Chapter 1: Paano kung?

234 5 0
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events,
and incidents are either the products
of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

----
CHAPTER 1

I love mornings!

I am currently jogging right now around the campus, on the way to my favorite spot.

Feeling ko pagod na pagod ako nang matanaw ko na ang kubong itinuturing kong finish line.

Yes! Nakarating na ko sa kubong gawa sa kawayan at umupo ako sa upuan habang nakatanaw sa malawak na taniman. Nandito kasi sa bandang gitna itong kubo.

Ganitong oras rin ay nandito na sina Mang Kiko, ang magsasaka dito sa taniman ng gulay. Pero hanggang ngayon ay wala pa sila.

Pakiramdam ko pagod na pagod ako sa pagtakbo. Kailangan ko ng tubig. Pero bakit wala akong dala?

Asan na ba kasi si Mang Kiko? Sa kanya lang naman ako makakahingi. Anong oras na kaya?

Tumingin ako sa relo ko pero hindi ko pa rin maintindihan kung anong oras na. Naguguluhan ako ha! Kaya napagdesisyonan ko na lang pumunta sa bahay ni Mang Kiko at Aling Puring.

Habang naglalakad, pakiramdam ko ay napaka lambot ng tinatapakan ko gayong lupa lang naman ito at hindi putik. Nakakapagtaka talaga.

Sa pagbalik ng paningin ko sa aking harapan ay--- shems! Wala na ko sa taniman!  Shemay talaga! Asa'n ako?

Searching...

Isang upuan ang nakikita ko sa harapan ko ngayon, takte naman oh!? Nakakatakot! Ang dilim! Humakbang na ko paatras ngunit may naramdaman akong matigas sa likuran ko. Ano na naman 'to?!

Hindi ko ito nilingon ngunit may ibinulong siya sa akin..

"Babalik ako Lia"

Lord! Tulungan niyo po ako! Sino ba itong nasa likuran ko!?!? Hindi ko magawang lumingon dahil nangangatal ako sa takot na baka mamamatay tao 'to, nanghihina pa man din ako.

"Hetong tubig"

Hindi! Hindi ko iinumin yan!

Kinakabahan ako...

Hindi ako makahinga ng ayos...

Pakiramdam ko ligtas ako.. pero pakiramdam ko kailangan kong lumisan.

Ano ba!? Lia humingi ka ng tulong! Bakit hindi ako makasigaw? Bakit pakiramdam ko, kilalang-kilala ko siya?

Teka, sino ka ba? Bakit pakiramdam ko bigla ay hindi na ako takot sa kanya? Pakiramdam ko ngayon ay takot na kong maiwanan niya? Hindi ako makapagsalita! Gusto ko siyang lingunin pero hindi ko magawa. Hindi ko mabigkas ang mga salitang nais kong sabihin.. sino ka sa buhay ko?

"Lia, bumangon ka na. Uminom ka ng tubig. Hush, tahan na. Panaginip lang yun."

Panaginip.

Panaginip lang pala.

----

Nagising akong umiiyak habang nakaupo si kuya Tigris sa tabi ko. Kung ganon siya pala ang naririnig ko sa panaginip?

"Ano bang napanaginipan mo at napaiyak ka?"

"Ewan ko, masyadong magulo. Tsaka pag masamang panaginip raw eh hindi pwedeng ikwento, ibulong na lang daw sa puno para hindi magkatotoo."

"Sige. Bumaba ka na at mag-almusal. Dumating na rin pala yung package nina mama at papa."

"Sige"

They Called It Puppy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon