KABANATA 2

2 2 0
                                    

Tanging boses lamang ni Taylor Swift ang maririnig mo sa sasakyan. Ni walang sino man ang naghamong magsalita. Well, mas gusto ko na rin yun dahil wala naman akong sasabihin at ganun din sya.

Huminto ang sasakyan dahil nag pula ang stop light. Nakatingin lamang ako sa labas hanggang sa marating namin ang restaurant. Agad kong binuksan ang pintuan nito. Narinig ko ang pagsarado ng pinto sa kabila at alam kong nakalabas na rin sya.

Habang naglalakad bigla akong natalisod sa maliit na step bago paman makalabas sa parking area. Bago ko pa man maramdaman ang semento ay may humawak na sa aking bewang para di ako tuluyang masubsob.

Nakakahiya naka-suot pa man din ako ng flat shoes ,natalisod parin ako.

"Salamat" Umayos ako ng pagkakatayo at nagsimula ulit maglakad. Pinilig ko ang ulo ko kapag naaalala ang kahihiyan.

Hanggang sa makarating sa table ay nasa likod ko lamang ito.

"There you are!" Tumayo si Erin at Raphael para salubungin kami.

"Raphael let me Introduce to you my other half, my bestie, my sister Olivia Ysabel Garcia"

"I'm your other half" Pagtatama ni Raphael sa naging pahayag ni Erin.

"Nice to meet you, Olivia" pagpapatuloy nito bago pa man i-extend ang kamay nito sa akin.

"And Oliv, This is my soon to be husband. Raphael Jean Hyatt" Pagpapakilala naman ni Erin kay Raphael. Tinanggap ko ang nag aabang nitong kamay.

"Nice to meet you too"

Naka-upo na si Liham sa aming table ng matapos kami sa pagpapakilala. Kaharap ko si Olivia at sa aking tabi naman ay Si Liham na ang kaharap ay si Raphael.

"So Olivia, what's your plan after the wedding?" tanong ni Raphael.

Naikwento ko naman ang magiging plano ko sa mga susunod na araw pagtapos ng kasal. Gaya nga ng kwento ni Erin, luluwas sila pa-maldives para sa isang buwang honeymoon.

"And Liham, you will going to take charge to our business when I'm not around" Napatingin naman ako kay Liham na kanina pa walang imik.

Ilang taon na ba ito? Mukha namang kasing Edad ko lang ito o di kaya matanda sa akin ng ilang taon.

Napatingin ito sa akin ng maramdaman sigurong nakatingin ako sa kaniya. Nag iwas naman ako ng paningin at naalala nanaman ang kahihiyang natamo kanina.

Alas Dyes na ng gabi ng maka-uwi kami sa Condo. Hindi pala roon nakatira Si Raphael, May sarili pala itong bahay at doon sila titira kapag kasal na ang dalawa.

Tinulungan kong mag-ayos ng mga gagamitin ni Erin para mamaya. Alas Nuwebe palang ng umaga at di na magkanda ugaga si Erin. Doon na sya magbibihis na Hotel malapit sa Resort para di na hassle. At ganun rin naman ako. May anim na oras pa para sa kasal. Pero kailangan na namin pumaroon dahil aayusan pa kami at magkukuha pa ng video para sa bride at bride's maid.

Sabay kaming nagtungo sa Hotel. Magkaiba kami ng Room ni Erin. Naroon na rin ang mga mag aayos sa kaniya pagkarating namin.

Magaalas singko ng matapos kami, unting pictorial pa ang ginawa.
Tinignan ko ang aking sarili sa malaking salamin. Isang Sheath gown na dinisenyo ni Erin ang aking suot, Yumayakap ito sa aking katawan at may slit sa gilid sapat na upang makita ang aking legs. Kulay pastel green ito na alam kong theme ng kasal. Light make up lang ang ginawa sa akin ng make up artist, at nakalugay ang pinakulot kong buhok.

Nang nakuntento na sa aking sarili, Nagpaalam na ako kay Erin na mauuna ng pumunta sa Resort. 5:30 narin kasi.
Paglabas ko ng elavator bigla akong napahinto. Ito nanaman ako, walang sasakyan.

Up Until NowWhere stories live. Discover now