HER POINT-OF-VIEW:
"Ate make it fast because ma-l-late na ako sa training!" Sigaw sa akin ng kapatid ko habang nag-m-make-up ako. At ako pa talaga ang minamadali niya eh siya ang na-late ng gising for her 6:00 AM training?!
"Nakakaloka kang bata ka! Ako ang aga gumising tapos ikaw 'tong nagmamadali?" Sita ko sa kanya. "Hay nako at isusumbong talaga kita kay Coach Ramil kasi late ka talaga nagising."
"Ate, please? 'Wag kasi!" Ayan na naman siya sa matinis niyang boses. Usually, sabay silang magkapatid na umaalis ng bahay for school. But for today, walang training si Miko at marami siyang gagawing homework for school. Ayan, wala akong choice kundi ihatid itong kapatid ko sa Razon for her training.
My gosh! Who would have thought na nag-t-training ang kapatid ko under kay Coach Ramil? I feel so ancient thinking that train of thought?
Natapos na ako sa pag-aayos ng sarili ko since I have series of meetings at BGC for a branded campaign. Aside from playing professional volleyball, content creator rin ang trabaho ko. Buti na lang at wala akong training since off-season naman. I can focus my time and energy to my small business and my content creation.
"Ano? All set ka na ba sa training mo, Dors?" Tanong ko sa kapatid ko.
"Yes, ate. All set na." Sagot nito. "Now go, drive na! We're getting late!"
Aba?! Talagang maka-utos?! Jombagin ko nga itong kapatid ko. Nakakaloka!
After 30 minutes in Skyway, nakarating na kami sa school at hinatid ko na si Mikole sa tapat ng Razon. In fairness naman at nag-thank you naman siya sa akin paglabas nito ng sasakyan. Ako naman, bilang ang layo ng age gap ko sa kanya, para akong magulang na naghahatid ng anak sa school. Ay grabe, bakit ganoon ang naisip ko?! Kalerks!
Hindi ko napigilan na kunan si Mikole ng photo and I posted it on my stories right away.
Natatawa na lang ako sa sarili ko after I posted that story. Nanay ba ako, teh?! Kaloka!
And while I'm driving going to BGC, biglang tumawag ang manager ko sa akin. Jusko itong si accla at alam kong minamadali na niya ako mag-drive papunta sa location ng meeting namin.
"Hoy baks, tama na kaka-story mo at ma-la-late ka na! Where are you na ba?" Tanong nito sa akin.
"Sis, 9:00 AM ang meeting natin. Anong oras pa lang ba? Mag-a-ala-siyete pa lang ng umaga." Natatawa kong sagot sa kanya. "And besides, panganay duties muna ginawa ko no?"
"Yeah, yeah, whatever! Charot!" Nakakaloka 'tong manager kong si Bianca at ang aga-aga eh nambubuwisit na siya. "Ikaw mag-treat ng lunch natin mamaya, bakla ka!"
"Oo na!" Sagot ko sa kanya at pagkatapos ay binaba ko na ang tawag sa kanya.
Natapos na ang meeting namin with the clients for a new campaign that I will be doing, nag-decide kami ni Bianca na mag-lunch na rin sa BGC. Of course, sobrang titahan na ang ganap naming dalawa kaya sa Wildflour na kami nag-decide na mag-lunch.
We got a table inside the restaurant, and binati kami ng isa sa mga servers doon sa Wildflour na kilala na namin. My friends and I tried to visit Wildflour during Retro Nights, and it was one of the fun nights I had with friends. Siya na rin ang nag-place ng orders namin.
"Thank you, Mike, for assisting us." Sagot ko naman. "Pa-serve naman ng drinks namin, please?"
"Sure, Ma'am Mika." At umalis na si Mike.
"Sis, sure ka bang kaya mo i-manage itong campaign na ito without me?" Tanong ni Bianca sa akin. During the shoot of the campaign, hindi ko makakasama si Bianca since meron siyang travel abroad with her fiancé in Sydney.