Babe

196 4 2
                                    

Isang maikling kwento tungkol sa babe mo, babe nya, at babe nating lahat.

sinulat ni Darwin Taylo

Sa restaurant..

BOY: Tayong mga Pinoy minsan kasi kala mo kung sino tayo. Nakita mo yang isyu sa China?

GIRL: O, bakit? Tama naman ginagawa ng Pinoy dun a. Sila ung nang-bubully e.

BOY: Tingin mo sa liit ng Pinas ibubully pa tayo ng China? Yang Scarborough Shoal, historically, China na talaga nagmamay-ari nyan.

GIRL: E bakit, within 100 nautical miles naman talaga yun ng PAR, so technically sa Pinas un.

BOY: Kahit tanungin pa natin United Nations, history supercedes area of responsibility.

GIRL: May pruweba ba China na sa kanila yan historically?

BOY: Oo naman, mula elementary tinuturo na sa mga Chinese na kasama yan sa bansa nila. Di ko nga magets ang Pinas at sila pa nagmamalaki!

GIRL: Ganun?.. E kung ganun, wala nga tayong karapatan ano. Bakit nga ba tayo nakikipag-away sa sobrang laking China? Pinoy talaga.

(Tumatangu-tango.)

BOY: Alam mo, yan ang gusto ko sa babae, may sense at nakikinig.

GIRL: Yan din gusto ko sa lalaki e, matalino at solid ang personality.

BOY: So gusto mo ako?

GIRL: Bakit, gusto mo ba ako?

BOY: Aba, naniniguro pa a. May nanliligaw ba sayo ngaun, ka-date o baka may jowa?

GIRL: Bakit, ikaw may nililigawan ka ba ngayon, baka may girlfriend ka na o baka asawa’t mga anak?

BOY: Loko. Ano nga? Medyo istrikto ako ‘pag ako naging boyfriend mo. Nasan phone mo?

GIRL: At bakit? Akin na rin phone mo.

Nag-abutan ng cellphone.

BOY: Gusto ko burahin mo lahat ng contacts mo na nanligaw, nanliligaw at may balak manligaw sayo.

GIRL: Burahin mo muna lahat ng babae sa contacts mo, maliban sa Nanay mo.

Nagkalikot ng sari-sariling cellphone.

BOY: Baguhin mo name ko sa contacts mo. Gusto ko lagay mo “Babe”.

GIRL: Ilagay mo rin jan sa phone mo na “Babe” ang pangalan ko at gawin mong wallpaper pic natin. Wait, tingin ka dito.

Pinwesto ang mga cellphone at nagpiktyur magkasama.

BOY: O, bakit nakatingin ka dun sa waiter? Type mo nu?

GIRL: Ha? E ikaw nga yang nakatitig sa boobs ng babae sa tabi natin nu. Trip mo ba?

BOY: Sige sa kin ka lang tumingin.

GIRL: Ang sarap titigan ng perfect ko. Kung ganto lahat ng relasyon, wala nang mag-isa.

BOY: Sige, mauna na ko babe. May lakad pa kami ng family.

GIRL: Sige babe. Wag nang tumingin sa ibang babae jan sa paligid a, tutusukin ko mata mo.

Naghiwalay ang dalawa.

Pareho silang may tinawagan.

BOY: Oo mahal, pauwi na ko jan. Sori may meeting lang sa ofis.

Sa kabilang parte ng mall,

GIRL: Oo na baby, sori na-late. Nag-girls’ night out lang kami nina Kat.

Bago makalabas ng mall, tinext nila ang isa’t isa. Halos sabay pa nila nabasa ang text.

“Ano ulit pangalan mo Babe?”

Mga Kwentong WinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon