20

210 53 5
                                    

MaxzeiN

"MAMA, financially stable si Khaos. May naipundar na siyang bahay at sasakyan, lahat ng kailangan ko ay nabibigay niya."

Humalakhak si Mama, isang sarkastikong pag tawa. "Alam ko! Ano bang akala mo sa'kin? Inosente? Aniezkha naman, nawala ka na sa'min nang ilang buwan tapos ngayon nagpapaalam kang aalis na naman? 16 ka palang, anak, kailangan mo ng gabay namin."

Humugot ako ng isang malalim na hininga. Nasa sasakyan kami ngayon nila Papa at Mama dahil pupunta kami ngayon sa Casa Montereighl, ipapakita ko na kasi sakanila ang mga anak namin ni Khaos.

Hindi alam nila Mama na matagal na kaming may relasyon ni Khaos dahil takot akong sabihin 'yon sa kanila. Ngayong lumaki at mas tumanda na ako ay handa na akong sabihin sa kanila ngunit 'di ko naman inasahang mabubuntis ako.

Galit na galit sila Mama no'n pero wala silang nagawa dahil sinigurado ni Khaos na walang magiging problema sa pagbubuntis ko.

Hinayaan nila kaming umalis ni Khaos. Nagpakalayo-layo kaming dalawa pagtapos naming ikasal. I'm only 16 when he married me, it wasn't a problem to us, he have money.

Lahat ay nadaan sa pera.

"Ma, kaya ko namang alagaan ang mga anak namin. Nag-practice ako, andiyan din naman si Khaos kaya hindi ako masiyadong mahihirapan."

Pinipilit ko silang payagan ako na tumira na sa puder ni Khaos. Hinayaan nga nila ako ng siyam na buwan kaya bakit hindi nila magawa uli ngayon? Magsasabi naman ako sa kanila palagi at hinding-hindi ko sila papabayaan ni Zerixa. Malayo man ako sa kanila ay hindi pa rin mag babago ang paraan ng pag-aalaga at pagmamahal ko sa kanila ng kapatid ko.

"Pa'no ka ba nakakasiguradong mahal ka ng lalaking 'yan, Aniezkha? Nakita mo ba kung pa'no tumingin sa'yo ang tatay niya? Diring-diri siya sayo! Napaka-matapobre ng pamilya nila dahil kilala silang tao. Eh ikaw? Hindi ka kilala ng publiko, Anie! Ni hindi ka nga nag-eexist sa kanila!"

Gusto ko nang takpan ang tainga ko dahil sa lakas ng boses ni Mama. Bakit kailangan niyang sumigaw? Katabi niya lang ako rito sa backseat oh!

"Ano bang pakialam namin sa sasabihin nila? Wala pa rin naman silang ambag sa buhay namin after all,'" I said in a matter of fact tone.

"Anie, makinig ka nalang kasi sa Mama mo. Totoo naman kasi ang sinasabi niya," my father interrupted.

Ano?! Pagtutulungan nila 'ko?!

Babysitting the CEO's daughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon