Chapter 2

6 0 0
                                    

"Ay ito na nga ang sinasabi ko asawa. Areng dalawang are ang gusto ko. Manok ko iyang si..."

"Aba, talaga namang ang kuya Orlan ah. Ipinagkapilitan na ang dalwa eh." 

"Ah! Ay wala naman silang ibang karelasyon sa pag kakaalam ko. Wala namang masama, diga asawa?"

"Matinik talaga"

Naalimpungatan ako sa ingay ng paguusap ng mga tao dito sa sasakyan pero nanatili akong nakapikit. Nakaramdam ako ng ngalay sa leeg dahil na rin siguro nasa iisang pwesto lamang ako simula kanina. Hindi ko nalamang ito pinansin at saka sinandal ng deretso ang ulo ko sa head rest.

Ang inagy!

Napakunot nalamang ang ulo ko nang makarining nanaman ng ingay sa paligid. Pero parang mas maingay nagyon. Hindi ko nalamang sana ito papansinin dahil sobrang komportable ako sa pwesto ko ngayon, pero naririnig ko ang tawanan at kwentuhan nila kaya nagmulat na ako.

"Oh gising ka na pala" napalingon ako sa kanan at bumungad lang naman sakin ang muka ni Jelo na naka ngiti. Nagulat ako at napaayos ng upo nang mapansing nakasandal pala ang ulo ko sa balikat niya. Nakakahiya!!! 

Natatawang ibinaba nito ang kamay niya na naka hawak pala sa pisngi ko para hindi malaglag ang ulo ko. Jusq!! KAYA PALA ANG KOMPORTABLE KO! NAKAKAHIYA. 

"Nako, Jelo so--" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang may mapansin ako sa damit niya. Dahan dahang nanlaki ang mata ko at napahawak sa bibig ko.

basa.

BASA!!!!! OMG! NAKAKAHIYA LALO!!!

Nagkatinginan kami at natawa nalang parehas. Huhuhuhu nakakahiyaa! Idaan nalang sa tawa. At least quits na kami ngayon hahahah!

"Hala, Jelo sorry! sorry!" Tawang tawang sabi ko rito habang nag bubuklat at nag hahanap ng wipes sa bag ko. 

"Okay lang at least quits na tayo" Malaking ngiting sabi nito habang pinupunasan ko ang shirt niya. Napatigil ako sa pag punas rito at napakunot ang noo. Naalala niya?

Nagulat nalang ako ng maramdaman ang kamay niyang hinihilot ang kilay ko.

"Bakit parang lagi ka nalang nakakunot noo sakin? At ang tahimikk mo na ha!" Nang-aasar na sabi nito. Napailing nalang ako at saka mahinang hinampas sa balikat.

"Nakakahiya kasi! at ikaww! Ang ingay mo ngayon ha." Natatawang sabi ko rito at saka binaling ulit ang tingin sa shirt niya.

"Ayan. Okay na. Sorry ulit" Natatawang sabi ko nanaman rito at saka lumingon sa harap. Narinig ko nanaman ang mahinang pag tawa nito. Bakit ba ang saya saya nito ngayon? Naasar ako. Tiningnan ko itong masama at itinaas lamang niya ang dalawang kamay na animo'y sumusuko. Napailing nalamang ako at saka Binaling ang tingin sa phone ko. Wala paring message eh.

Nagulat ako ng makita ang kamay nito sa harap ng muka ko. Mas ikinagulat ko ang muling mag hilot nanaman nito sa kilay ko. Napaurong tuloy ang ulo ko. Ano ba yan.

"Lagi ka nalang nakakunot eh." Sabi nito at nag kibit balikat. 

"Mga anak kumain na muna kayo. Malapit na tayo sa pier, mamaya na kayo mag lambingan r'yan" Nanlaki ang mga matang tinanggap ko ang inabot na burger ni tito Orlan at nakagat ang ibabang labi. Huhuhu ano ba yan tito, hanggang nayon po?

"Tito talaga" Sabi ko nalang rito at saka umiling. Magaling! Tamang pag papanggap ka dyan na di naapektohan ha. Pero hindi naman kasi dapat. Naiilang lang talaga ako.

"Gumagana na ata ang pinaplano ni pareng Orlan ah." Sabi ni tito Renzo na ikinatawa nilang lahat sa van. Napanguso nalamang ako at saka kumagat sa burger ko. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 23, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DestinedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon