Chapter One:The Dream

4 1 0
                                    

Unang araw ng pasukan sa kolehiyo,marami ang naglalakad na mga estudyante patungo sa kanikanilang mga silid,may ilang nagtatawanan at nagkwekwentuhan kasama ng kanilang mga kaibigan,meron ding tumutili dahil muli nilang nakita ang kanilang mga iniidolo,may mangilanngilan ding tumatakbo papasok sa tarangkahan ng paaralan dahil ilang minuto na lamang ay magsisimula na ang unang klase..

Sa isang banda,may isang babae na pawang may hinihintay habang nakaupo sa ilalim ng punong mangga,nakapalumbaba tila kay palim ng iniisip.


Aliza

"Bes!halika na!ano pang hinihintay mo dyan?"ang sabi sakin ng kaibigan ko habang nakakunot ang noo.

"Ano ka ba bes,ikaw lang kaya ang hinihintay ko ang tagal tagal mo naman kasing dumating eh nakakainis ka."
ang sabi ko sa kanya wariy nagtatampo.

"Sorry naman bes,inutusan pa kasi ako ni mama kaya na late ako pero dont worry ililibre kita mamaya sa cantene."ang sabi nito habang nakangiti.

"Sige ba basta ah libre mo ako ng eggsandwich mamaya ah."
ang sabi ko pa.

"Oo nga kulitkulit mo din eh,halika na dali late na tayo oh!"
ang sabi ng kaibigan ko,kayat natawa ako ng palihim sabay hila ko sa kanya papuntang room namin.

Nang makarating kami sa class room.

"Allliiizzzaaa...taamma naa"ang sabi nito habang humihingal.

"Oo na,haha nandito na tayo oh hahaha"ang sabi ako habang tumatawa ng malakas at may pahawak hawak pa sa tyan.

"Grabi bes mukhang naiwan ko yata yung kaluluwa ko dun ah"ang sabi nito.

"Edi,balikan mo haha ganyan ka naman eh MARUPOK haha"ang sabi sabay tawa ulit.

"Tss, hindi ka pa kasi nagmahal eh kaya hindi mo alam"sabi pa nya.

"Oo na haha basta yung libre ha"ang sabi ko with matching ngiting todo.

"Haha oo na PATAY GUTOM ka kasi eh haha."sabay tawa nito.

"Atleast hindi MARUPOK haha."
sabay takbo ko.

"Kapag maabutan talaga kita!Lagot ka saking babae ka!"sabay habol nito sakin.

Lyrinth

"Mom Dad are you sure that were going back to the Philippines?" I asked again,hindi ko nga mabilang kong pang ilang beses ko ng naitanong yun,siguro dahil hindi lang talagaako makapaniwala na uuwi na kqmi at makikita ko na ulit ang childhood friend ko,ang babaeng palihim kong minamahal.

"Oo kayat mag impake ka na dahil bukas na ang flight natin pabalik sa Pinas."ang sabi ni dad bago nagtungo sa kanilang silid.

Kayat pumanhik na ako sa aking silid.Hindi ko ma explain ang kabang nararamdaman ko ngayon.Hindi na ako makapaghintay na makita syang muli.

"Aliza..hintayin mo ako,sapagkat akoy magbabalik na"ang wika nito sa kanyang sarili sabay pikit ng kanyang mga mata.

Maagang umuwi si Aliza galing sa kanilang paaralan dahil may importanteng pinuntahan ang kanilang guro.
Pagdating nya sa kanilang tahanan ay agad syang tumungo sa kaniyang silid upang magbihis at makapagpahinga.
Nahiga sya sa kanyang kama habang nagiisip kung gaano pa ka tagal ang kanyang hihintayin upang makasama muli ang kanyang kababata na kanyang unang iniibig,hindi nya namalayan ng dalawin sya ng antok na may lungkot sa kanyang puso.

"Mahal ko gusto mo bang mamasyal tayo sa parke."tanong ng isang lalaki sa kanyang nobya.

"Sige mahal ko ikaw ang bahala."ang sagot ng babae sa lalaki.

"I love you mahal ko."ang wika ng lalaki sabay ngiti ng marahan.

"I love you too mahal ko"ang wika ng babae habang may matamis na ngiti na namutawi sa kanyang labi

Nagising na lamang si Aliza na may luhang pumapatak sa kanya mga mata,hindi nya batid kung bakit nya napanagginipan si Lyrinth na may kasamang iba sa kanyang panaginip kung bakit hindi sya bakit ang best friend nya pa ang kasama ng lalaking mahal nya.

Nanalangin na lamang sya na sanay hindi magkatotoo ang kanyang panaginip.

Nang mahimasmasan ay bumangun na ito sa pagkakahiga at tumungo sa kanilang kusina.

Habang siya ay nakaupo at umiinom ng tubig ay hindi maiwasang sumagi sa kanyang isipan ang kanyang napanaginipan.

"Mangyayari ba talaga yun?Hay nako,sana namay hindi."ang wika nito sa kanyang sarili habang nakapalumbaba.

Hindi nagtagal ay pumanhik na ito sa kanyang silid at tumungo sa kayang balkunahe.

Tinatanaw nito ang maliwanag na buwan sa kalangitan na nagbibigay liwanag sa kapaligiran.

Umiihip ang malamig na hangin habang tinatangay ang mahaba at tuwid nitong buhok.

Lumalalim na ang gabi ngunit hindi parin dinadalaw ng antok si Aliza,kayat pumanhik na lamang siya sa kanyang silid at kinuha ang paborito nitong librong pinamagatang I Love You Since 1892.

Ang pagbabasa ng libro ang kalimitan nitong ginagawa sa tuwing hindi ito dinadalaw ng antok.

Inabot pa ito ng madaling araw sa pagbabasa bago nakatulog.

When It's Too LateWhere stories live. Discover now