You're Mine Bestfriend, Okay? (One Shot Story)

272 5 2
                                    

Axel's:

"Ikaw na talaga bes! Ikaw na!"

"Hahahaha di naman noh? Nakalusot lang"

"Weh? Nakalusot mo your face! A ka nanaman sa story mo oh!"

Hep hep hep! Wait hindi niyo pa pala ako nakikilala.

Ako pala si Axel Avisado at itong pinupuri ko lang naman ay ang bestfriend ko since birth ay si Bianca Montenegro. Bakit ko siya pinupuri? Kasi....

A nanaman siya sa ginawa niyang story! Kaso ako lagi lang naman B eh pero sabi ni Bianca mas magaling daw ako sa kanya eh bakit ganon lagi na lang B ang nakukuha ko samantalang sa kanya lagi A?

Sus pa-humble talaga tong bestfriend ko. Isa pa niyan hindi siya mayabang kapag lagi siyang nakakakuha ng A sa mga paperworks dito sa university.

Kaya nga hangang-hanga ako sa kanya eh. Biruin mo....

A lister sa lahat ng subjects namin.

Hindi mayabang.

Matalino.

Mabait.

Masipag.

Humble.

Understanding.

May prinsipyo.

Determinated

Maganda.

Mahal ko....

Kaya lang hindi ko maamin sa kanya eh kasi ano ba ang laban ko sa maraming manliligaw sa kanya.

Mga Gwapo

Magaling manamit.

Maganda buhok.

May lakas ng loob.

Athletic.

Magaling sa word.

Ako naman...

Laging nakasalamin.

Magulo buhok.

Laging nakapolo.

Blue Jeans.

Pangalawa lagi sa lahat ng subjects.

Mahina loob.

Hindi athletic (pero medyo malaki katawan ko! Nageexercise naman ako)

Hindi magaling manamit....

Higit sa lahat sa tingin ko wala akong pag-asa sa kanya eh.

Hindi ako bagay sa isang A-lister na katulad niya....

Kaya nga kuntento na ako sa ganito para at least lagi ko siyang kasama kaya lang gusto ko talaga aminin sa kanya eh kaya lang baka ma-asiwa na sa akin after at baka mawala na ang dating samahan.

Bianca's:

Papunta na kami ni Axel sa canteen kasi break na namin. Ang daming estudyante! Pero buti na lang may nahanap na kami na upuan para sa aming dalawa. Umupo na ako pero nakatayo pa rin siya.

"Since naka A ka ngayon ililibre kita ng lunch!" Sabi niya at tumakbo papaalis sa akin.

"Uy Axel! Wag-" Nakalayo na ang mokong eh.

Hay Axel....Kung di lang kita mahal...

Not as bestfriend but more....

Totoo mahal ko talaga siya.

You're Mine Bestfriend, Okay? - Filipino VersionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon