KABANATA 3

2 2 0
                                    

"A Sky full of stars and He was staring at Her."


Hintayin ko raw siya? Teka, Bakit? Alam ko naman ang daan patungo roon. Nagtataka kong mukha ang sumalubong sa tumatakbong Liham.

"Uhh Did Erin tell you to–" Sinalubong ko kaagad siya ng tanong ngunit diko na natapos ang sasabihin ko ng magsimula na itong maglakad. Bastos din ang isang to, pinaghintay ako tapos mauuna.

"I know you are alone so I will be with you" di man maintindihan ay tumango na lamang at naglakad na rin. Nauuna ito sa aming dalawa kaya naman ng huminto ito nabunggo ako sa kaniyang likuran. Hawak ko ang aking ilong ng humarap ito sa akin.

"Did I hurt you?" pumantay ang ulo nito sa aking mukha at in-examine ang aking ilong na hawak hawak ko.

"Uhm, No" ngiti ko at tinanggal na ang aking kamay. Sinabayan na ako nito sa paglalakad. Hindi ko pa natatanaw ang reception ng kasal. Akala ko ba  malapit lang ito?

Tumunog ang aking cellphone kaya naman napahinto ulit ako.

"Hey Lav, napatawag ka?" tanong ko sa pamagkin kong Anim na taong gulang palang, Paniguradong pinakelaman na naman nito ang cellphone ng mommy niya. Mga ilang hakbang rin ang layo sa akin ni Liham, nauna kasi itong maglakad at huminto lamang ng huminto ako.

"Tata I miss you na, kelan ka ba uuwi?" malungkot nitong sabi

"I Miss you too, matatagalan pa ako baby. Papasalubungan nalang kita, Ano bang gusto mo?" Paglalambing ko naman

"Really tata?" biglang sumaya ang boses nito at naririnig ko ang pag-hum nito habang nag iisip.

"Tata I want a Barbie Doll"

"Sige sige pagnaka-uwi na ako ah"

"Sige po tata, umuwi kana po agad. I love you"

"I love you too, Lav" sagot ko bago maputol ang tawag.Nilagay ko na ulit sa aking pouch ang aking cellphone at pinagpatuloy na ang paglalakad.

"Love is a good endearment" sabat naman ng kasama ko.

"Yah" Nalilito man pero sumang-ayon  naman ako.

"Your Boyfriend wants you to go back?"
Kunot noo ko siyang tinignan. Akala niya siguro ay boyfriend ko ang kausap ko dahil sa lav ang tawag ko.

"My Boyfriend?" nakikita ko na ang sobrang liwanag na reception.

"Ah huh" nakapamulsa ito habang naglalakad. Marami ng bituin sa langit, masarap tumambay sa tabing dagat kapag ganito ang kalangitan.

"Oh That's my niece and I don't have a boyfriend" Pagtatama ko sa kung ano mang naisip nito.

Nauna na akong pumasok sa Loob, marami rami na ang nandirito.Wala pa ang bagong kasal kaya naman Pumwesto na ako sa daraanan ng bagong kasal para sabuyan sila ng bulaklak.

Habang nagsasaboy naalala ko kung saan naman ako uupo. Ayaw ko naman makisingit kina tita dahil naka upo rin sa table nila ang ibang kamag-anak. Diko naman gaanong close ang mga pinsan ni Erin. Nang tapos na ako magsaboy ay naghanap na ako ng mauupuan. Bakit naman kasi ako lang kaibigan ni Erin ang naririto, wala tuloy akong ibang maka-usap.

Umupo na lamang ako sa isang lamesang may isang lalaking naka-upo. Kung di ako nagkakamali isa ito sa kamag-anak ni Raphael dahil sa foreign features nito.

Nginitian ko lamang siya at tumingin na sa harap.Nagbibigay ng mensahe ang mga magulang nina Erin at Raphael para sa buhay mag-asawa.

Ako? diko pa nakikita ang sarili ko na ikakasal, siguro dahil busy ako sa trabaho o kaya naman may gusto pa akong maabot. Isama mo narin na wala akong magiging groom.

Napabuntong hininga na lamang ako. Bakit nga ba kasi wala pa akong Boyfriend? Minsan nagtataka narin ako eh. Pero Okay lang, naniniwala naman kasi ako sa God's perfect time. Wag naman sanang wala talagang inilaan si Papa God para sa akin.

Please Lord, Gusto ko rin pong magkapamilya.

Naramdaman kong may tumabi sa aking gilid. Si Liham na naman. Tinapik nito ang lalaki sa table.

Ngayon ko lang na realize na Filipino ang kaniyang pangalan. Liham. A letter. Half Filipino kaya ito? Wala namang nabanggit sa akin Si Erin na may lahing Filipino si Raphael.

Ni-serve na ang food sa aming table, tatlo lang kami sa pang limahan na upuan doon. Bigla akong nagutom dahil ang last kong kain is kaninang tanghali pa. Alas nuwebe na ng gabi, kaya naman pagtapos magtoast ay nag-umpisa na akong kumain. Hindi alintana ang mga kasama.

Alas Dose na ng hating gabi ng natapos ang kasiyahan, although meron pang natira na bisita ngunit ang bagong kasal ay wala na.

Hindi muna ako pumanhik sa aking tutuluyang hotel. Tumambay muna ako rito sa tabing dagat, malamig na ang simoy ng hangin. Naririyan parin ang mga nagkikislapang bituin, kaya naman hindi ko maiwasang mabighani sa nakikita ko.

"It's cold here" napatalon ako sa gulat dahil sa biglang pagsulpot ni Liham sa aking tabi. Akala ko umuwi na ito, nauna itong lumabas kanina kahit dipa tapos ang event.

"Hi!" Ang tanging lumabas sa aking bibig.

Hinubad nito ang kaniyang coat at tsaka ipinatong sa akin. Habang ginagawa niya iyon ay nakatitig lamang ako sa kaniya. Lalo ko tuloy nakita ang asul nitong mga mata. Nakaramdam ako ng ginhawa sa hatid nitong Unting init dahil sa coat.

"Pinapasundo kana ni Erin" napatingin kaagad ako sa kaniya ng magsalita ito ng tagalog. Sabi na, tama nga ako na half-fil ito.

"Nagtatagalog ka pala" pahayag ko at nagsimula ng maglakad.

"I grew up in the Philippines, dito lang ako nagcollege"

"Erin didn't told me that Raphael is a half fil"

"Raphael is my Step Brother, My Mom is his Dad's second wife"

"Oh, So you're a Filipino? I mean–"

"Yes, highschool ako ng makilala ni Mama ang papa ni Raphael, College naman noon Si Raphael."

Nang makarating sa sasakyan nito ay pinagbuksan ako nito ng pinto. Umikot siya sa Driver's seat at nagsimula ng magmaneho.

"So what's your plan for tomorrow?" tanong nito habang nakatingin sa kalsada. Humikab muna ako bago siya sinagot.

"Wala pa, tatanungin ko nalang siguro si Erin kung anong magandang gawin" Inaantok na ako, pinipigilan ko nalang bumagsak ang aking mga mata.

"You can sleep, you know" Napatingin ako sa gawi nito.

"Nah, malapit naman na tayo" tumingin ako sa labas para maaliw ang aking nga mata at mapigilan ang antok.

"I can be with you tomorrow, wala naman akong gagawin, besides I'm sure Erin will be busy."

Napatingin ako sa kaniya, seryoso ba siya? parang nung unang pagkikita namin halos ayaw akong tapunan nito ng tingin.

Iniliko nito ang sasakyan sa Basement ng building. Agad naman akong lumabas at ganoon din siya. Sabay kaming naglakad patungong elevator at pinindot nito ang floor namin ni Erin.

Ng nasa tapat na ng pinto ng aking room ay hinubad ko na ang kaniyang coat at iniabot sa kaniya.

"Thank you. And By the Way about dun sa sinabi mo, sige payag ako" sambit ko bago pumasok sa loob.

Up Until NowWhere stories live. Discover now