Once and for Real [Chapter 11]

24 0 0
                                    

Chapter 11

JUSTINE’S POV

Nag uumpisa na rumampa yung mga model nung nakaupo na kami. Late kami dumating kasi 7pm ang umpisa pero nung mga oras na yon ay nasa Emma Villa pa lang kami.  Salitan nga pala ang rampa nung mga model. Babae muna tapos lalaki naman. Paulit ulit lang na ganon. Napansin ko naman na tinitignan nung mga lalaking model na rumarampa si Arianna. Ano ba problema nila?! Akin to date! Peste -_-

“Excuse me. Alis muna ko”

“San ka pupunta?”

“restroom. Why?”

“ah wala. Bumalik ka agad pagkatapos mo”

“oo”

Umalis na nga sya at naiwan yung pouch na dala nya. Akala ko mag aayos sya. Pinagpawisan kasi sya bigla eh. Siguro naiihi lang.

ARIANNA’S POV

Nakita ko na si Clarence na yung rarampa kaya nag excuse na muna ako. Baka kasi makita nya ako eh. Dumeretso na lang ako sa Dressing room kung saan naghihintay yung mag aayos sa akin. Nandun na sya nung dumating ako kaya inumpisahan nya agad akong ayusan dahil malapit na akong rumampa. One sleeve evening dress na color green ang pinasuot sa akin. Medyo backless at may slit sa gilid ito. Bagay na bagay sa akin dahil sa maputi ako.

Tinawag na ako dahil sa ako na daw ang susunod. Ibig sabihin ay patapos na din. Dahil ako ang pinaka huli.

Nung lumabas na ako sa stage ay nasilaw ako sa pagkaramiraming flash sa bawat sulok ng lugar. Hindi ko inaasahan na ganito kadami ang mga media dahil sa kanina ay kakaunti lang ang nagpaflash na camera at may dalawa ding nagvivideo na galing siguro sa magkalabang estasyon ng telebisyon.

Hindi ko pinahalata na halos mapapikit na ako sa silaw kaya ngumiti na lang ako at pinagpatuloy ang paglalakad. Wala si Justine na iniwan ko sa table namin kanina. Hindi ko alam kung bakit pero sya ang hinahanap ko sa mga oras na ito. Pero kahit anong gawin kong hanap ay hindi ko sya makita.

Naglakad na ako pabalik kaya naman isa isa muling rumampa lahat ng modelo para sa pagtatapos ng event na ito.

Dumeretso agad ako sa Dressing room kung saan nandoon ang manager ko. Agad naman nya akong niyakap at binati dahil sa successful ang event na ito. Nagpasalamat naman ako sa kanya at nagpalit agad ng damit na suot ko kanina. Binura ko rin yung make up at ibinalik sa ayos ang buhok ko na kagaya kanina.

Pumunta ako sa table namin at nakitang naiwan nya ang jaclet nya doon. Ibig sabihin ay nandito pa sya. Kinuha ko ito at agad syang hinanap. Di ko pa din sya makita dahil sa naglalabasan na ang mga tao. Damn. Nasabi ko sa isip ko at patakbong pumunta sa restroom at viola! Nadoon nga sya. Hindi kasi kita ang stage kapag nasa bandang restroom ka.

“Kanina ka pa ba dito?”

“OO! Saan ka ba nanggaling na babae ka ha?! Alam mo bang pinag-alala mo ako?! Kanina pa ako dito sa labas kakahintay sayo! Sinasabihan na akong ‘pervert’ nung mga babaeng lumalabas dito kanina pero binabalewala ko iyon para sayo! Jusko sobrang kahihiyan yun para sa akin alam mo ba?! wag mo ng uulitin yun ha?! “

Pagkatapos nyang sabihin iyon ay niyakap nya ako. Ewan ko ba kung bakit, basta niyakap ko din sya pabalik. Siguro nakonsensya ako?

Nakaalis kami agad sa pinag ganapan ng event dahil hindi naman kami napansin ng media. Nag aya syang kumain kaya naman dumeretso muna kami sa isang resto bago umuwi

“Nakita mo ba yung gusto mong makita?” tanong ko sa kanya habang naghihintay nung inorder namin.

“Sino?”

“yung babaeng model. Narinig ko kasi na hinahanap mo daw yun.”

“ah. yun ba? Hindi eh”

“ha? Bakit naman? Wala ba sya dun kanina?”

“Nandoon. Narinig ko na tinawag sya pero di ko sya nakita”

“eh bakit hindi mo nakita?”

“kasi po, nasa labas ako nang restroom ng mga babae at naghihintay sa kasama ko na ayun pala ay wala sa loob at hindi ko alam kung saan nagpunta”

“sorry. Dahil pala sa akin kaya hindi mo sya nakita. Hayaan mo, hindi na ulit ako magpapasama sayo”

“ano ka ba? Ok lang yun! Tsaka may next time pa naman di ba?”

“pero-“

Di ko na natapos ung sasabihin ko dahil dumating na yung inorder namin at nagsimula na kaming kumain.Walang umiimik samin kaya natapos din kami agad.

*+*+*

Nasa tapat na kami ng bahay ko dahil hinatid nya ako pauwe. Binuksan ko na yung pinto at lumabas. Malapit na ako sa gate nung bigla kong naalala na hawak ko pala yung jacket nya kaya bumalik ako at kumatok sa bintana nya. Ibinaba naman nya ito tsaka tumingin sa akin. Iniabot ko yung jacket nya na kinuha nya naman. Mabilis kong pinasok ang ulo ko at hinalikan sya sa pisngi. Agad akong tumakbo papunta sa gate nang may malaking ngiti at sumigaw nang “thank you! Ingat ka sa pagmamaneho! Good night!” tsaka pumasok sa loob ng bahay.

Humiga agad ako sa kama ko at nagtititili habang nakatakip yung unan sa mukha ko. Grabe! Hindi ko talaga inaasahan ang ginawa ko kanina! Bakit ko ba kasi naisipan na halikan yung isang yun?! Waaaah! Pano ko sya haharapin pag nagkita kami sa susunod? Ang tanga ko! Dapat talaga inabot ko lang yung jacket eh. Kaso yung katawan ko kusang gumalaw >___<

“Kyaaaaaaaa!”

*tok tok tok*

“Princess! OK ka lang ba jan? Anong nangyayari? Paki buksan mo nga itong pinto”

“ah! Yaya! Ok lang po ako! Oo tama! Ok nga lang talaga ako! Iwan nyo na lang po muna ako”

“ayos ka lang talaga? Wala bang masakit sayo?”

“opo yaya. Salamat po sa pag aalala pero ok lang po talaga ako.”

“sige. Bababa na ako. Tawag ka na lang kung may kailangan ka”

“opo yaya.”

Grabe! Nakakahiya kay yaya! Lumakas pala yung boses ko. Buti na lang di na sya nagpumilit pumasok sa kwarto ko. Kung hindi, nakita nya siguro na sobrang pula ng mukha ko.

Maliligo na nga lang ako at nang makatulog na. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 27, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Once and for Real [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon