MNLP: Chapter Twenty Three

38 0 4
                                    

[Sports Fest 0.02]

Hindi nagtagal ay dumating na din ang dalawa.

"Oh? Anong mga mukha yan? Kayo ah. Hindi pa kayo pero napapadalas na ang pag aaway nyo." nagsimula agad mag ingay si Anna pagkarating nila.

Hindi ko na lang siya pinansin.

Maya-maya ay dumating ulit si Jim at tinanong ang mga order namin. Napansin niya na medyo madilim ang awra ng kasama ko kaya naman pagkatapos makuha ang mga order namin ay umalis na agad ito.

"Buti't hindi na yun nagtagal," biglang sabi ni Ethan.

"Someone's jealous," pagpaparinig naman ni Matthew pero tumalas lang ang tingin ni Ethan dito. Wala namang nagawa si Matthew kundi ang tumahimik na lang dahil sinita din ito ni Anna.

Dumating ang order at nagsimulang magtalo ang dalawa.

"Kainis. Bakit kasi wala eh," parang batang maktol ni Anna.

"Starbucks to," saad naman ni Matthew nang mahinahon, nagpapaintindi.

"Kahit na. Dapat may pizza sila dito," parang batang maktol ni Anna. Napatampal na lang ako sa noo habang si Matthew ay makikitaan nang hirap sa pag intindi sa babaeng gusto niya. Si Ethan naman ay focus na focus sa kinakain niya.

Bahala nga kayo diyan. Kakain na lang ako dito.

Yun nga ang ginawa ko. Ineenjoy namin ni Ethan ang pagkain habang ang dalawa ay hindi matigil-tigil sa pagtatalo. Sa huli ay si Matthew rin ang sumuko.

Mabilis na lumipas ang oras at ngayon ay muli naming binabaybay ang daan pabalik ng auditorium. Natapos na kasi ang free time namin. Wala naman kami gaanong ginawa sa loob ng tatlong oras. Matapos kumain kanina ay nag ikot-ikot lang kaming apat.

"May nahanap na akong mauupuan natin," ani Anna sabay hila sa akin. Sumunod naman ang dalawa sa amin.

My Nerdy Little Princess (On-going)Where stories live. Discover now