MNLP: Chapter Seventeen

44 8 0
                                    

[The Plan]

"So, paano? Uwi na ako ah!" Anna saka nakipagbeso sakin. Sabay namin siyang hinatid nang tingin ni Ethan. Nang sumakay siya sa kanilang kotse ay siya namang pagkilos namin ni Ethan papunta sa Ferrari niya.




















"Thank you." Ngiti ko nang alalayan niya ako sa pagsakay. Ngumiti lang naman siya saka umikot papunta sa driver seat. Inayos ko ang seatbelt ko at maya maya lang ay nilalakbay na namin ang daan pauwi sa village nila.


















"Kumusta ang exam ng mga alaga ko?." Salubong samin ni Aling Felly nang makarating sa bahay. "Okay lang naman po. Nakakapagod pong sumagot nang sumagot pero worth it naman kasi lumalabas naman po yung mga pinag aaralan namin." Tumawa sina Aling Felly matapos marinig ang sagot ko.













"Okay lang yan! Kaya ninyo naman e. Kayo pa ba? Ang tatalino ninyo kayang dalawa." Aling Felly. "At bagay pa." Dagdag ni Regine. Pinandilatan ko siya nang mata pero tumawa lang siya.














"Maliligo lang po muna kami." Paalam ni Ethan na ikinalaki nang mata ni Regine. "NANG SABAY????." nanlalaki ang mga matang tanong niya. Agad naman siyang sinaway ni Aling Felly.










"Ikaw na bata ka! Tigilan mo na nga kakaasar sa kanila." Dinig ko pang sermon ni Aling Felly habang tinatahak namin ni Ethan ang mga kwarto namin. "You know what, I'm planning to consider Reg-------awwww."











"Tsee! Bagay yan sa'yo! Pervert!!!" Asik ko matapos siyang pagsarhan nang pinto. Narinig ko naman ang tawa niya sa kabilang pinto. Sa connected door.













Matapos maligo ay nagpahinga lang ako nang limang minuto at bababa na sana nang maisipan kong kontakin si Nani.













"Hi po Nani!"





["Yes, apo?."]






Hindi agad ako nakapagsalita. Ito ata ang unang pagkakataon na tawagin niya akong apo.








["Nandiyan ka pa ba? Olivia, apo?."]









"A--ahh, opo Nani! N--nandito pa po ako."






Narinig ko ang malalim niyang pagbuntong hininga.



["Gusto ko nga palang humingi nang tawad sa'yo, apo! Sa lahat ng mga ipinakita kong hindi magaganda sa'yo. Alam kong hindi ako naging mabuting Nani sa'yo. Pasensya ka na kung palagi ko na lang kayong napagkukumpara nang pinsan mo. Sana hindi pa huli ang lahat. Sana mapatawad mo pa ako. T--teka! Bakit may sumisinghot? Umiiyak ka ba?."]




"H--huh? H--hindi po, Nani! May sipon po kasi ako." Palusot ko saka tahimik na pinunasan ang luha ko. Narinig ko uli ang malalim niyang pagbuntong hininga.








["May sipon ka? May gamot ka na ba diyan? Bakit mo pinababayaan ang sarili mo diyan? Nandiyan ba ang Anderson na yan? Bakit pinababayaan ka niya?."]











Lihim akong napangiti sa pagiging balisa ni Nani. In my 17 years of existence, ngayon lang siya naging ganito. Ngayon lang siya nagpakita nang pag aalala sa akin. Naalala ko nga dati e. Nung nagkasakit ako, never akong inalala at inalagaan ni Nani. Kung hindi si Dadi ay sina kuya, Mommy at Daddy ang nag aalaga sa akin. I remember one time, nagkasakit ako at sobrang taas nang lagnat ko. Everyone is panicking, except Nani.












My Nerdy Little Princess (On-going)Where stories live. Discover now