ANO BA KASI'NG PANGALAN MO?

36 7 4
                                    


ANO BA KASI'NG PANGALAN MO?
(ONESHOT STORY)
WRITTEN BY AESA

"Ma, aalis na po ako!" sigaw ko. Nasa kusina kasi si mama.

Isinukbit ko na ang itim kong bag na naglalaman ng mga eco bag, bigay ng mama kong sumobra sa pagka-OA na benteng eco bag pa ang ipinabaon sa'kin.

Aanhin ko ba naman ang benteng eco bag? Bibili lang naman ako ng groceries, hindi magbabalot ng relief goods.

"O s'ya, sige. May dala ka bang alcohol at sanitizer? Kumain ka na ba, ha, Dirk?" Tanong nito habang pasayaw-sayaw pa. Ay, hindi pala nagsasayaw si mama, iniiwasan n'ya pala 'yung mantika. Nagpiprito kasi s'ya ng tilapya, tapos tipid pa sa mantika.

Hays, si mama talaga.

Binata na'ko, pero itinuturing pa rin niya akong baby.

Kinuha ko ang payong na nakasabit sa dingding.

"Opo, ma. Kumain na ho ako at dala ko na po lahat." Sabi ko habang iniaabot ang payong at pinanlalakihan ito ng mata.

"Ay, aanhin ko ga ireng payong?" Tanong ni mama habang parang action star na pilit pa ring iniiwasan ang mga tumatalsik na matika.

"Ay, buksan n'yo ho at ipangsangga sa mantika, hindi po 'yang daig pa ninyo yang tilapyang piniprito ninyo kung makaiwas. Para kang nai-epilepsy, ma."

Sinamaan naman ako ng tingin ni mama, saka biglang ngumiti.

"Ang init, anak, ano? Ala'y gusto mo bang mag-swimming sa washing machine?" Napalunok ako sa sinabi ni mama kaya't agad kong dinampot ang mask at isinuot.

"Ah-eh, aalis na pala po ako, mama. Ba-bye, hehe." Sabay takbo palabas.

Narinig ko pang tinanong ako ni mama kung kumain na ba ako, pero hindi na 'ko nakasagot.

Hays. Ngayon, mag-aabang naman ako ng masasakyan.

Katakot-takot na pasensya na naman ang kailangan bago ako makasakay. Konti lang kasi ang sasakyan ngayon, lalo na't quarantine.

Kung noon ngang walang pandemic 'e hirap akong makahanap ng madasakyan, ngayon pa kaya?

Tiningnan ko ang relo ko. Alas diyes pa lang ng tanghali, at mukhang alas dos pa'ko ng hapon makakasakay. Ganoon naman palagi.

Si mama kasi 'e, tsk! Apaka OA. Ang aga ako ginising, 'e alam ko namang hapon na rin ako makakasakay.
Ilang sandali pa akong naghintay. Laking gulat ko nang may paparating nang jeepney.

Hala! Totoo?

Wow! It's a miracle. Praise the Lord!

Kaagad ko iyong pinara. Syempre palampasin ko pa ba 'to? Biyaya 'to, ano.

Sumakay agad ako pagkatigil na pagkatigil palang. Umupo ako sa pinakang hulihan na parte malapit sa pinto. Sinabihan ko ang driver kung saan ako bababa. Ako pa lamang pala ang pasahero.

Nagsalpak muna ako ng earpods sa tainga ko at nag-play ng music. Bahala na si manong, sinabi ko naman sa kaniya kung saan ako bababa 'e.

ANO BA KASI'NG PANGALAN MO?(one-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon