Once and for Real [Chapter 10]

39 4 0
                                    

Chapter 10

JUSTINE’S POV

Lumabas na kami sa YC ni Luke pero hila hila nya ako sa braso. Alam mo kung saan na kami papunta ngayon? Eh di sa SB. Ang kapehan ng mayayaman at nag pifeeling mayaman -_- Pero syempre dun kami ni Luke sa mayayaman. Mayaman kame eh. Hangin ba? Ganun talaga mayaman kame eh xD

*POKE*

*POKE*

Tsk. I really hate it when someone is poking me.

*POKE*

“HOY JASMINE!”

“ano?!”

“ay Justine pala. PUTAPETE KA NAMAN KASI! KANINA PA KITA KINAKALABIT, DI MO KO PINAPANSIN! Di mo naman ata talaga kailangan ng tulong ko eh”

“OO na! di mo ko kailangan sigawan. Tsk. Ang panget mo! Wag ka ngang ngumuso. Mukha kang janitor fish” taeng luke toh ngumuso pa sa harap ko. Pakyut di naman bagay. Amp

“cute ko kaya pagnakanguso! Isang buwan ko din prinaktis yun sa harap ng salamin para maka attract ako ng girls eh. Wag ka nga! Ang hirap kaya gawin yun”

“Wala ka na. kahit anong pagnguso ang gawin mo di ka makakaattract ng girls. Nakita mo na ba sarili mo sa salamin? Kamukha mo yung bading na singer oh. Yuck pare magpagupit ka na nga” sabi ko sa kanya

Nakakaattract ba ng girls yung pag nguso? Praktisin ko din kaya? Tapos kapag kaharap ko na si Arianna ngunguso ako sa harap nya. Maattract kaya sya? Ay ewan! Hinawaan na ko ng kabaliwan nito ni Luke eh -_-

“Sino? Si Justin Bieber? Yung IDOL mo nung pasikat pa lang sya? HAHA xD tsaka ayoko nga magpagupit. Bagay naman sakin hair cut ko eh. Mas bagay sakin yung ganitong style ng buhok kaysa jan sa IDOL mo”

“idol ka jan. tara na nga sa SB para maumpisahan mo na kong tulungan” sabi ko na lang sa kanya para di na humaba ang usapan.

Pumasok na kami sa SB at naupo sa upuan na malapit sa bintana. Syempre may kasama yun na table. Alangan naman di ba? Tsk. Anong oras na oh. baka malate ako

ARIANNA’S POV

Nandito na kami ni manager sa mall. Gaya ng napag usapan, 9 am ako sinundo ni manager sa hause namen. 9:30 naman kami nakarating.

Nagtataka kayo nuh? Kase 9:30 palang nandito na kami sa mall samantalang 10am pa ang bukas ng mga mall. Ganun talaga. Kasama ko may ari eh.

Oo tama ka ng iniisip. Mayaman  din si manager di lang halata. May sariling mall at hotel yan.

Ok,. Enough for that. This is my story remember? So, back to reality

“manager, sinong namamahala nitong mall mo? Para kasing di ikaw yung nag aasikaso dito kasi laging ako yung inuuna mo” sabi ko kay manager na abala sa pagkalutkot ng cellphone nya

“ah? si kuya Ron. Sya muna yung pinamahala ko dito kase ayoko pang umalis sa pagiging manager mo. Pinipilit nya kase ako na magresign na sa pagiging manager ko sayo eh.”

“Ron? Sino naman yun? Asan si kuya Van?” tanong ko kay manager

“haha! Nakakatawa ka talaga. Si kuya Ron at si kuya Van! Iisa lang yun”

“eh? Bakit Ron? Eh Van yung pakilala nya sakin dati ah” sabi ko na medyo naguguluhan

“Aaron Van Wilson kasi full name nya” paliwanag ni manager

Once and for Real [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon