Chapter 15

50 1 0
                                    

CHAPTER 15

Mika’s POV

*Sunday Morning*

“Mika, wake up na princess. Magsisimba pa tayo diba?” – Mommy

“Maaaa, I’m not feeling well. Pwede pass muna ako? Or mamaya nalang akong hapon magsisimba.” – Mikay

“Okay princess, I’ll ask Peer to join you later na lang. Okay? Rest ka na ulit.” – Mommy

Kasama? Si Peer? No no no!

“No mom, wag na. Ako na po bahala.”  - Mikay

Tumango nalang si mommy at kiniss ako sa forehead, then umalis na siya ng room ko. Grabe ang bigat ng pakiramdam ko ngayon, parang binagsakan ng sako sakong bato ang ulo ko.

Wag naman sana akong magka-sakit no..

Umupo ako sa kama at binuksan ang tv, manunuod nalang ako ng mga comedy shows.. Sabi nga nila diba? Laughter is the best medicine..

Pano pag peke naman pala ang mga tawa ko? Gagana pa kaya.. Hay

Nevermind, ayoko ng manuod..

Na-aalala ko nanaman yung kagabi.

That was our biggest fight ever.

Bakit kasi masyado akong naging kampante na lagi siyang nandiyan para sakin, eh hindi ko naman siya boyfriend. Wala akong karapatang magreklamo kapag hindi siya sumipot, hindi ako pwede magdemand sa kanya ng kung ano ano.

Pero.. That’s what bestfriends are for naman diba? Yung lagi kang nandiyan para sa kanya. Hindi mo siya iiwan, lagi kang nakasuporta.

Ang hirap lumugar sa buhay ng taong binigyan ka nga ng lugar, hindi mo naman alam kung saan.

“Pasensya na Pikachu ahh, siguro mas maganda kung medyo ididistansiya ko na lang sarili ko sayo. Nagiging sobrang pabigat na ako sayo.”

Kinakausap ko ngayon yung Pikachu na stuff toy ko, bigay sakin ni Peer yon. Nagbakasyon kasi siya noon. Kaya naisip niyang bigyan ako ng stuff toy ni Pikachu para maalala ko siya at hindi ako malulungkot habang wala siya. J

“Pero konti lang naman.. I know na may sarili ka ring buhay, at hindi lang pwede na lagi kang nakabantay sakin.. Hindi yung palagi ako ang iniintindi mo..”

Naluha na lang ako, di ko alam kung bakit. Pero may nararamdaman akong kakaibang sakit dito sa puso ko eh. Hehe

“Siguro nagsawa ka na no? haha.. Buong buhay mo, lagi mo nalang ako pasan. Lagi mo akong pinagtatanggol kapag may umaaway sakin. Lagi nalang ikaw ang nasa tabi ko.”

Hindi ko na mapigilan ang luha ko, dahil tuloy tuloy nang tumutulo.

“Sorry talagaaaa *sob* naging selfish na ba ako? Ha? Sumagot ka…”

Niyugyog-yugyog ko yung Pikachu na stuffed toy. Ang sakit sakit. L

.

.

.

.

.

.

“Hindi ka selfish Mikay.”

Nagulat ako at alam ko kung kaninong boses yon..

.

.

.

.

Kay Peer.

I love you, be mine.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon