Nang hindi na makayanan ng batang babae ang paghikbi nito,ay agad ito tumakbo patungo sa kanilang tahanan.Dali-dali itong pumanhik paakyat sa kaniyang silid.Nang makapasok na ito sa kanyang silid ay agad nitong isinara at ikinandado upang walang makakita o makarinig sa mga ginahawa nito.Nang masigurong nakasara ng maayos ang pinto ay napasandal ito,at dito na muling bumuhos ang luhang kanina pa niya pilit na pinipigilang pumatak.Napa upo ito sa sahig habang hawak ang kaniyang bibig na pinipigilan ang paghikbi.Maya-maya ay tumayo ito at naglakad patungo sa kaniyang kama habang wala paring tigil ang kaniyang pagluha.Nahiga ito sa kaniyang kama,nagtalukbong ng kumot.
Sa apat na sulok ng silid nito,ang tanging maririnig lamang,ay ang mga hikbi nito na kaniyang pilit na pinipigilan upang walang makarinig.
Nang mahimasmasan sa kaniyang pag iyak ay naupo ito,at ang nakita nito ay silang dalawa na nakangiti sa isang litrato na nakapatong sa kaniyang study table.Iniwas nito ang kaniyang paningin sa litratong iyon ngunit sa bawat bahagi ng kaniyang silid ay nakikita nito ang mga alala nilang dalawa na masayang masaya habang naglalaro sa kaniyang silid noong mosmos pa lamang sila.
"Lyrinth,bakit?Bakit ganito?Bakit mo ito ginawa sa akin?Akala ko mahal mo ako?Akala ko poprotektahan mo ako sa mga bagay na magpapaiyak sa akin?Tapos ikaw lang pala ang ang magpapaiyak sa akin.Akala ko hindi mo ako iiwan?May pa promise promise ka pang nalalaman hindi mo rin pala tutuparin.Nakakainis ka Lyrinth nakakainis ka.Alam ko bata palang tayo pero mahal na kita hindi ko alam kong kaylan to mawawala pero gagawin ko ang lahat mawala lang ang nararamdaman kong ito sayo kahit bata pa ako,kasabay ng paglimot ko sayo Lyrinth,nakakainis ka nakakainis."ang wika nito habang sa gitna ng pagtangis at paghikbi nito.
Kalaunan ay kumatok ang kaniyang ina upang sabihin dito na kailangan na nitong bumaba upang makapag agahan.
"Sige po ma,bababa na po ako,saglit lang po."ang sabi nito habang patuloy parin sa pagpatak ang kaniyang mga luha.
"Sige,hihintayin ka na lang namin ng papa mo ah,bilisan mo na diyan."ang sabi ng mama nito,maya-maya ay maririnig ang papalayong yapak ng kaniyang ina.
Nagtungo ito sa kaniyang banyo upang maghilamos,upang kahit papaano ay mahimasmasan ito at hindi mahalata na kakagaling lamang nito sa pag iyak.
.............
Lumipas ang mga araw,linggo at buwan na palaging pumupunta si Aliza sa bahay nina Lyrinth upang tingnan kung dumating naba ito o hindi pa.Pagkatapos ay uuwi at iiyak ulit.Palaging ganoon ang naging sistema nito.Hanggang tumungtung na ito sa High School ay ganoon parin ang sistema nito,pupunta sa bahay nina Lyrinth tatanungin ang kasambahay nito kung naka uwi na ba ito,pupunta sa school at pag uwi ay sasaglit pa ito sa bahay nina Lyrinth kong naka uwi na ito.Araw-araw ay palaging ganoon ang nangyayari,hanggang sa dumating ang araw na napagod na ito at hindi na bumibisita sa bahay nina Lyrinth.
Sa pag-aaral nito ay naging mabuti ang resulta dahil kahit papaano ay nakasanayan na rin nito kung ano ang buhay ng isang high school student.Marami itong naging kabarkada mapa lalaki man o babae dahil sa likas na mabait ito,kaya't marami ang nakikipagkaibigan dito.Marami itong naging karelasyon na sa text lamang nito nakaausap na siya lamang ang nakakaalam ng totoong pagkatao nito at ginagawa niya rin ito upang makalimot.Naging maayos ang naging high school life nito dahil sa kaniyang mga kaibigan.
Hindi namalayan ni Aliza ang pagtulo ng kaniyang luha,ng punain iyon ng batang dumaan sa kaniyang harapan ay saka pa lamang nito nalaman na siya pala ay umiiyak na,agad nito pinunasan ang luhang pumatak sa kaniyang pisngi,tumayo ito at nag simula ng maglakad pabalik sa kanilang tahanan sapagkat malapit nang dumulim ang paligid at naguumpisa na ring lumiwanag ang mga kalsadang kaniyang dinaraanan dahil sa liwanag na nanggagaling sa mga street light.Nang mapansing wala nang laman ang palagyang hawak nito ay agad niya itong itinapon sa malapit na basurahan.
Nang makarating ito sa kanilang tahanan,ay agad itong pumanhik paakyat sa kaniyang silid at nagkulong.Naalala nitong muli ang pabor na hiniling sa kanya ni Lea.
"Kailangan ko itong pagisipan ng mabuti baka sa huli ay pagsisihan ko pa ito dahil lang sa katangahan ko."ang sabi nito at padabog na umupo sa kaniyang kama.Mayamaya ay tinawag na ito ng kanilang kasambahay para sa hapunan.
"Ma'am nakahanda na po ang hapunan."ang sabi dito ng kasambahay.
Tumingin pa ito sa salamin pago bumaba.
Matapos nitong maghapunan ay agad din itong pumanhik sa kaniyang silid.Naupo ito sa kaniyang study table at ginawa ang mga assignment na nanduon.Nang matapos ay nagtungo ito sa kaniyang banyo upang maligo,pagkatapos nitong maligo ay umupo ito sa harap ng kaniyang salamin.Habang kaniyang sinusuklay ang kaniyang mahaba at itim na buhok ay napatigil ito.
"Kung hindi ko gagawin ang pabor na hinihingi ni Lea,ay may posibilidad na maging kami ni Lyrinth,pero alam ko na kapag ginawa ko yun ay masisira ang ang pagkakaibigan namin ni Lea,pero kung ginawa ko yung pabor na hinihingi nya ay maaaring maging sila,p-pero pero ako naman yung masasaktan.Ano ba talaga ang dapat kong gawin?Ano nga ba ang pipiliin ko?Ano ba talaga?"ang sabi nito at nagbuntong-hininga.Nahiga ito sa kaniyang kama at nakatulog habang iniisip ang mga bagay na iyon.
YOU ARE READING
When It's Too Late
RomanceWhen It's Too Late Kapag nagmahal ka ay gagawin mo ang lahat para sa taong mahal mo. Handa kang sumugal para sa kanya. Handa kang masaktan para sa ikaliligaya nya . At higit sa lahat ay handa kang magpaubaya kahit na masaktan ka man. Ngunit hangang...