Yuck

342 0 0
                                    

Isang maikling kwento tungkol sa mga nakakadiring nandidiri.

sinulat ni Darwin Taylo

Puuuucha.

Hindi na napigilan ni Ryan ang utot nya. Dahan-dahang sumabog ang maduming hangin sa puwet nya na tantya nya e ubod ng baho, at siguradong maya-maya lang e maaamoy na ng mga tao sa likod nya.

Kaaarte pa naman ng mga babaeng to. Buti nga sa kanila.

Ilang saglit pa nga’y nagsisisihan na ang grupo ng mga babae sa likod, habang pa-Ingles-Ingles pa.

Nag-patay-malisya si Ryan at umupo nang maayos. Pinlantsa nya bahagya, gamit ang kamay nya, ang unahan ng suot nyang puting polo at nagpagpag ng short.

Maluwag sa payat na katawan ni Ryan ang polo pero magandang tingnan dahil malinis. Naka-sapatos na itim din sya, kamukha ng mga ginagamit ng mga estudyante sa eskwela. Mukha syang estudyante sa elementarya.

Pumikit sya at may inalala.

Tu handred naynti eyt. Tig-wan handred samin ni Adoy tapos naynti eyt kay Elsa. Wan handred po sakin, wan handred po kay Adoy, naynti po kay Elsa.

Sinasaulo nya ang sasabihin sa boss nila. Hinihintay nya dumating si Noynoy para mabigay nya ang rasyon nila at makuha na rin nya ang pagkain nila para sa araw na yon.

“Huy, bata, may kasama ka?”

Pagdilat nya ng mata ay may batang babaeng nakaupo na sa tabi nya at nakatingin sa kanya. Magara ang suot ng bata at mukhang anak-mayaman. Ngumiti ito.

“Ahm.. Oo. Hinihintay ko si Kuya Noynoy. Maya-maya lang darating na yon.”

“Ano’ng pangalan mo? Ako nga pala si Ane.” Inabot ng bata ang kamay nya.

Ilang segundong natigilan si Ryan bago sya nakipagkamay kay Ane.

“Ryan.”

“Ilang taon ka na?”

“Sampu.”

“Ahh. Pareho tayo. Kaka-ten ko lang rin.” Ngumiti ito.

“Kasama ko friends ko. Bumili lang sila ng coffee. O, ayan na pala sila.”

May tatlong bata, dalawang babae at isang lalaki na dumating, at umupo sa tapat nilang mesa.

“Tara ipakilala kita.”

“Ahm…” Hinila na sya ni Ane at walang nagawa si Ryan kundi sumama.

“Hi guys, si Ryan pala. He’s alone sa other table, waiting for somebody. Ryan, this is Richard, Steph and Sarah.”

May onting pagtataka sa mukha ng tatlong bata pero nakipagkamay na rin sila kay Ryan at umupo na ang dalawa sa tabi nila.

“O Ane, Caramel Macchiato mo.” Inabot ni Sarah ang inumin.

“Thanks. Gusto mo’ng coffee Ryan?” Alok ni Ane.

“Ahmm..” Napaisip si Ryan. “Ahm.. Di naman ako inaantok e. Salamat.”

“Ano ka ba, pwede naman yung walang kape. Or pareho na lang nitong akin, iced tea.” Nakangiting sabat ni Steph sabay higop sa straw ng iniinom.

“Hahaha! You’re so corny Steph! Or…. try mine instead. Cinnamon Dolce Cremè Frappucino Blended Beverage. It’s delish.” Singit naman ni Sarah.

“Steph’s not corny Sarah. She just can’t afford all the other good stuff. Hahaha!” Nakangising inasar ni Richard si Steph.

Hindi naman nakasagot si Steph. Sumimangot ito at humigop ulit ng iced tea.

Mga Kwentong WinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon