Haaaaay.. Bakit ganun? Parang ang cold naman ata ni Joshua sakin ngayon? Hihihi. Akala mo naman kami e noh? -.- Basta parang di siya masyadong nagsasalita or di siya namamansin. :( anung meron?
Pag kinakausap ko siya.. parang wala naman siyang gana. Hindi narin siya masyadong nagjojoke. Hindi ako sanay!! T______T baka naman galit 'to sakin. Pero bat naman siya magagalit? Anu bang ginawa ko? -_____-" Lord help!
Joshua's POV
Ilang araw na kaming hindi nagpapansinan ni Ella. Umiiral na naman kasi yung katangahan ko e. Masyado akong nagpapadala sa selos. Haaaay. Kabadtrip lang. -.- Ewan ko ba. Parang kada nakikita ko siya parang di ko siya kayang pansinin or kausapin.
Kasi feeling ko tuloy ang AWKWARD na namin. O.o
Napaghahalataan na niya siguro ako.
"Hoy tol. Kanina ka pa nakatulala diyan ah." kinalabit naman ako ni Angelo. Nakakagulat naman toh.
"A..aah.. Wala lang haha."
"Sinong iniisip mo ha? >:D<"
"Wala noh. Eh ikaw iniisip mo si Ella noh." (Kahit ako iniisip ko siya.)
"Haha. Oo nga e." sabi niya.
"Ligawan mo kaya?" (Wag pre.)
"Hmm.. Ewan ko bahala na. Geh balik na muna ako sa upuan ko."
Masaket yun. </3 Alam niyo yun? Di na nga lang ako nagpapahalata e. Hahaha. Antanga ko lang.
Pati nga si Gian may balak din daw na ligawan si Ella. Nakoooo. Anung gagawin ko.. Kalma lang muna. -.-
Ella's POV
Boring dito sa bahay.. Makapag open na nga lang ng fb.
Sakto online siya.. Si Joshua.
Nag-pm ako.. Pero di niya parin ako pinansin! :( namimiss ko na siya! HUHU!
HEARTBEAT~ tug-tug.. tug-tug
Di ko na napansin na naiiyak na pala ko. :'( Kasi naman diba. Siya lang ang araw araw na nakakapagpatawa sakin tapos bigla nalang siya mangdedeadma. T____T anu ba nangyayari sakin?
Kaya nagpost nalang ako. Dun ko binuhos yung nararamdaman ko.
"Ang hirap lang na hindi ka na pinapansin ng taong nakakapag pasaya sayo :'(" yan ang pinost ko.
At dahil sa kinapalan ko na mukha ko, minention ko na yung name ni Joshua nang malaman niya na... Nasasaktan ako. :(
Oo inaamin ko,
Mahal ko na ata si Joshua.

BINABASA MO ANG
Kay Tagal Kitang Hinintay. ♥
Novela JuvenilSome people say "If you really love someone, waiting has never been boring." Totoo kaya 'to? Talaga bang kailangan mo munang maghintay ng tamang panahon para sainyong dalawa?