Varsities 2.0
1:13 AM
Storm: Bigay niyo tag-500 niyo kay @Milan
Huh?
Storm: Tangina. AHAHAHAHAHA. Ayoko na.
Travis: Anong nangyari?
Storm: Gold digger ampota.
Milan Nathalie: What happend?
In-english mo lang sinabi ni Travis, sa true lang.
Milan Nathalie: HAHAHAAHAHAHA.
Storm: May sugar daddy naman pala, pota. Hindi ako maka-get over, parang niyurakan ang pagkalalaki at pagkatao ko. Bwisit na Veronica Alvarez 'yan.
Storm: Diba nag-aya 'yong kaklase ko noong elementary na mag-bar. Syempre inom 'yon kaya pumayag ako.
Storm: Tapos nagdala pala ng babae 'yong kaklase ko. Nagulat ako kung sino dinala niya, si Nica!
Storm: "Pre, girlfriend ko." sabi niya. Syempre nagulat ako, paanong girlfriend e nililigawan ko tapos sabi niya wala siyang ibang manliligaw kaya kampante ako.
Storm: Bwisit na 'yan. Syempre, nagulat ako tas nagulat rin siya. Sinabi ko paano niya naging girlfriend eh, nililigawan ko? Nagkasagutan kami ni Sandro, 'yong kaklase ko.
Storm: Hanggang sa may dumating na babae, maganda tapos sexy. AHAHAHAHAHAA.
Zach Kiel: Bwisit, kailangan mo bang isingit 'yan?
Storm: OO. AHAHAHAAHAHA. Mas maganda 'yong babae kaysa kay Nica.
Storm: Bigla niyang pinagsasampal si Nica, syempre ang daming nakisawsaw. Tapos buti nalang umawat 'yong mga guards ng babae. Akalain mo 'yon may bodyguard.
Storm: Tapos dinuro siya ng babae, ito lang 'yong tanda kong sinabi niya, "You whore! A gold digger slut! A family wrecker!" ganoon. Gulat kami ni Sandro dahil sa pahayag ng babae. Magsasalita sana ako ng magsalita ulit 'yong babae.
Storm: Sinabi niyang kinarelasyon ni Nica 'yong papa ng babae kaya mas lalo kaming nagulat. Pineperahan niya raw 'yong papa ng babae. Ayon, nandidiri na kami sa kanya tapos harap-harapang brineak ni Sandro.
Storm: Pwede na kayo mag-react.
Ang sipag mo naman pag-type, sana nag-call ka nalang.
Zach Kiel: HAHAHAHAHAHA.
Storm: Bakit ngayon mo lang sinabi?
Milan Nathalie: I wonder if Veronica and that girl's dad had sex.
Hoy.
Storm: Kaya pala captain ng vb kasi ginamit niya 'yong papa ng babae para makuha 'yong title.
Travis: Oh, disgusting indeed.
Drake: Manligaw ka pa, Storm?
Storm: Sorry na nga, hindi ko binackground check ng maigi.
Storm: Si Hope sana liligawan ko kaso ayaw ko sa masungit at sadista. AHAHAHHAHAAHA.
Tangina mo.
Hindi rin naman ako magpapaligaw sa 'yo.
Storm: Si Milan sana kaso masyadong maraming lalaki.
Milan Nathalie: What are you trying to imply?
Storm: Wala mam. AHAHAHAHAHAHA.
Zinc Kieser: Sana magpa-shot 'yong broken hearted.
Storm: Hindi naman ako broken hearted. Slight lang.
HAHAHAHAHA
Addieson: HAHAAAHAHA. Paanong slight?
Storm: Nasugat lang pero hindi nadurog.
Storm: Mababaw na sugat, ganoon. Kasi, tangina, niloko ako.
Storm: Akala ko siya na, hindi pala.
Storm: Let's not talk about it anymore, naaasiwa ako.
Travis: AHAHAHAHAHHA. Tanginang naaasiwa 'yan.
Storm: Isang nakakadiring pangyayari. Buti nalang hindi ko hinalikan!
Drake: AAHHAHAHAAHAHA.
Kyrie: Buti kamo hindi mo kinama.
AHAHAHAHAHAHA.
Storm: AHAHAHAHAHAHA. Ew. I believe in marriage before sex.
w3h?
Storm: Totoo!
Travis: Walang naniniwala sa 'yo.
Milan Nathalie: Maniningil ako tig-500 bukas. Walang magtatago, papahanap ko kayo.
Drake: Oo nga pala, may pustahan. AHAHAHAHAHAHAHA. Bwisit. Wala bang discount?
Milan Nathalie: Wala.
BINABASA MO ANG
Points (Varsities Series #4)
Teen FictionHope Lazcano x Storm Villafranca FOURTH INSTALLMENT OF VARSITIES SERIES. DATE STARTED: April 07, 2021. 9:43 PM DATE ENDED: January 11, 2022. 8:45 PM