang Cafeteria? Kanina pa kasi ako naliligaw dito eh."
"Sure, come."
At sabay kaming bumili sa canteen. Maganda si Audrey. Morena, Matangkad, Curvy, Almond Eyes, at Red Haired. She's friendly too.
Pinakilala ko siya kay Kuya Maico at ang kapatid ko naman ay halos malaway na. Nagpaalam sa akin si Audrey na doon daw siya uupo sa benches kasi kasama niya daw yung guy friend niya. Sino kaya?
Natapos ang game, at ang nanalo... siyempre ang barkada nila Ian. 55-69 ang scores.
"Ian,congratulations!" At hinug ko siya.
"Bakit mo ako kinocongratulate? Nanalo na ba ako sa lotto?"
At binatukan ko na.
"Aray, ang sakit nun ah."
BINABASA MO ANG
My Forgotten Man
Teen FictionMeet Ailah Mycca Elliah, an almost perfect girl. Mayaman, maganda, talented at matalino. What if her almost perfect life will be ruined of a person from the past? Read and You Will See.