Chapter 1

10 0 0
                                    

"Aira may mga ipapasok pa bang mga gamit sa sasakyan?" Napalingon ako sa kuya kong nakapamewang, na ngayon lang bumaba at fresh na fresh sa suot nitong hawaian button down polo paired with his white shorts and shoes. 

Inirapan ko lang siya at saka isinara ang pinto ng van na gagamitin namin. 

"May isang box pa ata ng mga gamot doon kuya Frans. Inakyat na ni Jp at kuya Kim yung iba" Naiiling na sabi ko rito at saka kinuha ang phone ko sa bag para icheck kung may messages ako. Pumasok na rin ako sa sasakyan dahil halos kompleto naman na ang mga gamit.

"Ate, dun kami ni ate Erich sa likod ah" nakangiting sabi ni nica habang inaayos ang bag niya.

"Saang sasakyan ba tong mga to kuya? Satin ba kela mommy o kela Tita?" Takang tanong ko rito. 

May 2 weeks trip kasi kami ng family, with family friends. Pupunta kami sa province ng dad ko, which is in Marinduque. This is going to be a Medical-Dental mission and a vacation at the same time, an annual activity we do to help the barangay. Yung lugar kasi kung saan lumaki yung daddy ko, isang maliit na barangay lang siya malapit sa beach, tapos sa likod nga bahay nila, our ancestral house, bundok siya na maraming coconut trees. 

"Di ko alam, Saatin nalang."  Sabi ni Kuya Kim. Yung pinaka matanda.

We are 6 by the way-- plus my kuya's wife. Yes, a very big family. It's kuya Kim, the Eldest, he's 27 years old, then his wife Marii, also 27 years old, they have 2 kids, Paxton 4 years old and Samira 1 year old. Then, It's my kuya Francis, 26 years old,  Me 24, JP 22, Erich 16 and Nica 14. 

Diba? Family palang namin yan, tapos 9 na mag kakapatid sila daddy. 

"Aira nandito na ang mga tito Orlan mo. Sa sasakyan ka nila sasakay, hayaan mo na ang mga kapatid mo sa isang van at nandon ang ibang gamit. Sa kabilang sasakyan ako kasama ng mga gamot at ng mga tita mo." Mahabang instruction nito. 

Tumango nalang ako at saka kinuha ang hand bag ko na nag lalaman ng mga anik-anik ko saka lumipat sa isang itim na van. 

"Hello po tito! Dito daw po ako sabi ng mommy" nakangiting sabi ko rito at nag mano sa mga taong nasa sasakyan, saka tiningnan kung saan may bakanteng upuan. 

"Aira, tumabi ka na dyan kay Jelo para hindi masyadong masikip." Sabi ni Tita Belle, nanay ni Jelo at kinagulat ko na kasama pala siya. Saktong pagkarinig niya ang pangalan niya, ay nag angat siya ng tingin. Nakaupo ito sa pangalawang row at may kinukuha pala sa ilalim ng upuan.

"Uy! kasama ka pala" Nakangiting bati ko rito. Hindi ko maiwasan ang mga mata niya. Bigla nanaman akong kinabahan. Act like nothing happened. Kunware hindi nangyare yung kagagahan mo self.

"Pinasama ko anak, para naman makarating rin siya sa Marinduque." Nakangiting sabi ng tatay niya, na binalingan ko ng tingin.

"Ah. Oo nga po. Buti naka sama ka Jelo" Naiilang na napatingin ako sa kanya. 

"Oo. Kailangan rin ng bagong envinment eh" Nakangiting sabi nito habang nag kakamot ng batok.

Tumango lamang ako saka inayos ang pagkakalong sa bag ko. Hindi ako mapakali. Hindi ako sanay sa pwesto ko.

"Uhm, Jelo, okay lang ba kung palit tayo? Gusto ko sana sa tabi ng bintana kung okay lang" Nahihiyang sabi ko rito.

Tumango ito at saka tumayo para maka move ako sa left. 

"Itong mga anak ko na ito, buong college magkasama, nag kakahiyaan parin. Ipakasal ko na kaya kayo" Pabirong sabi ni tito Orlan samin na ikinatawa ng ibang dentists at doctors na kasama namin. Nakakahiya!!! 

Nakitawalang ako ng peke at saka nilingon si Jelo saka siya pinanlakihan ng mata.

"Bakit?" Natawang sabi nito saka pinisil ang pisngi ko na ikinagulat ko. Luh, last time I checked, hindi ganito ang pakikitungo nito sakin noon. If it's 5 years ago, oo naniniwala ako. Pero a lot of things has changed now.

DestinedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon