[ STORM ]
"Ganda ba?" tanong ko kay Travis sabay pakita ng cellphone ko kung saan naroroon ang isang picture ng babae. Napailing nalang siya at hindi binigyang pansin ang picture.
"May utak ba 'yan?" tanong niya sa akin bago tunggain ang Gatorade niya. Hindi ko mapigilang mapa-irap dahil don. Palibhasa beauty with brains ang hanap niya, kunsabagay ako rin naman.
In-off ko na ang cellphone ko dahil tumawag si Drake kay Travis at pinapabalik na kami sa gym. Nag-announce kasi si coach na may practice game kami sa Weston kaya naman tuwang-tuwa si Drake dahil makikita niya ulit ang crush niyang hindi naman siya kilala.
"May utak ka ba?" tanong ko sa babaeng teammate ng crush ni Drake. Kasalukuyan kaming nakaupo sa bench dahil nagpapahinga.
"What?" taray niya sa akin. Nakasalubong pa ang kilay at mukhang hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"You're asking me if I have a brain? What kind of question is that? Do you think I'm dumb?" sabi niya, sinamaan pa ako ng tingin bago umalis at lapitan ang mga teammates niya. Na-offend ko ba siya sa tanong ko?
Noong gabong iyon ay sinubukan ko siyang i-chat. Buti nalang at ka-close ko si Kelsey kaya natanong ko ang pangalan niya at na-add ko sa Facebook. Magandang babae, maraming achievements, magaling sa basketball, Business student — perfect woman for me, huh.
Pero syempre, gusto ko muna siyang makilala ng lubos. Gusto ko malaman lahat ng paborito niya, mga kinaiinisan niya, at hilig niyang gawin. Madalas ko siyang mabwisit kaya nag-eenjoy akong pikunin siya, ang cute niya kasi. Sarap pisilin pisngi.
"Mama, si Hope." pakilala ko kay Hope sa pamilya ko. May family dinner kami kaya kumpleto kaming lahat. Inimbitahan ko rin si Hope para makilala niya ang pamilya ko. Syempre, gusto kong makilala niya rin ako at ang mga nakapaligid sa akin.
"You're his girlfriend? Hindi ako makapaniwalang may pumatol sa 'yo, Storm." sabi ng pangit kong ate. I heard Hope chuckled beside me, tinignan ko siya pero tinaasan lang ako ng kilay.
"No po, I'm a friend po." malumanay na sabi ni Hope. Aba ang babaeng 'to, bakit kung ibang tao ang lambot ng boses niya? pero kapag ako kausap parang laging nanghahamon ng away? Asan hustisya doon?
"Buti naman friend lang," sabi ni ate at tumango-tango pa, "Hindi naman sa ayaw kita para sa kapatid ko ha," aniya pa, "Ayaw ko lang 'yong kapatid ko para sa 'yo. Batugan 'yan e."
Aba't!
Napatawa naman si Hope dahil doon. "Alam ko naman po 'yon." at sinang-ayunan pa nga.
The dinner was smooth. Laging nagtatanong si Papa kung kailan ang mga games namin at susubukan raw nila ang pagpunta. Pinangako naman nila sa akin na pupunta sila sa championship game namin, kung aabot.
Syempre, naninibago pa rin ako sa ganoong mga usapan dahil hindi naman pabor ang parents ko noong una. Lagi nilang sinasabi na I should quit kasi wala akong mapapala doon. Pero gaya nga ng sabi ni Hope, ipakita at patunayan ko sakanila na kaya ko, na dito ako masaya, na isa sa basketball court ang tinuturing kong tahanan.
Nag-aya siyang magpunta kami sa Baguio at syempre payag lahat ng tropa, gusto na rin namin ng pahinga. Doon ko narealize na hulog na ako kay Hope. Gusto ko lagi akong nakadikit sa kanya. Gusto ko lagi ko siyang kinakausap, laging hinahatid at sinusundo para masiguro ang kaligtasan niya.
Nag-away pa kami ng sarili ko kung dito na ba mismo ako aamin sa Baguio pero sa huli, napagdesisyonan kong sa pagbalik nalang namin. Pagkatapos ng laro namin against Weston.
Maayos ang mga naging lakad namin, magkakasama kaming nagpunta sa Harrison Night Market at ang tangang Hope naka-sleeveless at wala pang dalang jacket.
Gusto kong kusang ibigay ang jacket ko dahil naka-turtleneck naman ako kaso ayaw ko, baka bigyang malisya ng mga kaibigan namin ang simpleng gesture na 'yon. Hanggang sa nakita namin ang isa sa ex niya, napansin ang suot ni Hope kaya kusang binigay ang jacket. Tangina naman. Aaminin ko, masama loob ko doon lalo na't sila na ang nagkasama, kung hindi pa nag-aya si Kyrie na umuwi ay hindi na maghihiwalay ang dalawa. Mukhang mahal na mahal pa ang isa't isa. Tss.
Ang plano kong pag-amin ay na-cancel.
"Gago nililigawan na? 'Yong lalaking lagi niyang kasama?" tanong Drake. Kami nalang ang natira sa gym dahil gusto pa namin maglaro.
"Oo nga."
"Edi sumapaw ka, ungas. Manliligaw pa naman, hindi pa sila." saad ni Zach.
"Agree." sang-ayon naman ni Travis.
"Just tell her you're going to court her. You love her, right? Then atleast try. Fight for her. Leave ito fucking destiny, man. If you two are really meant to be then so be it." ani Travis.
Naisipan kong umamin na bukas pero biglang sinabi ni Mama na aalis kaming bansa kaya cancel ulit. Tangina. Lagi na lang bang wrong timing? Paano naman ang love story namin ni Hope?
"Leave ito fucking destiny, man. If you two are really meant to be then so be it."
Biglang nag-echo ang sinabi ni Travis kanina. Tama siya, kung kami talaga ang para sa isa't isa, magiging kami.
Sinulit ko na ang huling araw ko na kasama siya. Aalis na ako eh. Lagi kong sinasabi sa kanya na mananatili ako, totoo naman 'yon. I will leave my heart to Hope. She's the only one who will have a hold on my heart.
I will always love Hope.
"Ma, ano?!"
"Storm, galit ka ba?" balik tanong ni Mama sa akin. Napabuntong-hininga ako.
"Hin..hindi po. Nagulat lang."
"We'll be back in three days, we'll just attend a wedding." sabi niya. Nga naman oh! Tatlong araw lang kami dito?! Akala ko pa naman dito na kami for good, magbabakasyon lang pala.
Nagplano ako kung ano ang gagawin ko pagbalik ko ng Pinas. Aamin kay Hope, liligawan, at gawing akin. Tangina mo Suarez, hindi lang ikaw ang mapang-angkin dito.
Nasa simbahan kami kung saan gaganapin ang kasal. Hindi na ako makapaghintay na matapos 'to para makabalik na ako sa Pilipinas. Gusto ko nang makita si Hope, gusto ko na siyang maka-usap.
Sobrang aga namin dumating kaya tahimik lang akong naka-upo sa isang pew sa loob ng simbahan. Ilang oras pa ba bago magsisimula ang kasal?
"So, after you confess your love for me, you'll leave?" I heard a familiar voice in my back. Hindi ako pwedeng magkamali. Agad ko ito nilingon at nakita si Hope na naka-suot ng pastel pink na gown na siyang motif ng ikakasal.
"An...anong ginagawa mo dito?"
"I'm a bridesmaid. You didn't see the invitation, huh?"
"Hope..." mahinang tawag ko sa pangalan niya.
"What?" malamig na sabi niya, expressionless pa ang mukha.
"'Yong mga chinat ko bago ako umalis, totoo 'yon. Mahal kita." diretso kong sabi. Wala ng atrasan 'to, aamin na ako, sa loob ng simbahan mismo para na rin mapakinggan ni Lord ang mga sasabihin ko.
"And?"
"Liligawan kita." diretso kong sabi.
"Kahit pa na may manliligaw na ka, pwede naman siguro akong dumagdag 'di ba? Gusto kong patunayan sa 'yo na seryoso ako, gusto kong ipakita sa 'yo na sincere ako at gusto kong iparamdam sa 'yo na mahal kita." dagdag ko, "Kaya manliligaw ako sa gusto at sa gusto mo, wala ka ng magagawa,"
"Liligawan kita." pag-uulit ko pa.
"Okay." Iyon lang ang nasabi niya bago siya tawagin ng usherette dahil magsisimula na ang kasal.
[ END ]
See you on the last installment for Varsities Series. Varsities Series 5: Defense
![](https://img.wattpad.com/cover/225932387-288-k935599.jpg)
BINABASA MO ANG
Points (Varsities Series #4)
Teen FictionHope Lazcano x Storm Villafranca FOURTH INSTALLMENT OF VARSITIES SERIES. DATE STARTED: April 07, 2021. 9:43 PM DATE ENDED: January 11, 2022. 8:45 PM