21.Patay

22 0 0
                                    

Ailah's POV

Representatives? Srsly? Napatingin ako kay James at sakto namang nakatitig din siya sakin. Iniwas ko na lang ang tingin ko at bumaba ng stage papunta sa mga kaibigan ko.

"Congrats Ai. Okay lang sa akin yun, basta ikaw." Si Emerald ang nagsalita at tinapik tapik pa ang balikat ko.

"Em, mas okay talaga pag si Ailah. We'll just lose pag ikaw ang naging candidate don." Theo joked.

"How dare you!" Tsaka binatukan ni Emerald si Theo ng malakas. Yung tipo na matatanggal na ang ulo niya. Haha.

"Haha, Em. Kung alam mo lang, mag eemote din yan si Theo mamaya. Diba Babes?" Isa pa tong si Seth, ayun nabatukan din ni Theo.

"Babes mo mukha mo! Hindi ako baboy Seth." Pacool na sabi ni Thea. At binatukan din si Seth.

"Aray.kung di lang kita mahal eh. " reklamo ni Seth.

Nakita kong may nagtext sa phone ko, it's from Ian.

From: Ian. Pangeeeet :)

Ailah, nalaman ko tungkol sa punishment mo. Hintayin kita mamaya malapit sa women's room.

Magrereply pa sana ako kung bakit kailangan sa women's room pero hinila na ako nila Theo.

And it's offficial, the whole gang is back to normal.

James' POV

Pagkatapos ng pageant ay dumiretso na ako sa office ng magaling kong Ate Jenna. Walang katok katok kong binuksan ang office niya at pabalang na umupo sa chair sa harap ng desk niya.

"So, what's your plan now huh ate?" Pambungad ko kaagad. She has plans without even consulting me. Daig niya pa ako.

"My dear brother, you know me. I have plans, but I'm not going to tell you everything...... yet." Nakangisi niyang sabi. Sabi na nga ba.

"Are you the one who's behind the representative thing? Was that a part of your plan?" Inis kong sabi.

"Haha. Yes, that was a part. But just as they say expect the unexpected,brother. Now your dismissed." Tsaka niya ako tinaboy palabas ng opisina niya.

What was her plan? Well kung meron siyang plano, magpapahuli pa ba ako?

"Hello Audrey, please go to my school at exactly 5 pm, I'll be waiting for you sa restroom." She was about to ask me why but I hang up the call. Lumabas ako ng faculty area ng may malaking ngisi sa labi.

And so my plan starts. Maghanda ka na Ailah, because your world's going to be damn crazy.

Ailah's POV

Natapos na ang class ko for the day at dumiretso na ako papuntang stock room kung saan nakalagay ang mop. Yes, akala niyo tapos na ang punishment ko? Well no. It's still on.. kahit na next week na ang alis ko.

"Ailah."

Napahinto ang aking pagiisip dahil narinig kong may tumawag ng pangalan ko. Luminga linga ako pero wala naman, oh well baka guni guni ko lang yun.

I continued walking until may tumawag ulit ng pangalan ko and its kinda creepy kasi ako lang naman yung tao dito sa hallway dahil dismissal na.

"Ailah"

May tumawag ulit. Luminga ako once pero wala naman. Creepy.. hala, baka mamaya may multo na pala dito sa M.A. Lord God madami pa po akong pangarap.. now is not the right time po Lord.

Naglalakad pa din ako pero nakapikit nga lang dahil takot ako at baka pagbukas ko ng mata ko lumabas yung multo.

I walked while slowly reciting the holy rosary, hanggang sa...

"Ouch. What the? " Nagulat ako ng biglang may nabangga ako. Nako, moo-moo. Wag muna.

"Moo-moo please, wag mo na muna akong kainin kasi madami pa akong pangarap, gusto ko pa pong mahanap si the one."

I waited for a few seconds para kainin ako nung moo moo pero wala.

"HAHAHAHAHAHA....Look at your face.... it's so..Hahahaha.."

I opened my eyes at nakita ko ang isang James na nakahawak sa tyan niya at tumatawa.

"Hahaha... moo-moo.Hahaha. Di ko alam takot ka pala sa moo-moo...hahahaha.." Nakahawak pa sa tyan niya ang isang to. Nakakainis.

Sinampal ko nga ng pagkalakas lakas.

"Mamatay ka sana."

And I walked away. Nakakainis talaga siya from day one at napakabipolar pa. Kahapon ang sweet pero ngayon... Teka lang, sweet? Eww.. pakitang tao lang ni James yun noh.

Hinawakan ni James ang kamay ko at tumigil ako sa paglalakad pero di ko pa din siya tinitingnan.

He grabbed my chin para magkaharap kami pero iniwas ko pa din ang tingin ko.

"Ailah.." narinig kong nagseryoso ang boses niya at binitawan niya ang pagkakahawak ng chin ko pero nakahawak pa din siya sa kamay ko.

I have no choice pero tingnan siya.

"Matagal naman talaga akong patay... patay na patay sayo."

And with that binitawan niya ang kamay ko and walked away na nakapamulsa and with a smirk on his face.

I was glued to where I was.. until naalala ko yung text ni Ian. Naglakad ako papuntang women's room pero wala pa talagang kahit anong nag sisink in sa utak ko.

At saka ako nagdecide na habulin si James.

"James!" I shouted his name at huminto siya sa paglalakad.

"Yes? Miss me already? It hasnt been-" naputol ang sinabi ni James ng ikiss ko siya...

Sa Cheeks. Haha kayo ah.

Nakita ko namang nastun si James sa kinatatayuan niya. Nilabas ko ang phone ko at kinuhanan ng litrato ang na shock niyang mukha.

"Payback." At tumakbo na ako palayo.

My Forgotten ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon