01

4.9K 191 23
                                    

Chapter 01

"Hoy! nabalitaan ko na wala ka na naman daw trabaho?" taas kilay na tanong ni Vien, hindi ko mawari ang nararamdaman niya dahil may halong galit at pag-aalala ang boses niya.

Ngumiti ako ng bahagya, "Vien naman, 'di ba matagal ko ng sinabi sa'yo na baka matanggal nga ako sa trabaho ko dahil may sumasabotahe saakin? atsaka, hayaan mo na 'yun. Hahanap ulit ako ng bagong trabaho." kalmado kong sagot.

Kapag parehas kaming nagalit sa isa't-isa ay siguradong hindi kami magkakaintindihan. Kung saaming dalawa, siya ang galit ay dapat hindi ko na sabayan. Kailangan kong intindihin ang nararamdaman niya. Alam ko namang concerned lang siya sa'kin.

"Ano ba naman 'yan, Zein! bakit hindi mo sinabi sa manager mo? alam mo namang tinutulungan kita lagi, pero putangina! nasasayang lang lahat eh!" inis na sigaw ni Vien, she sounds so frustrated.

"Sorry," mahinang paghihingi ko ng tawad habang naka-yuko at kinakapa ang bulsa ko, buti nalang may binigay na two thousand sa'kin yung boss ko bago niya ako tanggalin sa trabaho.

Aba't buti nalang, mahiya naman siya! halos ako na gumawa lahat ng putanginang mga utos niya tapos hindi niya ako babayaran? Ang kapal naman ng mukha niya kung gano'n! Hmp!

"Sorry, hindi ko naman kasi sinasadya at kahit anong gawin ko wala parin. Aabutan nalang kita pag naka-luwag luwag na ako." ani ko sa mahinang boses.

Ang totoo, may binigay pa rin na cheque ang manager namin saakin para sa mga araw na hindi ako nakasahod. Maliit lang din kasi 'yon kaya hindi ko muna siya maaabutan. Kailangan ko pa ito pangbayad sa mga hospital bills ni Zerixa. Malapit na naman ang bayaran.

"Kahit 'wag na! huli na 'to, Zein. Aalis na ako, bahala ka na r'yan!" bulyaw ni Vien bago kinuha ang pouch niyang nasa lamesa na katabi ko at padabog na naglakad paalis.

Thank God we were at the rooftop. Wala masiyadong tao rito, yung iba ay mga pasyente na naka-sakay sa wheelchair kasama ang mga nurse at yung iba naman ay mukhang mga staff lang dito. Open for all naman 'to pero sadyang kaunti lang ang tao dahil maaga pa. Wala naman sigurong gustong lumabas ng mainit pa.

Sino ba namang tanga ang gagawa no'n?

Alam kong nagaalala lang si Vien para saakin dahil alam niya na sobrang pagod na din ako sa trabaho pero tinanggal lang din ako. Nasayang lang ang ilang buwan kong pagpapagod sa trabahong 'yon. Wala na akong balak bumalik pa! Si Ravien ang best friend ko simula pa noong bata kami, siya din ang nagbabantay sa 13 years old na kapatid ko na si Zerixa.

Bumuntong hininga nalang ako at napatitig sa kulay asul na kalangitan. Ang ganda ng ulap ngayon at maaraw. Ang ganda ng panahon. Siguro mamaya ay uulan.

Gano'n naman kasi palagi ang nangyayari. Kapag maaga pa, ang ganda ng panahon pero kapag maghahapon o gabi na ay bigla nalang uulan. Unexpected 'di ba? because things happen only when we don't expect it.

Hindi na ako nagtagal pa sa rooftop dahil ang sakit sa balat ng init ng araw kaya naman ay naglakad na ako papunta sa elevator. Natuwa ako sa anino kong sinusundan ang bawat yapak ko.

Nakakatuwa dahil alam mo na may nand'yan para saiyo. Ang anino mo. Pero paano kapag madilim? paano kapag walang ilaw? paano na ang anino mo?

Naisip ko tuloy bigla yung mga taong nand'yan 'daw' para saatin pero sa panahong kailangan natin ng liwanag sa dilim ay wala sila. Kapag naman maliwanag na ay sila pa mismo ang nagbibigay ng dilim sa buhay natin.

Babysitting the CEO's daughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon