Chapter 27

11 0 0
                                    

Peer’s POV

Nakauwi na kaming lahat. Hindi naging maganda ang pag-uwi namin, walang pansinan ang lahat. Wala man lang paliwanagan ang nangyari, lahat maiinit ang ulo except kay Bea at Zoren na sobrang saya. Hindi na nga mapaghiwalay eh.

Today is Saturday, hay.. May gig pa ako mamaya, at kasama pa si Mikay. Na hanggang ngayon hindi pa rin ako pinapansin simula nung………

*Flashback*

“ANG LANDI LANDI MONG BABAE KA, MAGSIKAP KANG MAGHANAP NG TAONG LALANDIIN MO, HINDI YUNG NAKIKIHATI KA PA SA PAG-AARI NA NG IBA. BITCH!”

Hindi ko akalain na ganyan pala si Mikay, kahit kalian hindi ko siya nakitang nakipag-away. Ang sasama ng mga salita na lumalabas sa bibig niya, at isa pa. Nanampal pa siya ng tao, at hindi ko akalain na magagawa niya ang ganoon bagay.

Hinila ko papalayo si Mikay, at nilapitan si Sab para icomfort dahil sobrang pula ng left cheek niya at iyak na siya ng iyak. Si Seph naman nilayo na si Mikay..

“I’m s-so s-sorry Sab, ako na ang humihingi ng pasensya para kay Mikay.” I said

“No, it’s okay.. *sob* I understand.. *sob*” –Sab

I asked her kung ano ba ang talagang nangyari, kinwento niya ang buong detalye. Hindi naman pala sila naghahalikan, napuwing lang siya kaya hinipan yun ni Seph. Muka lang silang naghahalikan kasi nakatalikod sa amin si Seph noon.

“Sorry talaga Sab, tara dalin na kita sa clinic.” I said

“No, iwan mo na lang ako dito. Puntahan mo na siya.” – Sab

Tinanong ko kung okay lang ba talaga, and she said yes. Then, bumalik na ako sa room namin ni Mikay. Nandun siya kumakain ng ice cream sa may kitchen.

Tumabi ako sa kanya.

“What did you do?!” hindi ko na napigilan ang sarili ko, at nasigawan ko na siya.

“What did I do?? PINAGTANGOL ko lang naman ang BESTFRIEND ko!!! That’s what friends are for diba?”  she said

“Hindi Mikay, nanakit ka ng tao eh! At kung ano ano pa ang sinabi mo na masasakit. Kelan ka pa naging palengkera?!” – Peer

“Palengkera? Ako? WOW PEER, nasampal ko lang siya at nasabihan ko ng Bitch which is TRUE… Palengkera na agad?? S-saka  teka nga. Mas kinakampihan mo ba siya kesa sakin? Nakita mo naman yung nangyari diba? Kitang kita mo!!”

“Oo, palengkera ka! Kala ko kilala kita, hindi pala. May tinatago kang kasamaan diyan sa loob mo! Tss.” I shouted

“Ahh sige.” Ang haba ng sinabi ko, ganun lang isasagot niya?

“At saka, oo pinagtatangol ko si Sab. Kasi wala naman talaga siyang ginawa ehh.. Dahi…”

“Wag mo na ituloy yung sasabihin mo. Matutulog na ako.”

Umalis siya sa harap ko. Sa tono ng pananalita niya parang ang cold cold. Siya pa ba may ganang magalit? Siya na nga ang may mali eh..

Hay mikaaaay!!

*endofflasback*

At ayon ang nagyari. It’s already 6 pm, at 7pm gig namin. Nakagayak na ako eh, pero wala akong lakas ng loob para puntahan si Mikay. Baka snobin lang ako eh.

*hingang malalim*

Pupunta na ako sa kanila.

.

I love you, be mine.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon