Mina P.O.V.
Nagulat kaming lahat dahil biglang umalis si chaeyoung ng walang paalam..
"Anong nangyare? Bakit lumabas yun?" Si jihyo na kakalabas lang ng kusina..
"Si momo kasi eh.. tinutulungan na nga natin yun na magbago. Sinabihan mo pa ng masama." si dahyun habang kinukurot yung manok na dala ni jihyo..
Alam kong na-offend sya sa mga sinabi ni momo. Kaya sya lumabas.
Nagpaalam ako na susundan sya. Yung iba nagulat pero wala na din nagawa dahil nasa pinto na ko.
Nangmakalabas ako, Hinanap agad sya ng mata ko. Pero wala sya sa bawat iskinita. Sinubukan kong magtanong sa kalapit na tindahan pero ang sabi eh wala naman..
Dahil hindi ko naman sya makita. Binalakan ko ng pumasok dahil baka kumakain na sila. Pero pagtalikod ko nakita ko sya doon sa may asensadong store na nakain ng ice cream habang naupo.
Bigla akong napangiti kaya naman lumapit ako.
"Bigla ka na lang umalis." Pagkasabi ko bigla naman syang napatayo.
"Ah... kasi... bigla kong naalala na may dinner date kami nila dad.." halata kay chaeyoung na nagsisinungaling sya dahil sa pagkilos ng mata nya..
"Alam kong narinig mo lahat ng binulong ni momo..kaya wag ka nang magsinungaling" ako..
"Hehehe. Akala ko ako lang nakarinig.. " nakangiting sabi nya..
Bakas sa kanya na malungkot sya kahit nakangiti dahil masyadong bukas lahat ng emosyon nya. Yung tipong alam na alam mo na nagsisinungaling sya..
"I'm sorry pala sa mga sinabi ni momo. Alam mo namang galit sayo yun dahil sa ginawa mo sakin. Pero wag kang mag alala. Mabait naman yun. Overprotective lang talaga sya.."nakangiti ko ng sinabi iyon kaya naman medyo lumiwanag na yung mula nya..
"Ayos lang yun.. totoo naman talaga lahat ng sinabi nya. Ang masakit lang eh sinabi nya sa harap ko. Pwede namang sarilinin nya o i-share nya sa iba, bakit kailangan pang ipamuka sakin." Sinabi nya iyon ng nakangiti pero malungkot yung mata.
Matagal kaming nagkatulalaan sa kawalan. Kaya ako na ang nagsalita..
"Pumasok ka na muna sa loob. Sayang naman yung mga pinaghandaan mo para dito. Tsaka nilalamig na ko.. hehehe" hindi man lang nya tinugunan yung sinabi ko at tumayo.
"Hindi na. Mauna ka na sa loob, baka hinihintay ka na nila. Uuwi na lang ako.." pagkasabi nya nun umalis na sya..
"Wait lang!. Uuwi ka na talaga? Mag-stay ka na muna dito, gabi na oh." Sabi ko sabay turo sa langit..
"Okay lang ako. Medyo kabisado ko na din naman tong lugar nyo tsaka pumasok ka na sa loob." Sya habang naglalakad palayo.
Hindi ko alam pero bigla na lang akong tumakbo papunta sa kanya tsaka sya niyakap mula sa likod. Ang gaan ng loob ko nung ginawa ko yun kaya medyo matagal kami sa posisyong yon.
"Mag stay ka na muna dito. Di kaya ng konsensya ko kapag may nangyari sayo dahil sakin.." sinabi ko iyon habang nakayakap sa kanya..
"O-o-okay, pero pwede bang walang yakap.. naiilang ako." Pagkasabi nya nun bigla na lang akong bumitaw sa pagkakayap..
"Ahh ehh.. k-kasi naman... responsibilidad kita kapag may nangyari sayong masama." sinabi ko iyon nang putol putol dahil sa hiya..
"Okay. Dito na muna ako mag s-stay. Para naman hindi ka na mag-alala. Pero sa isang kondisyon.." nakangiti nyang sabi..