Chapter 3

44 2 0
                                    

CHAPTER 3

Peer’s POV

Break time na!! Kasama ko ngayon si Zoren papuntang canteen, dun na kami magkikita kita nila Mikay..

Si Zoren nga pala, parang kapatid ko na yan.. Kasundo ko sa mga bagay bagay na pangusapang- lalaki lamang hehehe.. J

Nandito na kami sa canteen, hinihintay na naming yung mga babae..

“Hi joseph! Kamusta ka na? Ang gwapo gwapo mo pa rin talaga.. Taray recess tayo, my treat!” Hay nako eto nanaman si Bridgette.. Ang kulit niyan ehhhh!!

Pero hindi ko siya pinansin, umalis ako.. Hinahanap ko sila Mikay ehhh, ang tagal naman nila…

Nakita ko na sila! Wait wait…

Sino yung kasama nila? At bakit parang ang saya saya nila kasama yung lalaking yon.. Baka mamaya minamaniyak lang sila non eh!!!

Lagot sakin yon pag nagkataon, hindi lang pala sakin.. Pati na rink ay Zoren, bwahahahaha..

Mukang nakita na ako ni Mikay, kumaway siya ehh!! At ang lapad ng ngiti, ano kaya nakain nito!? Tsssss, alam ko na yung muka nay an.. Nako mikay!!!

“Bro!! Sino yon?! Bakit ang saya saya nila?? Baka agawin sakin si Bea.. Tssk, malilintikan sakin tong mokong na to!!” Halatang mainit na ulo ni Zoren, gusto niya kasi si Bea.. Hahaha!!

 Natawa na lang ako sa reaksyon ni Zoren. Hahahaha

“ Hello Pikachu!! Hi Zoren!! Siya nga pala si Seph, transferee sa section namin.” – sabi ni mikay

Seph pala ang pangalan, ang pangit naman.. Baduy, common na yun eh!

Tumango na lang ako..

Si Zoren naman ngumiti lang, pero halatang peke..

“Ay, Seph!! Si Peer nga pala saka si Zoren.. Barkada namin.” Pakilala ni Bea

“Guys! Simula ngayon, barkada na rin natin si Seph ha!! Wala pa siyang kaibigan dito sa school. Ayos ba?! Dumadami tayo.. yey!!” –Alex

ANO?! Eh kakakilala pa nga lang nila diyan sa mokong na yan ehhh. Mamaya may kasamaan palang gagawin yan.. Mahirap na, hindi pa namin siya masyadong kilala…

“Bro! Alam ko yung tingin na yan.. Hindi ako masamang tao, wag kayong mag-alala. ^_^” Sabi sakin nung Seph na yon…

May pagkaweird to ahh, nabasa niya nasa isip ko!? Hayy bahala na nga!

Nagpunta na kami sa bilihan ng food, at nagkwentuhan habang kumakain.. Nasa isang malaking table kami..

Katabi ko ngayon si Mikay… Ang takaw neto parang hindi kumain kanina ng almusal ahhhh..

“Mikayyyy, ang takaw mo. Dahan dahan sa pagkain..” Sabi ko sa kanya..

“Ehh nagugutom ako ehh, libre mo nga ako ng ice cream.. Sige na, dessert man lang. Pleaseeeeee *puppy eyes*” – Mikay

Pag nag puppy eyes yan, hindi na ako makakatanggi.. Mahirap na, baka magtampo.. Hahahaha

Bumalik ako sa table, dala dala ang ice cream niya.. Tuwang tuwa naman si Daldalita.. Ahaha, natatawa talaga ako pag kumakain ng ice cream yan.. Nilalasap talaga ehhh!! Kapag may tumutulo dun sa cone, agad agad niyang didilaan. Hahahaha.. Isip bata talaga. =))

“Thank you pikachu, sa libre mo ha!! Bait bait mo talaga.. Gwapo gwapo pa!!” – Mikay

“Alam kong gwapo ako, swerte mo may bestfriend kang gwapo!” bigla akong hinampas! Ang sakit non ahh, ang bigat ng kamay nito…

Mika’s POV

5 minutes na lang time na!

“Guys! Magta-time na pala. Let’s go!!” Sabi ko sa kanila..

“Beaaaaa-tiful, hatid na kita sa room niyo!” Haha sabi ni Zoren kay Bea, may gusto kasi yon kay Bea ehhh.. Cute nila, bagay sila..

“Tse! Tigilan mo nga ako Zoren sa kakabeaaaaaa-tiful mo na yan! Maghanap ka ng iba mong mabobola..” Ang taray talaga ni gurl, ganyan sila maglambingan.. Pero if I know kinikilig din si Bea sa ginagawa ni Zoren. Hihi

“Mikay, alex hatid ko na kayo. Hayaan na natin yung dalawa na mag-solo..” – Peer

“Tara Seph!!” Inaya ko na si Seph.. Halatang gustong ma-OP ni Pikachu tong si Seph, sungit talaga non.. Kainis..

Nakarating na kami sa room at nagpa-alam na rin sila Zoren at Peer..

Sunod sunod ang punta nung mga magiging teachers namin sa iba’t ibang subjects namin. Yung iba terror, yung iba naman mukang mababait..

Lunch time, sabay sabay ulit kami.. Medyo iwas pa rin si Peer kay Seph.. Bat ganto tong mokong na to, hindi marunong makisama..

Natapos ang araw, hay salamat!! Wala pang homeworks, ayos! Makakapagpahinga ako ng maaga… Kaso gutom nanaman ako, gusto ko ng Mcdo.. Ma-aya nga si Peer, tutal sabay nga pala kami uuwi.. :D :D

“Gurls, una na ako sa inyo ha! Sasabay ako kay Peer pauwi..” – sabi ko

“Sige gurl, hatid daw ako ni Zoren eh.. Hehe, sabay ka na samin Alex!” Sabi ni Bea, aba… halatang gustong gusto ni Bea.. Haha

Nagpa-alam na ako sa kanila.. Pati na rin kay Seph..

“Seph! Una na ako, bukas ulit sabay ka samin.. Ay, araw araw na pala yon!”

“Sige Mika ganda, ingat ka!” hahaha ano raw? Mika ganda.. Mambobola! Basket ball player siguro to! J

“pati ba naman si Seph, lalandiin din niya..” –Bridgette

“hindi na kuntento kay Peer mo..” -Alice

Mga epal talaga yung dalawang yon, hindi ko na lang pinansin at lumabas na ako ng room..

Nakita ko na si Peer na palabas ng room nila.. Tabi lang kasi classroom namin. J

“Tara na mikay!!” lumabas na kami at pumunta sa parking lot..

Sumakay na rin kami sa kotse niya na bagong bago… :D

“Hoy pikachu, bakit ang sungit mo kay Seph?? Mabait naman siya ahhh.” Sabi ko..

“Hindi ko lang siya feel, wala lang. Ewan ko! Wag ka na nga magtanong!” – hala bakit ang bad mood nitong mokong na to!!! Inirapan ko siya at nanahimik na lang..

Mga 5 minutes kaming tahimik.. Nakakatampo to, kinakausap ng maayos eh!! Tapos ganon ang sasagot niya..

Ganito kami lagi kapag nagsusungit yan. Hindi nalang ako kikibo para hindi na kami mag-away..

Nakarating na kami sa bahay ko… Nakalimutan ko, papalibre dapat ako kay Peer sa Mcdo ehhh, galante naman yun eh.. Kaya lang mukang bad mood, kaya wag na lang..

“Baba na ako, thank you..” nag-smile ako ng konti sa kanya..

“Sige, bye.” – Peer

Wala man lang smile.. Derecho lang ang tingin! Bipolar talaga to ehh..

Pumasok na ako sa bahay. At umupo sa sofa..

I love you, be mine.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon