Lies😭

31 0 0
                                    

Mina P.O.V

"Hi...."


Halos mapabalikwas ako dahil sa lakas ng alarm ko. Bakit ko ba to binili? Nanjan naman si mom-.

Hays..

Simula na naman ng boring na buhay.

Naligo muna ako tsaka ko ginawa ang daily routine ko.

Nagluto
Nagsipilyo
Nagplantsa ng uniform

Oo nga pala. Dahil nagaalala ang mabuti kong ina pinalipat nya ko sa nas malapit na school. Syempre mabuti sakin lalo na at hindi ko na makikita yung muka ng mga manlolokong yon..


FLASHBACK


Ready na ako umamin kay josh. Crush ko since nag highschool ako. Isa sya sa mga famous ika sa school kasi naman bukod sa gwapo eh isa sa pinaka mataas ang family nya pagdating sa stockholder ng school. Syempre ako naman tong gwapong gwapo sa kanya.

So ayun nga. Nagpasama ako kay wendy bestfriend and girl friend ko. Sya lang kasi yung nakakakilala kay josh since childhood nya 'daw'. Syempre naniwala naman agad ako kasi sobrang gusto ko sya.

"Ano. Wala pa den?" Tanong ko.

"Maghintay ka jan. Hinanahap din ng mata ko.." sagot naman ni wendy.

Sa sobrang pagka excite ko hindi ko namalayan na wala na sa tabi ko si wendy.

Paano ko hahanapin yun dito eh ang laki ng building nato. Puro vacant pa dahil kakagawa lang.

"Kahit kelan talaga lakas mang trip." Bulong ko na lang..

Sa sobrang laki ng building nato wala na kong nagawa kung hindi hanapin sya, baka kasi nantitrip lang yun. Ugali nya na kasi yun...

Nakarating ako sa fifth floor ng school building sa paghahanap sa kanya kaso wala pa den. Kaya naman naisipan ko na lang na bumaba at baka nasa cafeteria lang yun. Pero maglalakad pa lang ako sa kabilang hagdan na marinig ko yung boses ni wendy.

"Bwiset ka talaga. Bigla ka na lang nanghila kita mong hinahanap ka ni mina" maharot na sabi ni wendy.

Bigla na lang akong kinabahan..

"Hindi naman sya yung hinahanap ko eh. Ikaw. Tsaka bakit ba palagi mong kasama yung malamyang yun? Nagpapagkamalan ka tuloy na katulad nya." Hindi na ko nakagalaw sa pwesto ko ng marinig ko yun mula kay josh..

"Ano naman sayo. Kaya lang naman ako sumasama sa kanya kasi maasahan ko yun pagdating sa exam at quiz hihi" hindi ko na lang namalayan na naglalakad na ako papunta sa lugar nila.

"Joke lang naman baby ko. Ikaw bahala, kung saan ka okay. Pero sana naman binibigyan mo ko ng oras. Ang sad palagi ng araw ko kasi sa cafeteria na lang tayo nagkikita. Pano ba naman kasi palagi mong kasama yung weird kumilos na yun." Mahabang sabi ni josh.

Mas bumilis lalo ang lakad ko hanggang sa malampasan ko sila.

"Mi-mina!?.." habol sakin ni wendy nang makita nila kong dumaan..

"Oh.. kanina pa kita hinahanap. Kain sana tayo sa cafeteria." Palusot ko..

Parang walang nangyari...

"Ahmm. A-ano kasi e... tara kain na lang tayo" tulirong sabi nya.

Hindi ko alam pero sa pagpipigil ko bigla na lang akong tumakbo papunta sa c.r dahil sa biglaang pagsakit ng dibdib ko.

"Mina! Anong nangyayari sayo?" Kabang sabi ni wendy habang kinakatok yung pinto ng c.r.

Hindi ko na sinagot si wendy dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Hanggang sa sumunod may bigla na lang tumunog na matining sa magkabilang tenga ko. Kailangan kong kumalma dahil masyadong napapatungan iyon ng emosyon ko na nagdudulot ng lalong pagsakit ng dibdib ko.

Huminga ako ng malalim at nag-isip ng masasayang pangyayari, pero wala pa ding epekto. Hanggang sa bigla kong maisip yung nasa panaginip ko at sa isang iglap nawala ng parang bula yung sakit..

Pagkatapos ay huminga ako ng malalim ulit at nag-isip..

Ang unfair. Bakit hindi nya lang sinabi sakin. Sa tagal ng yun. Hindi nya sinabi sakin.

Kung sinabi nya na lang sakin?. Edi sana hindi to nangyari lahat. Tsaka kung kailangan magpaparaya ako, pero hindi. Mas pinili nya na itago...

Umiiyak ako habang sinasabi lahat.  Lahat ng sama ng loob ko. Lahat-lahat..

"Yah! Minari! Ano bang nangyayari sayo jan haa. Hindi ka na sumasagot.." kabadong sabi nya.

"Mina!"isa pang sigaw ni wendy.

"Ohh. Nyare sayo?" Kunwaring sagot ko.

"Ano bang nangyari sayo sa loob?" Wendy.

"Bigla lang akong tinawag ng kalikasan." Pagsisinungaling ko.

"Ano ka ba. Kinabahan ako sayo" Diba parang walang nangyare.

Hindi na ako kumibo at naglakad na lang ako papalabas ng cr, hindi ko sya pinansin hanggang sa makarating ako sa gate ng school..

"Ohh saan ka pupunta? Akala ko kakain tayp?!" Takang tanong ni wendy habang hinahabol ako papunta sa gate.

"Uuwi." Wala na akong ibang masagot dahil sa kabila ng mga nangyari parang wala lang sa kanya.

"I'm sorry..."  sabi nya.

Hindi ako tumigil sa paglalakad hanggang sa marating ko yung gate.

"Matatanggap ko lahat ng sorry mo pero hindi ikaw." Pagkasabi ko nun umalis na ko.

"Tss.. Akala mo naman importante duh! Napilitan lang naman ako sumama sayo kay may utak ka, tsaka ang bilis mo mauto.." pahabol nya.

Hindi ko alam pero sobrang sakit anh idinulot num sakin. Ang nag-iisa kong kaibigan nagloko sakin,yung nag-iisang masasandalan ko sa lahat, niloko ako.

Sa sobrang lutang ko, hindi ko na namalayan na nasa harap na ako ng apartment ko...

Pati sa pagpindot ng passcode nanghihina ako. Wala ako sa sarili kaya naman nakatulugan ko na lang ang lahat...



My Unexpected Dream (On-going)Where stories live. Discover now