Chapter 2: Bwiset

97 4 0
                                    

LIABY'S POV

"Tsk. Hindi pwede. Sakin lang si Liaby" seryosong wika ni Sanjo Hazu Watanabe na biglang sumulpot out of no where, sino pa ba? Eh loko-loko talaga 'tong isang 'to.

Natigilan kaming lahat na para bang nakarinig kami ng katagang kasing bigat ng 'buntis ako'. Hayy, ganun ka-OA ang reaksyon mga dude.

"Joke! 'Di kayo mabiro eh noh? Hahaha!" wika ng lokong si Sanjo.

"Basta ka na lang sabat eh? Seryosong usapan 'to tsaka matuto ka ngang gumamit ng doorbell at pinto!" asar na wika ni Marcos Valxin.

"Peace," wika ni Sanjo Hazu habang naka peace sign ang kamay, "sayang naman kasi ang special skills ko kung di ko gagamitin, hahaha! Pakain ako ah, meron pa ba?"

"Meron pa. Kumuha ka na lang ng pinggan sa kusina" Hugh Jay.

"Ge" sagot niya sabay sipol papuntang kusina.

"Gago," bulong ni kuya Tigris.

"I think, love confessed is a brave love. If may magkakagusto man sa'kin, gusto ko din na aamin siya just like Sanjo did. Brave and out of the blue, unexpected, para may thrill!" hehehe, wika ko.

"Tss, magde-desisais ka pa lang Lia, tandaan mo marupok ka pa kaya huwag kang magpapaligaw" Tigris.

"I know" tinatamad na sagot ko.

"Luh, pinag-uusapan niyo ko noh? Hindi ko magugustuhan si Lia, ano ba kayo? 'Di na kayo mabiro!" natatawang wika ni Sanjo pagkadating niya sa dining area.

Hindi kasi kami nakikipagbiruan. Sinamaan ko ng tingin tong si Sanjo Marudo-- este Watanabe at binigyan niya naman ako ng 'ano suntukan?' look. Tss, parang bata.

"Oo na, pero maiba tayo. Akala ko ba bukas pa ang tapos ng training mo?" Hugh Jay.

"Bukas pa sana, pero pinatapos na kami dahil sa ang gwapo ko raw" sagot ni Sanjo bago sumubo ng pagkain.

Minsan sa isang buwan lang ata sumagot ng matino 'to.

"Ang totoo n'yan bukas na sasalubungin ang mga miembro ng Leão Hokori mula Benguet at Mindanao, kaya napaaga ang tapos ng training" matinong sagot ni ate Chav.

"Kung ganon ay hindi namin pwede makaligtaan ang event na yon dahil paniguradong magagaling rin na ninja ang mula sa ibang lugar. Dadalo kami" matigas na wika ni kuya Tigris.

"Hindi ba't may pasok na kayo bukas? Anong pinagsasabi mo d'yan?" Taas kilay na wika ni ate Chav.

Ano ka ngayon tiger? Hahaha

"Fine, we're not coming" napabuntong hininga na wika ni kuya Tigris.

Tsk, di man lang namilit.

Kinabukasan...

----
Time check : QUARTER TO SIX

Mula sa kwarto ay bumaba na ako patungong kusina upang mag-umagahan dahil all set na 'ko. Nakaligo na at nakapag-ayos na ng sarili.

Pagkatungtong ko pa lang sa kitchen ay amoy na amoy ko na ang masarap na luto ng kapatid kong pogi!

"Good morning" wika ko sa aking nakatatandang kapatid habang may tipid na ngiti sa labi.

"Morning Lia" tugon ni kuya Tigris na hindi man lang nagawang ngumiti. Psh.

"Good morning mga kapatid," masiglang bati ng kadarating lang na nakatatandang kapatid namin na walang iba kundi si ate Chavela León Vuendia, "Grabe ang saya ng umaga natin, noh Tigris Savio?"

Nagtaas lang ng kilay si kuya bilang pagsang-ayon. Pacool talaga.

"Good morning ate," nakangiti ring pagbati ko, "kain na."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 05 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

They Called It Puppy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon