just friends (part 2)

306 11 3
                                    

R-18 / trigger warning/s: language, and sex; read at your own risk.

—————

"Ano kamo? You're flying to Melbourne? With him?!" Ayan na naman sa pag-hi-hysterical ni Ara ngayon sa akin. Nandito na ako ngayon sa Domestic Airport waiting for our 10:25 AM flight to Melbourne. "Nahihibang ka na ba, bakla ka?"

"Sasamahan ko lang si Jeron sa Melbourne," paliwanag ko sa kanya. "At saka, sa loob ng dalawang taon ko dito sa Australia, ni minsan ay hindi ako nakapunta kahit saan maliban sa school ko at mag-beach sa Coolangatta. Shuta, maski nga Sydney Opera House, hindi ko pa napupuntahan eh."

"Ay ewan ko na lang sa 'yo, Mika." Ara just resigned her thoughts. "Nako at sigurado akong puro chorva lang kayong dalawa doon. Nako, Mika, kilalang-kilala kita. Marupok ka talaga by nature."

"Ay buti naman at alam mo, diba?!" Natatawa kong sagot sa kanya. Napalingon ako at natanaw ko si Jeron na busy sa kanyang iPad. Malamang may binabasa ito ngayon kaya sobrang focused siya sa ginagawa niya. "Anyway, I have to go. In ten minutes, boarding na kami."

"Whatever, Mika! Just be careful, okay?" Paalala ni Ara sa akin. "Love you, sis!"

"Love you, too!" Sagot ko at binaba ko na ang tawag sa kanya at saka umupo na ako sa tabi ni Jeron. "Anong ginagawa mo ngayon?"

"Checking emails for sponsorships, and updates sa business." Sagot nito sa akin. Apart from his profession as a professional basketball player, he's handling his own business as well. I think he mentioned about buy-and-sell of imported items ata ang negosyo niya.

"So have you check with the hotel na i-upgrade ang reservation mo? I'll pay you na lang sa accommodation." Offer ko sa kanya.

"'Wag na, Mika. Ako na bahala dito." Sagot nito sa akin at nginitian niya ako. Tinago na nito ang kanyang iPad sa bag niya at nilabas niya ang isang film camera na may manual focus. "I took so many film photos while I was in Sydney and in Brisbane. I even bought film rolls for this Melbourne trip."

"Ooh!" I get fascinated with these vintage items, such as this lovely Minolta camera. "Picture tayo!"

Pumayag naman si Jeron at inayos lang niya 'yung adjustment settings doon sa camera at saka hinarap namin siya sa mukha namin for a couple of selfies. After taking pictures, tinago na iyon ni Jeron at saktong naririnig na namin ang announcement na boarding na kami.

Melbourne, Australia, here I come!

Nakarating na kami dito sa Melbourne Australia after two hours and 30 minutes via plane. We got our luggages and nakita ko na may card na nakapangalan kay Jeron ang sumalubong sa amin. Mukhang sa hotel ito na tutuluyan namin at tinulungan kami sa mga gamit namin. I only have a piece of small luggage that can fit my winter clothes good for five days. Si Jeron naman ay may dalawang maleta since he's been here in Australia for almost two weeks.

The weather here in Melbourne is freezing, to the fact na umuulan ngayon at tumatagos hanggang buto ang lamig dito. The driver politely asked us if how was our flight from Brisbane.

"It was good," si Jeron na ang sumagot. Ako naman ay dinadalaw ng antok ngayon at gusto kong matulog na lang sa byahe papuntang downtown Melbourne, where our hotel is. Ang layo din kasi ng airport nila from the city centre unlike in Brisbane na 20 minutes lang from the airport ay nasa CBD ka na.

"We can go out after taking a rest," Jeron said as I am trying to listen to him.

"Okay, fine." Sagot ko sa kanya. "Let me sleep for a while."

Tug-tug! Tug-tug! Tug-tug!

Nagulat na lang ako nang bigla niyang sinandal ang ulo ko sa balikat niya at hinayaan lang niya ako na matulog muna.

MusingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon