Biyahe sa Madaling-Araw

299 2 4
                                    

Isang maikling kuwento tungkol sa mga takot na hinaharap at tinatalikuran natin.

sinulat ni Darwin Taylo

“Kayo na po bahala, Lord.”

Tinapos nya ang lagi nyang dasal habang nag-aabang ng dyip papuntang Baclaran. Pasado alas-tres na ng madaling-araw. Habang ang pamilya nya e mahimbing na ang tulog at walang katao-tao sa kalsada, sya naman ay bihis na bihis, naka-formal attire pa, gising na gising, at papasok pa lang sa trabaho nya sa call center.

Mahigit isang taon na rin syang sanay sa graveyard shift. Pero sa araw-araw nyang pagbyahe mula Cavite hanggang Manila, hindi pa rin nya nakakalimutang magdasal para sa ligtas na byahe.

Dumating na ang dyip. Wala pa rin kasing bus ‘pag ganoong kaaga. Buti na lang at may mga iba syang kasabay, na malamang e sa mga call center din nagtatrabaho. Ibang iba ang mga kalsada ng Makati sa Dasma ‘pag ganoong oras. Kung sa Cavite ay ni walang katao-tao, hindi naman mabilang ang mga call center agents na laman ng kalsada ng Makati.

“Bayad ho, Baclaran lang.”

Nakaupo sya sa pinakadulo ng upuan, sa tabi ng drayber.

“Bayad, dalawa, Baclaran.”

At syempre, sya ang otomatikong taga-abot ng bayad ng lahat. Pagkabigay nya sa drayber ng bayad ng magsyotang parang walang ibang tao kung maglandian, humarap sya sa iba pang pasahero na parang naghihintay na ng bayad nila.

Nag-abot na rin ang isang matandang halata mong antok na antok pa, pati na rin ang tatlong magkakaibigang nagtsitsismisan tungkol sa laro ng Gilas na halata mong wala rin namang kaalam-alam sa basketbol.

May isa pang pasahero na nakaupo sa pinakaharap ng dyip, tabi ng babaan. Nakatingin sya sa lalake para hintayin ang pag-abot nya ng bayad. Nakatingin ang lalake sa labas, mukhang may iniisip. Kahit kalahati lang ng mukha ang kita nya, napansin nyang may itsura ang lalaki. May onti syang bigote pero ang kinis ng mukha. May nunal din sya sa tabi ng kanang mata nya. Parang ang amo amo ng mata nya. Maya-maya’y humarap ang lalaki. Dito nya nakitang gwapo nga ang lalaki. Nakasuot sya ng shirt na fit sa maganda nyang katawan. Parang nakangiti ang labi nya kahit hindi naman sya ngumingiti. Parang may kamukhang artista.

“Miss? Miss? Bayad daw ho o? Miss?”

Napatingin sya sa tumatawag sa kanyang babae na may kasamang dalawang kaibigan. Napansin nyang lahat ng pasahero e nakatingin na sa kanya.

“Ah, sori.”

Inabot nya ang bayad at binigay sa drayber. Sinulyapan nya ang lalake sa kabilang dulo ng dyip at nakitang ngumiti ito bago ulit tumingin sa kalsada.

“Mga Baclaran, sa babaan lang ho,” sigaw ng drayber.

Tiningnan nya ang lalaki sa dulo. Ngunit nakababa na ito. Nakipila sya sa mga bababa pa. Pagkababa nya mula sa dyip, nilibot nya ang tingin para hanapin ang lalaki. Pero hindi na nya ito nakita. Maya-maya pa’y pumara na sya ng taxi.

“Kayo na po ang bahala, Lord.”

Pasado alas-tres ulit ng madaling araw. Pagkasambit nya ng lagi nyang dasal, hinanap nya ang lalaki. Pero wala ito sa mga naghihintay ng dyip.

Dumating ang dyip at sumakay sya kasama ang ilan pang pasahero. Tumabi ulit sya sa tabi ng drayber.

“Bayad ho, Baclaran, isa.”

Pagharap nya sa iba pang pasahero para kunin ang pamasahe nila, nakita nyang nakaupo ulit sa dulo ng upuan ang lalaki, nakatingin sa kanya at nakangiti. Parang mas gumwapo pa sya lalo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 22, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mga Kwentong WinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon