KABANATA 1

7 2 0
                                    

"Ladies and gentlemen, welcome to Charles de Gaulle Airport. Local time is 9:27 AM and the temperature is 12°C.
For your safety and comfort, please remain seated with your seat belt fastened until the Captain turns off the Fasten Seat Belt sign. This will indicate that we have parked at the gate and that it is safe ..."

Hindi ko na nasundan pa ang susunod na sasabihin ng sino man at sininop ko na ang aking mga gamit. Matagal-tagal din akong mamamalagi rito sa Paris.
Nagawa na ako ng aking bucket list para hindi ko pagsisihan ang pagpunta ko rito.

Kasalukuyan na akong naglalakad palabas ng Airport ng tumunog ang aking cellphone.

(HEYYYYYYYY WELCOMEEEEE) isang nakakabinging boses kaagad ang sumalubong sa aking tenga pagkasagot ko ng tawag

" gosh ang sakit sa tenga" narinig ko ang paghagikhik ng nasa kabilang linya

(Parating na yung susundo sayo, hintayin mo nalang. Kamusta byahe?)

"Ugh akala ko ikaw ang susundo sa akin?"

(Busy ako teh, alam mo na)

Dahil sa kaibigan ko kaya ako naririto ngayon, pinangakuan kasi ako nito na ililibre ako sa susunod na magiging flight ko at ako ang magiging maid of honor nito sa kasal which is next week, Doon muna ako titira sa kaniyang condo, dalawa naman daw kasi ang kwarto nito.

Nagpaalam na kami sa isa't isa at sa hotel nalang mag-usap, nahihimigan ko rin kasing sobrang busy niya at naririnig ko ring tinatawag na sya

Naghintay pa ako ng ilang minuto nang
Isang Black Peugeot 208 ang huminto sa harapan ko don't get me wrong, wala akong alam sa mga sasakyan, naisama ko lang ang car na ito nung gumawa ako ng brochure ng mga sasakyan nung ako'y kolehiyo pa lang.

Lumabas ang driver nito at tumungo sa akin.

"Ms. Garcia?" tanong nito

"Uhm yes?" tanong ko naman kahit alam ko na ito ang maghahatid sa akin patungo sa condo ni Erin.

"I'll be the one to drive you " Napatango nalang ako at tinulungan ako nito na ilagay ang aking mga bagahe sa luggage compartment.

Habang nakadungaw sa bintana ng sasakyan hindi ko maiwasang humanga sa Istraktura ng bansang ito.
Naalala ko pa noong ako'y High School palang, Isa sa mga pangarap ko ang libutin ang mga bansa ng Europa at natutupad ko na ito although ang paris ang una kong napuntahan pero dahil sa big event ng kaibigan ko kaya narito ulit ako, balak ko rin talaga sa Transylvania dahil gusto kong mapuntahan yung Dracula Castle ang kaso ipinagpaliban ko muna.

"HLC" saad ko ng mabasa ko ang pangalan ng building kung saan ako mamamalagi ng ilang linggo.

Pagpasok palang ng Lobby mahihimigan mo na ang classical theme nito bagay na gustong gusto ko. Iilan lang ang tao sa lobby kaya naman ng makita ko ang front desk dumiretso na kaagad ako doon upang itanong ang magiging room ko.

Pinahatid naman nila ako sa isang tauhan nito para tulungan narin ako sa mga luggages ko.

Pagbukas palang elavator tumambad na kaagad sa akin ang isang welcome plant. Sa bandang dulo nito ang condo ni Erin at napansin kong dalawang room lang sa floor na ito.

Nagpasalamat ako sa crew ng maipasok na ang aking mga gamit. Iginala ko ang paningin ko sa loob nito
Napahanga ako sa ganda ng loob. Ang dingding niyo ay kulay puti na nahahaluan ng abo, kaya naman hindi masakit sa mata. Mula sa living room makikita mo ang tanawin sa labas dahil tanging glass door lang ang naghihiwalay nito sa terrace. Malaki ang kwartong binuksan ko, Alam ko kasing iyon ang magiging kwarto ko pansamantala.

Pagkatapos kong libutin ang buong room inayos ko na ang aking mga gamit, Mamaya nalang ako kakain pagtapos magpahinga I'm sure may jetlag pa ako.

Pagtapos kong mag-ayos at maglinis ng katawan nahiga ako sa kama, binuksan ko muna ang aking cellphone para bigyan ng mensahe sina Mama na nakarating na ako. Dahil sa lambot ng kama hindi ko na napigilan ng hilain ako ng antok.

Up Until NowWhere stories live. Discover now