Joshua's POV
"Joshuaaaaaa!!"
Nagulat ako nang may sumigaw saken habang naglalakad ako papuntang classroom.
Si Chris lang pala. -.-
"Tol.. Haa.. Ano.. waa.. ha.." hingal na hingal pa siya. Nagmamadali kasi e.
"Oh anu yon?"
"Wala lang. Sabay tayo." biglang nawala yung pagod. Loko loko talaga 'to. -___-''
"Anung problema mo? Yan ba epekto nang sinagot ka ni Jaz?"
HAHAHA ang aga aga nambubulabog ako. >:)
Bigla naman siyang sumimangot. Hahaha. Naaasar nato. XD
"Eh ikaw, yan ba epekto ng selos mo kay Ella?"
Natahimik naman ako bigla dun.
"ASAR TALOOO! >:D<"
Tangina. Panalo na siya e. -___-" Kainis kasi.. Basta pagdating kay Ella.. Siya ang kahinaan ko e.
"Anyway, anu ba nangyare sainyo? Bat kayo magkaaway?" sabi niya.
Huh? O.o magkaaway?
"Di naman kami magkaaway ah."
"Eh ano yung pinost niya kahapon sa fb? Ayy.. Baka nag-offline ka na nun."
"Baket anung meron sa pinost niya?"
Tas yun, kinwento niya.
O______________O yan lang naman yung reaction ko nung mga oras na yun.
Ako? Ako lang yung taong nakakapag pasaya sakanya? At nalulungkot siya dahil di ko siya pinapansin? Hindi kaya...
Ay WALA!! T_____T ang assuming ko naman ata.
Taenaaa. :( Kasalanan ko e. Ang tanga tanga ko naman. Grabe. Makikipagbati na nga lang ako sakanya mamaya.
Kaya iniwan ko na si Chris at tumakbo nako papuntang classroom.
Pagpasok na pagpasok ko sa room.. Siya agad yung hinanap ko.
At ayun nga, parang problemadong problemado siya. Kaya umupo nako sa upuan ko. Katabi ko naman siya e. Kaya kakausapin ko na din.
"Uy Ella." sabay kinalabit ko na siya.
"Bakit?"
"May problema ka ba?"
"Akala ko ba galit ka sakin?"
Ewan ko kung anu yung nararamdaman ko ngayon, pero parang punong puno ng lungkot yung mukha niya.
"Bat naman ako magagalit sayo?"
"Hindi ka na kasi namamansin e."
"Hahaha. Sorry kung di kita napapansin. Pero di ako galit :)"
Yun nalang yung sinabe ko. Pero sawakas napangiti ko na naman siya. ^________^
Inasar ko siya. Bigla naman siyang napikon kaya naghabulan kami. >:D< hahaha. Parang bata lang kami.
Pero sobrang saya ko lang kasi okay na okay na kami.. Back to normal.. Laging nagtatawanan at laging napapagalitan. XD
Minsan talaga napagkakamalan na kami na. Dahil sa sobrang sweet namin. Eh syempre ako, nagpipigil nalang ng kilig.
BINABASA MO ANG
Kay Tagal Kitang Hinintay. ♥
Teen FictionSome people say "If you really love someone, waiting has never been boring." Totoo kaya 'to? Talaga bang kailangan mo munang maghintay ng tamang panahon para sainyong dalawa?