Secret ❤

15 0 0
                                    

Sana P.O V


Inagahan kong pumasok. Wala lang gusto ko lang agahan hihihi..

Bago ako pumasok pinuntahan muna ako ni mommy sa kwarto ko.

"Baby.. Ako pala yung pupunta sa school
Hindi si daddy okay.." sabi ni mommy habang nasa labas.

Hindi na naman si daddy.. hayss..

Palaging busy si daddy kaya minsan ay halos pala lahat ng event si mommy ang umaattend. Lalo na yung mga tungkol sa tatay..

Pero syempre dahil sanay na ako. Binalewala ko na lang at dumiretso na sa sasakyan..

Pagkadating ko, si mina agad yung nakita ko. Sobrang aga naman nya. Kaya binalakan kong gulatin sya dahil medyo madilim pa.

Pero lalapit pa lang ako, nakita ko na syang may tinitignan sa papel.

Parang mga papel sa ospital. Nakalatag sa lamesa nya lahat at yung isang papel lang na parang reseta yung tinitignan nya..

"Uyy.. ano yang mga yan?" Takang tanong ko.

Para naman syang gulat na gulat na pinagpupulot lahat ng papel tsaka nilagay sa envelope.

"Haa?? Haa wala to." Aligagang sagot nya..

Sa sobrang curious ko tumabi ako sa kanya tsaka ko kinuha yung envelope.

"Yahh!! Sana!" Sigaw nya sabay biglang tigil..

"Titignan ko lang naman ihh.. tsaka para namang hindi magkaibigan" pacute na sabi ko.

Wala na syang nagawa, kaya naman binuksan ko na yung envelope para tignan.

Nagulat ako dahil tama nga ang hinala ko.

Lahat yung tungkol sa ospital at lahat yun tungkol kay mina.

"Bakit tungkol lahat to sayo?" Takangggg tanong ko..

"Sakin talaga lahat yan." Kalmadong sabi nya.

As in tungkol talaga sa kanya lahat..

"Weekly check-up ko kahapon yan. Pinagcocompare ko lang sa nakaraan."paliwanag nya.

"Eh bakit na sayo toh. Diba dapat parent mo may hawak neto?" Takang tanong ko ulit.

"Hindi alam ng parents ko na may ganito ako. Ayokong ding sabihin dahil hindi naman ako okay sa family ko." Nakangiting sabi nya. Pero malayo sa mata lahat..

Hindi ako nakapagsalita dahil sa gulat at sa awa.

Hindi ko alam na ganito pala si mina..

"Huwag mo sanang ipagsabi sa iba lalo na sa parent ko. Ayoko munang sabihin sa kanila since ako yung lumayo sa kanila." Nakangiti na naman nyang sabi.

"Okay.. hindi ko ipagsasabi pero huwag mong ipakita sakin yang ginagawa mo. Mas lalo lang akong naaawa sayo" malungkot na sabi ko.

"Sorry. Ganito na talaga ako." Si mina..

Hindi ko alam. Pero hindi na ko naganahan ngayong araw dahil sa nalaman ko. Palagi lang akong nakatingin kay mina hanggang sa mag-uwian..


Dahyun P.O.V



Napapansin ko na parang ang lamya ni sana ngayong araw. Panay pa yung tingin nya kay mina. Hmmp..kainis.

Natapos lahat ng klase namin na ganyan sya..

Hanggang sa meeting ng parents kay mina talaga sya nakatingin..

"Hmm. Bakit kanina ka pa nakatingin kay mina?" Nakasimangot kong tanong.

My Unexpected Dream (On-going)Where stories live. Discover now